KABANATA 30

2.6K 171 5
                                    

EJI's POV

"LET'S go! Baka ma late pa tayo sa klase." Si Kuya sakaniya kasi ako sasabay ngayon. Balak sana akong sunduin ni Philiphe pero tumanggi na ako baka kasi nakakaabala na ako sakaniya.

"Oo na nandiyan na po kuya!" Paiirap kong saad sakaniya. Kanina pa kasi siya padali ng padali saakin eh! Matagal pa naman ang start ng klase namin. "Jang tara na! Sabay kana saamin." Tawag ko kay Jang na nakatayo sa harapan ng gate.

"Hindi na kuya may susundo kasi saakin ngayon." Nakangiti niyang saad.

"Sino? May manliligaw kanaba ngayon?" Pabiro kong tanong.

"Yung kilala ko lang Kuya sige mauna na kayo ang sabi niya saakin sa text malapit na daw siya."

"Siguro ka bang-"

"Halika na Ejin wag ka ng pumilit ng taong may susundo na sakaniya." Sarkastikong saad ni Kuya Adhie. Napapansin ko lang simula ng huli naming pag-uusap na tatlo nagiging bugnutin na si Kuya.

Madalas din siyang nakatingin kay Jang kapag nakita niyang may hawak itong cellphone. Ayan kasi ang sabi ko umamin na at baka nauunahan siya ng iba pero inuuna pa kasi ang pride.

"Sige Kuya una na po kayo. Baka magalit iyong kuya mong bugnutin." Kunwaring pabulong niyang saad pero halata namang nagpaparinig talaga.

Wala na nga akong nagawa ng sumakay na sa kotse si Kuya. Ayoko namang magpaiwan hindi pa naman ako marunong mag drive ng kotse. Wala parin kasi ako sa legal age pero malapit na ilang araw nalang.

Ng makarating nga kami sa parking lot ng school ay agad ng bumaba ng kotse si Kuya halatang bad mood nga ito ngayon. Kadalasanan kasi lagi niya akong pinagbubuksan ng pintuan.

Kaya no choice ako kundi ang maiwan mag-isa dito sa loob. Tsk! Napaka talaga ng kuya kong ito. Pababa palang sana ako ng biglang may pumasok sa loob ng kotse kaya naman gulat akong napatingin sa lalakeng hinihingal na nakayuko halatang hinabol ito.

Ilang saglit pa ay may mga kababaihan at gay na nagsistakbuhan habang may mga hawak na cellphone.

"Hayst! Mabuti naman at wala na sila." Saad niya tsaka humugot ng malalim na hininga at pinakawalan ito.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO DITO!!!" Sigaw ko sa taong nasa loob ng sasakiyan ngayon muka naman itong disente

"Shhh!!! Wag kang maingay please baka marinig ka ng mga humahabol saakin." Habang ang isang daliri ay nakalagay sa bibig ko. Ng tignan ko ang muka nito ay masasabi kong pogi nga ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Pag-uulit ko pero hindi na pasigaw habang ang daliri at nakapatong parin sa bibig ko.

"Pasensiya kana may humahabol kasi saaking mga estudyante tinataguan ko lang sila." Saad niya ng tanggalin ang isa niyang daliri sa bibig ko.

"May nagawa kabang kasalanan kaya ka nila hinahabol?" Takang tanong ko dito. Muka talaga siyang matino kaya hindi ako nagaalangan na baka isa na naman siya sa tauhan ng mga lalakeng balak akong gawan ng masama.

"Wala no! Ewan ko ba naman sa mga estudyante dito kung bakit sila patay na patay sa pogi kong muka." Pagmamayabang niya kaya naman agad na tumaas ang sulok ng labi ko.

"Ang hangin mo din ano?!" Nakataas kilay kong tanong. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Mukang wala naman na sila kaya naman aalis na ako maraming salamat sayo. Bago ako umalis magpapakilala muna ako sayo Andrew Cloth Gonzales tandaan mo yang pangalan ko huh! Dahil sa tingin ko magkikita pa tayo." Saad niya bago lumabas at kindat saakin. Ang weird niya lang pero somehow feeling ko pamilyar siya saakin.

Ng umalis na nga siya ay bumaba narin ako. Ng makababa ako ay agad kong isinara ang pintuan at naglakad pero agad din akong napatigil ng maramdaman ko na may nagpiring ng mata ko.

Pamilyar ang amoy saakin. Dahil ito ang amoy ng taong mahal ko.

"Philip alam kong ikaw yan!" Natatawa kong saad.

"Tsk! Ang bilis mo naman mahulaan. Ganon na ba talaga kapamilyar ang presensiya ko sayo?"

"Oo naman." Walang pag-aalinlangang kobg saad sakaniya.

"Good morning beautiful lady at Para sayo nga pala." Tsaka abot saakin ng bulaklak. Ng makuha ito ay agad ko itong inamoy. Namula pa nga ako ng sinabi niya ako ng beautiful lady.

"Woah! Ang bango naman neto at ang ganda. Salamat sayo at good morning din Pogi!." Nakangiti ng todo kong saad sakaniya. Nagbibigay naman siya saakin ng bulaklak araw araw pero iba ang feeling ko ngayon parang ang gaan na basta feeling ko ang saya saya ko ngayon.

"Welcome! I'm happy that you like my flowers." Isa rin sa natuklasan ko sakaniya ang pagiging mahilig sa bulaklak. Kung titignan ang itsura hindi mo makikita na mahilig itong mag-alaga ng bulaklak. Siya rin ang nagtatanim ng mga bulaklak na binibigay niya saakin.

Ang effort niya lang. Dagdag pogi points HAHAHA!! Pero hindi parin maalis ang pangamba saakin. Na kung paano hanggang ngayon wala pa siyang nararamdaman saakin. Wag na nga nating pagusapan ang bagay na iyan basta ang itatak mo sa isip mo Ejin iyong mga pangako niya sayo.

"By the way I invite you for my upcoming birthday and also my parents want to meet you. Nalaman na kasi nilang nililigawan mo ako."

"Yeah that's good! Okay I will surely come to your birthday. And by the way I just want to say thank you to your parents dahil sa paginvest nila sa kompanya namin. It's help a lot." Nakangiti niyang saad saakin.

"Sige sasabihin ko sakanila yan."

"HOY INSAN!! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Saad ng lalakeng nasa harapan namin ngayon.

"IKAW!!" Turo ko sakaniya.

"Uy ikaw pala miss beautiful sabi ko naman sayo magkikita tayo ulit eh. Ang bilis naman ng tadhana." Malapad na ngiti niya.

"Back off Insan he's my boyfriend." Saad ni Philiphe eh?! Hindi ko pa naman siya boyfriend huh! Pero hinayaan ko nalang.

"Boyfriend? Lalake ka?" Gulat niyang tanong. Kaya naman tanging tango lang ang isinagit ko.

"Insan wala naman akong gusto sa boyfriend mo."

"Wag mo akong lokohin Cloth alam ko na iyang nga galawan mo." Seryosong saad ni Philip.

"Relax ka lang seryoso mo naman masyado. Ang ganda mo naman miss beautiful nadali mo ako dun huh! Akala ko babae ka talaga. Ano palang pangalan mo?" Tanong niya saakin. Kaya naman pala pamilyar ang muka niya dahil medyo hawig siya kay Philip.

"Xerces Ejin Hernandez." Simpleng saad ko tsaka ngumiti rin ng simple. Pinapalitan na kasi ng magulang ko ang apelyedo ko sa Estibar.

"Magpapakilala ako ulit Andrew Cloth Gonzales nice meeting you." Saad niya tsaka iniabot ang kamay. Balak ko palang sana itong kunin ng si Philip na mismo ang kumuha nito kaya naman hinayaan ko nalang silang dalawa doon.

Magkaibang magkaiba sila ng ugali ni Philiphe at Andrew. Kung si Philip lumalabas lang ang pagiging madaldal kapag malapit na ang loob niyo ito namang si Cloth napaka daldal sobra.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon