KABANATA 31

2.4K 167 5
                                    

EJI's POV

ISA lang ang masasabi ko ngayon sa party it's so perfect. Hindi sa pagiging isip bata pero ang theme ng party ay Disneyland. Ganito ang birthday party na pinangarap ko ng bata pa ako.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman na ganito ang gusto kong theme pero napakasaya ko ngayon. Kasi natupad ang isa sa mga pangarap ko.

Kanina pa ginanap ang party at sa nakikita ko ay nag eenjoy naman ang lahat. Mga ka business partner nila papa ang nandito kasama ang nga anak nila. Everything was greeting me a happy birthday.

Kaya halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. I'm sure pag nandito sila Inay at Itay ngayon magiging masaya sila saakin. Hindi man nila ako nabigyan ng ganitong klaseng birthday pero masaya parin ako dahil nakasama ko sila noong panahon na kaarawan ko.

"Happy birthday again son! Masaya ako at nakasama ka na namin ngayon. I love you son!" Naluluhang saad ni Mom. Kanina pa siya ganito. Ang sabi niya saakin masaya lang daw siya kasi nagkasama sama na kami. "I love you too son!" Si Dad.

"Mom wag ka na pong umiyak naiiyak narin po ako eh! Tsaka mahal na mahal ko din po kayo." Tsaka yumakap sakanila.

"Ops! Bakit naman hindi niyo ako sinali diyaan." Si Kuya na nakiyakap nadin saamin. Napakasaya ng araw na ito para saakin. Everything was perfect. "Happy birthday bunso. Dalaga kana niyan." Bulong ni Kuya saakin kaya pinalo ko siya ng tinawag niya akong dalaga. It's my 18th birthday kasi kaya naman parang debu kona ito.

"Thank you Kuya."

Nandito na ako ngayon sa isang table kasama ang mga kaybigan ko at si Philip isinama niya din pala ang pinsang niyang madaldal.

"Happy birthday honey." Si Philip tsaka abot saakin ng regalo at halik sa pisngi ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya naman nagulat at namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Ikaw ba naman halikan ng ganito ka poging nilalang tapos tawagin ka pang honey.

I already introduce him to my family maiinit na tinanggap nila Mom at Dad si Philip at ang tanging hiling lang daw nila ay wag akong saktan sumangayon din doon si Kuya at tinanong kung seryoso ba siya saakin at feeling ko sincere naman siya ng sinabi niyang Oo.

"Wag ka lang magpapakita saakin pag nakita kong sinaktan mo ang kapatid ko." Pagbabanta pa nga ni Kuya sakaniya. At nakangiti naman itong tumango.

Matapos noon ay siya namang pagpapakilala niya saakin sa Mommy niya. Mukang bata din ang Mom niya maganda at makikita mo sa kaniya ang pagiging class strikta ang muka nito pero ng maka-usap ko na siya ay buong puso niya akong tinanggap muka lang masungit ang Mommy ni Philip pero mabait ito.

Mom and Dad already invest at their company kaya naman labis ang pasasalamat nila. Hindi ko alam na nasa point na pala sila ng pagkabagsak at tanging kompanya nalang namin ang magpapabangon sa kanila. At masaya ako na nakatulong ang pamilya ko sakanila.

"Uy ang birthday boy natin namumula." Si Pitchy na sinabayan ng tawa nilang lahat. Tatanggi pa sana ako kaso hindi ko nalang ginawa dahil wala din namang silbi kasi randam ko din ang pamumula ng pisngi ko.

"Uy anoba nangiinis pa kayo eh!" Pagmamaktol ko.

"Hoy wag niyo ng ganiyang itong kapatid ko dalaga na siye eh!" At sabay na naman silang tumawa maliban kay Philip na nakangiti lang. Magkaka vibes talaga ang mga taong ito lalo na si Jang at Pitchy pagmagkasama ang dalawang ito lagi akong inaasar.

Hindi naman ako ginaganito ni Jang dati pero nahawa naata siya sa ugali ni Pitchy HAHAHA!! tapos dumadagdag pa si Kuya Adhie na siyang pinakamalakas mang-asar saakin. Nadagdagan pa sila ng kakampi sa pangaasar dahil kay Cloth. Medyo close narin kami ng nadaldal na ito.

"Dalaga kana pala Eji eh!" Pangaasar din ng Cloth na ito.

"Tsk! Oo dalaga na nga ako may magagawa kayo?" Pagtataray ko at ang mga loko tinawanan lang ako. Halatang nag eenjoy silang asarin ako.

