KABANATA 41

2.2K 156 0
                                    

EJI's POV

I should feel happy right now dahil bukas na ang graduation at ako ang valedictorian pero wala ng mahanap na saya ang puso ko ngayon. Sinong tao ang magiging masaya matapos mong makita na pinagtataksilan ka ng taong mahal mo.

I received a lot of message and calls of him but I didn't bother to read and answer all of them. Ano pang sense kung nakita na mismo ng dalawang mata ko ang nangyari.

Alam kong dapat ko munang alamin ang katotohan mula sakaniya pero natatakot ako. Natatakot ako sa maaring maging sagot niya saakin. Paano kung sabihin niyang pinaglaruan niya lang talaga ako, Paano kung sabihin niya saakin na wala siyang ni katiting na pagmamahal saakin ano nalang ang nangyayari saakin.

"I need time to think please stop calling and messaging me."Yaan ang huli kong text sakaniya kaya naman tumigil na siya sa pag text at pagtawag sakin.

Alam kong magiging tanga ako sa magiging desisyon ko ngayon pero wala na akong pake. Total halik lang naman iyon it's not a big deal. 'Oo hindi iyon big deal' Pagkumbisi ko sa sarili ko. Tsaka hindi ko naman nakitang tumugon si Philip kaya ayos lang iyon.

Bibigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon para patunayan ang sarili niya saakin. Ilang beses ko ba dapat siyang bigyan ng pagkakataon.

Ng makauwi kami kahapon ni Kuya ay alam kong nagtataka siya sa naging asal ko. Pero binigyan niya nalang ako ng time para mapag-isa. Mabuti na nga lang din at hindi nakita ni Kuya ang nangyari sa hallway dahil kapag nangyari iyon sigurado akong hindi na makakalapit pa saakin si Philiphe at baka ang mas malala ay mag bugbugan pa silang dalawa na ayokong mangyari.

Maghapon lang akong nagmukmok kahapon kaya alam kong nag-aalala na ang magulang ko pati narin si Kuya.

Pagkagising ko ay para akong zombie dahil sa laki ng eye bags sa mata ko. Medyo nakakaramdam din ako ng hilo ngayon pero hindi ko na inindi. Ngayong araw ang graduation dapat hindi ganito ang itsura ko kaya naman agad akong nag-ayos ng sarili.

Ilang oras pa naman bago magsimula ang ceremony kaya makakapaghanda pa ako. Ayoko namang magmukang ewan lalo na't graduation day ngayon aakyat pa naman ako sa stage para magbigay ng message.

"Little brother ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Pagkatok ni Kuya sa pintuan ko. Sinugurado ko munang maayos ang itsura ko bago ako lumabas.

Pero nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Kuya ng walang babala. "Ayos kana ba bunso?" I felt safe around his arm kaya hindi ko maiwasan ang maluha na agad kong pinunasan dahil baka mapansin niya pa.

"Hmm! Ayos lang ako kuya ano kaba!"

"Sigurado ka?"

"Tsk! Oo nga." Good thing hindi na niya tananong kung anong nangyari saakin kahapon kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko sakaniya.

Pagbaba namin ay medyo nagulat ako ng makita ko doon si Tita Vanice kapatid ni mommy. Napakabait niyang Tita dahil ng malaman niyang nahanap ako ay agad agad siyang nagtungo dito at niyakap ako ng mahigpit.

"Hi Tita good morning po, Good morning din Mom and Dad pati sayo Jang."

"Good morning son/ijo/kuya." Pagbati rin nila.

"Ano anak ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Mom saakin. Kaya naman agad akong ngumiti ng malaki para hindi na siya mag-alala. "Ang sabi ng Kuya mo masama daw ang pakiramdam mo." Saad ni Mom kaya napatingin muna ako kay kuya bago sumagot.

"I'm okay mom. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kahapon."

"Mabuti naman kung ganon."

"By the way bakit po kayo napabisita Tita?" Magalang kong tanong.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon