Chapter 41 : Fishball
TIME CHECK... IT'S 4:00AM IN THE MORNING.
Nang biglang may malakas na alarm ang gumising sa aming lahat. Dinig kong bumukas ang pinto ng room namin at bumungad doon si Coach Amber na naka-pajama at t-shirt pa. Halatang kakagising lang din. Pumasok sya sa loob ng room namin.Bumangon na ako habang ginigising ni Coach sila Hanna, Anne, Lorraine at Liza na tulog na tulog pa. Kami lang ata ni Tamina ang gising na. Well ako naman e... kanina pa gising. Sanay na kasi akong gumising ng ganitong oras araw-araw, you know para mag-jogging sa umaga.
7AM ang start ng Opening Ceremony ng Provincial Meet na gaganapin sa Quezon Convention Center. At heto kaming lahat maagap palang ay naghahanda na. Gusto kong magjogging kahit isang ikot lang sa buong Resort. Kaya naman nang tumayo ako nagtoothbrush ako ng mabilis at naghilamos ng mukha.
Nagpalit ako ng short at sando saka nagsuot ng rubber shoes.
"Hey sama ako." agad na sabi ni Tamina ng palabas na ako sa pinto. Naka rubber narin sya at handang magjogging. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
"Woi anong gagawin nyo??" biglang tanong ni Hanna.
"Magja-jogging."
"Sama ako."
"Let's go." -Tamina
Pero hindi lang si Hanna ang sumama at sumabay sa amin. Kundi pati narin ang iba naming teammates na babae. This is good. Dati-rati ako lang mag-isa ang nagja-jogging, ngayon marami na kami. Kahit noong nasa Japan pa ako... mag-isa lang ako lagi. But now, masaya ako dahil kasama ko ang mga teammates ko.
Madilim pa sa labas at medyo malamig.
Natanaw ko ang team ng boys sa tapat ng kanilang room na kalalabas lang.
"Goodmorning Babe..." sigaw ni Matt kay Anne. Nagtawanan ang ilang boys sa kanya.
"Sweet... sana all." si Lorraine.
"Sira. Agang-agang babadtripin ako." kunot-noong sagot ni Anne habang masama ang tingin kay Matt na kumakaway sa direksyon namin.
"Ay sus... arte nito."
Pati si Lorraine ay sinamaan ng tingin ni Anne. Nag-peace sign lang si Lorraine saka nauna ng tumakbo sa amin kasabay ang ibang girls.
"Agang-agang landi nyo ah." singit si Liza.
"Naiinggit ka lang e. Pabati ka rin kay Joshua." -Anne.
Tinaasan lang sya ng isang kilay ni Liza. "Nakakatawa yon." sarkastic na sagot nito. Napailing nalang ako saka nagsimula ng tumakbo. Si Tamina at Hanna ang kasabay at katapat ko sa pagtakbo.
Hindi man halata sakin pero excited na ako para sa mamayang GAME namin. Nagjogging kami sa buong compound ng resort. Isang ikot lang pagkatapos non saka kami sabay-sabay na pumunta sa Narra Hall para kumain ng agahan.
Binigyan kami nila Coach ng 20 minutes para kumain pagkatapos non ay kailangan na naming maghanda. Kahulihan akong naligo sa aming mga girls. Naka-suot muna kaming lahat ng white tshirt na may tatak na Campbell High, iyon daw muna ang isuot namin papunta sa Quezon Convention Center.
6AM, nasa bus na kaming lahat kasama ang team ng boys. Same sit just like before. Hindi naman naging matagal ang byahe... almost 30 minutes lang ay nakarating na kami sa destination namin.
Kanya-kanya kaming buhat sa aming mga bagpack at habang nakapila pababa ng bus... mula sa bintana... nakikita ko na ang maraming tao sa labas... at mga atletang naroroon na. Pagbaba ko ng mismong bus, ibat-ibang kulay ang natanaw ng aking mga mata na nakapalamuti sa buong paligid.

YOU ARE READING
QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)
Teen FictionQUEEN SERIES #1 Campus Clash 1 : QUEEN OF THE COURT by: agirlwhocussalot Kwento ng isang babae na magaling, mahusay sa larangan ng paglalaro ng volleyball. Isa syang sikat na manlalaro sa bansang Japan at maging sa ibat-ibang bansa sa Asya. She's ha...