PHILIPHE POV's

SEEING Eji happy makes me happy too. Nitong mga nagdaan alam ko sa sarili kong nagbabago na ang nararamdaman ko sakaniya hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit tumitibok ng malakas ang puso ko pag kasama ko siya. And then I find out at nalaman kong gusto ko na pala siya.

Nagsisi nga ako kasi noong una ginamit ko siya para sa kompanya namin. Hindi ko na sinabi sakaniya ang tungkol sa bagay na iyon dahil natatakot akong baka magalit siya saakin.

Kasalukuyan siyang inaasar ng mga kaybigan niya ng dahil sa pamumula ng pisngi niya at napunta sa pagkadalaga niya. Nagsimula ang lahat dahil sa paghalik ko sa pisngi niya nakita ko pa nga siyang nagulat at ganon din ako but I didn't regret it.

Ng dinala ko sa mga paborito kong lugar si Eji masaya ako dahil nagustuhan niya doon. Siya ang kaunaunahang taong dinala ko doon. I didn't even bring Crystal there. Kaya nagtataka talaga ako sa sarili ko noon kung bakit ko siya ipinununta sa mga lugar na gusto ko.

""Tsk! Oo dalaga na nga ako may magagawa kayo?" Pagtataray niya at tinawanan lang siya ng mga kaybigan niya. Ganon din ako ang cute niya lang HAHAHA!!!

Ilang saglit pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman tinignan ko ito at nakitang unregistered number kaya naman nag excuse muna ako sakanila para sagutin ang tawag medyo maingay dito kaya naman lumayo muna ako saglit.

"Hello who is this?" Pagtatanong ko sa tumawag. "Hello?" Paguulit ko pa. I'm about to end the call when someone speak.

"It's me." Narinig kong sinabi ng kausap ko sa telepono.

"Crystal?" Pagtatanong ko sa kausap ko kasi hindi ako sigurado kong siya nga ba.

"Yeah." Narinig kong sagot pero hindi na sa telepono kundi sa likod ko kaya naman humarap ako at nakita ko doon si Crystal. Nagtataka akong nakatingin sakaniya.

"What are you doing here?" Tanong ko sakaniya. "Ikaw din ba yung tunawag?"

"I'm here to see you. Yeah that's me."

"Anong kaylangan mo saakin?"

"Bakit mo ako nagawang ipagpalit sa bading na iyon." Naluluhang saad niya tsaka yumakap saakin. Gustuhin ko mang tanggalin ang pagkakayakap niya ay hindi ko na ginawa bilang respeto narin sakaniya.

"Watch your word." Saad ko sakaniya.

"Are you inlove at him?" Hindi ako sumagot sakaniya kasi wala na akong obligasyon pa sakaniya. "Ano sumagot ka saakin?!"

"I don't need to answer that dahil alam mo kung anong magiging sagot ko sayo."

"Eh ako? Mahal mo pa ba ako Huh?"

"You know that I love you right? But that was before. Patawarin mo ako kung wala na akong nararamdaman sayo ngayon."

"I can't believe this. Don't say that! Paano mo nagagawang sabihin saakin ang bagay na iyan." Naluluha at hindi makapaniwala niyang saad. Hindi ako sumagot sakaniya. "I know nalilito ka lang sa nararamdaman mo. Ako lang ang mahal mo diba sabihin mo saakin." Sigaw niya pa.

"Sorry." Huling saad ko sakaniya bago umalis at iniwan siya doon. Hindi muna ako tumuloy sa upuan namin kanina at nagpunta muna ako sa kotse ko para pagaanin ang damdamin ko.

Ng maramdaman kong magaan na ito ay bumalik na ako sa upuaan namin pero wala na akong naabutan doon maliban kay Andrew.

"Andrew nakita mo ba si Eji?" Tanong ko sakaniya.

"Oo may kasama ng ibang lalake." Seryosong saad niya kaya naman tinignan ko siya ng masama.

"HAHAHA! easy ka lang Insan ang sama mo kung tumingin eh! Nandoon siya o." Turo niya kay Eji kaya naman agad ko siyang pinuntahan at nakita ko siyang umiinom ng alak.

"Lasing kana? Bakit kaba uminom ng alak?" Takang tanong ko sakaniya habang inaagaw ang alak na iniinom niya.

"Oh Ikaw pala Philipe kumusta ka? Bat ba ang pogi pogi mo ngayon?" Wala sa sariling tanong niya saakin. Hindi ko na siya sinagot at iniakyat nalang sa kuwarto niya.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon