KABANATA 43

2.5K 149 34
                                    

SOMEONE'S POV

"I think this is the right time to do our next plan. Ayoko ng maulit ang naunang nangyari sa plano natin." Seryosong saad ko habang hawak ang isang wine sa kamay ko sa mga tauhan ko. "Kukuha ka na nga lang kasi ng tauhan iyong bobo pa lima silang lalake tapos napatumba lang ng isang tao." I am the one who commanded that 5 stupid man who try to kill and rape that stupid faggot which is Eji.

"Hindi ako papayag na hindi makamit ang hustisya sa pagkamatay ng anak at asawa ko. Sisiguraduhin kong magdudusa din ang pamilya Estibar na iyon sa pamamagitan ng kamay ko." Tuwing naalala ko ang itsura ng asawat anak ko matapos silang makuha sa bangin ay labis na galit ang nararamdaman ko. Nawalan ng preno ang sinasakiyan nilang kotse.

Kaya sila nahulog doon pero may hinala akong ang pamilya Hernandez ang nagtanggal ng preno doon dahil mismong araw na iyon ay nag-away ang asawa ko at si Francisco. Matagal ng may galit ang asawa ko at si Francisco kaya may hinala akong siya talaga ang nag-utos na ipatanggal ang preno.

"Magbabayad kayo!!" Lumuluha kong saad habang mahigpit ang hawak sa baso na na naglalaman ng wine. At patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Sigurado akong sa pagkakataong ito makakamit ko na ang hustisya sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay.

Ilang sandali nalang ay lalantad na ako sakanila.

EJI POV's

NAGISING ako ng maramdaman ko ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Dahan dahan ko munang iminulat ang mata ko dahil medyo nasisinag ako sa ilaw. Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa hospital ako ngayon.

"Ano anak ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong saakin ni Mommy habang nasa likod niya sina Kuya at Daddy pati narin si Jang.

"Ano pong nangyari saakin? Bakit ako nasa hospital?" Nagtataka kong tanong.

"Nawalan ka ng malay kahapon habang uniiyak kang tumatakbo papalapit saakin kahapon." Seryosong saad ni Kuya kaya naman agad na pumasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari kahapon.

"You're nothing to me. Isa kalang bakla na dapat paglaruan at gamitin diba dapat maging masaya ka panga kasi natikman mo itong katawan ko. Parang quits lang tayo kasi natikman din naman kita." Yaan agad ang pumasok sa isipan ko ng maalala ang kaganapan kahapon kaya naman hindi ko mapigilan ang humagulgol. Kaylangan niya ba akong saktan ng ganon? Ang sasakit ng mga salitang binibitawan niya saakin.

"Tarantadong Gonzales na iyon. Akala niya hindi ko nakita kahapon iyong ginawa nila ng babaeng iyon." Nanggagalaiting saad ni Kuya. "Kung hindi lang ako pinigilan nila Mom binugbog kona ang gagong iyon." Dagdag niya pa.

"Hush! Baby bawal kang ma stress makakasama sa bata." Saad ni Mommy na hindi ko agad na gets.

"Sinong bata po?" Pagtatanong ko habang inililibot ang paningin at hinahanap ang batang sinasabi ni Mom. Pero wala naman akong nakitang bata.

"Maging kami ay nagulat sa naging resulta na ginawa nila sayo kaya pinaulit namin ulit ng sabihin saamin ang resulta pero iyon parin ang lumabas" Si Mom kaya agad akong naguluhan.

"Ano pong sinasabi niyo?"

"Buntis ka anak." Diretsong saad ni Mom.

"Mom salamat po sa pagjojoke ninyo. Ang layo pa ng April fools Day mom eh! pero nagpapatawa na kayo saakin" Masaya ako kasi kahit papaano pinapatawa ako ni Mom.

"I am not joking anak?" Seryosong saad niya kaya agad akong napatingin sakanila pero halos lahat sila ay seryoso lang na nakatingin saakin.

"M-mom buntis a-ako?" Turo ko sa sarili ko at tumango lang siya tsaka hinawakan ang kamay ko. "E-eh? Paano po ako m-mabubuntis mom lalake po a-ako diba?" Naguguluhan kong saad sakanila kaya naman ipinaliwanag nila ang lahat saakin. Hindi ko na magawa pang makinig sa mga sinadabi nila saakin kasi parang nablangko iyong utak ko.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon