PROLOGUE

11.7K 402 19
                                    

Hawak ang kariton habang bagtas ko ang daan papunta sa bahay dahil kakatapos ko lamang mag benta ng mga kalakal sa isang junk shop. Medyo malaki ang kita ko ngayon dahil gusto kong surpresahin si nanay dahil kaarawan niya ngayon magdamag ako sa tambak ng basura para kumita ng malaki.

Malapit na ako sa tarangkahan ng bahay namin ng nakita ko ang mga tao sa bahay na nagkakagulo. Napangiti na lamang ako dahil kahit nasa mahirap kaming pamayanan ay nagtitulungan kami. "Siguro sinosorpresa nila si nanay." Saad ko pa sa isip ko.

Habang naglalakad ay mabilis at hingal na sinalubong ako ni Jang.

"K-kuya Eji si n-nanay Hanna!!" Hingal na saad niya at bakas pa sa muka ni Jang ang pag-aalala at ang luhang patuloy na bumabagsak sa mata niya.

"Oh bakit anong nangyari kay inay?"

"K-kuya wag kang mab-bibigla h-huh!?"

Medyo nakakaramdam narin ako ng kaba sa puso ko dahil sa nakikita kong itsura niya.

"Si Nanay Hanna nasa bahay at duguan ito at p-patay na!"

Para naman akong matutumba sa narinig ko at nag-uumpisa naring mamuo ang luha sa mga mata ko.

"W-wag kang magbiro ng ganyan!!" Napasigaw kong saad sa kaniya at dali daling tumakbo papunta sa bahay namin.

Halos nagkakagulo na ang mga tao sa bahay kaya pilit kong isinisiksik ang katawan ko sa kumpol ng mga kapit bahay namin.

"Padaan po! Padaan!, Aling Marya ano pong nangyari kay inay?" Lumuluhang saad ko dahil kita ko sa harapan ko ang nanay kong nakabulagta at duguan habang hawak pa ang cellphone niya.

"Ewan ko din ijo nakarinig nalang kami ng putok ng baril tapos nakita naming umalis yoong mga bumaril sakaniya sakay ng itim na motorsiklo"

Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong nag aaway na ang mga tao dito dahil sa pag aagawan ng mga kalakal. Palagi na lang ganito ang mga taong to lalong-lalo na ang grupo nila Bebang siya rin ang isa sa kakompetensiya ko dito.

Makasarili at pabida ang babaeng yan kaya hindi ko na lamang pinapatulan pero pag hindi na talaga ako nakapagtimpi eh away ang bagsak naming dalawa ingetera din kasi.

Hindi sa pagmamayabang pero may itsura rin naman ako mas maganda pa nga daw ako sakaniya kung hindi lang daw dungisin ang itsura ko mas muka pa daw akong babae kesa sakaniya. At yoon ata ang kinaiingitan niya saakin. Eh kasalanan ko ba namang maganda ang nanay ko hahahaha.

Isa pa ang ng alam ko may taong nasa likod ng pagkakamatay ni inay wala naman akong alam na ginawan niya ng kasalanan mabait at matulungan si inay sa kupuwa kaya wala akong alam na gagawa ng ganong karumal dumal na pangyayari sakaniya.

Isa rin siguro sa dahilan kung bakit ako tinuruan ni tatay na makipaglaban para magamit ko itong self-defence dahil alam niyang darating ang araw na maari akong mapahamak.

Nagtataka pa nga ako kung bakit niya ako tinuruan. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko ngayon mananagot ang may gawa noon kay inay.

I'm Xerces Ejin Castro and this is my story.

Warning: Please be reminded that this is my first story. While reading you might feel bored and cringe at the same time. But I hope you like my book cause I exert effort while writing this story. Have a nice day godbless everyone!

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon