KABANATA 04

5K 307 10
                                    

EJI 's POV

PAGKAUPO niya ay siya namang pagtutuloy ng pagtuturo ni Ma'am. Hindi ako sanay na may nakaupo sa magkabilaan ko napag-gigitnaan kasi ako ni Adhie at itong si mister. Pero wala naman akong magagawa hindi naman kasi saakin iyong upuan. Tiyaka hindi naman masyadong big deal.

"Can I seat here?" Tanong niya pagkaupo niya. Mahihimigan ng kalamigan ang boses niya na parang matatakot ka nalamang sa lalim at laki ng boses nito.

"Y-yeah sure. Wala namang nakaupo diyaan." Medyo utal kong saad. Shit I am stuttering? Bulong ko sa sarili.

Siguro hindi lang ako sanay na may kumakausap saaking iba bukod kay Adhie at Jang.

"Hoy mukang type mo iyang katabi mo huh?" Sa tono ng boses ni Adhie ay muka itong nangaasar. Siniko ko naman ito at pinandilatan ng mata.

"Hoy bibig mo nga. Baka mamaya marinig kapa niyan at kung ano pang masabi saakin at tiyaka wala akong gusto sakaniya no epal ka! Mag kakalat ka na naman ng fake news."

"Hoy! Anong magkakalat ng fake news tama kaya iyong sinabi ko sayo kanina na may bago tayong classmate kaya hindi iyon fake news."

"Kalalake mo talagang tao ang daldal mo hindi pa halata sa itsura mo na madaldal ka e!"

"Sayo lang naman ako maingay ng ganito kaya wag kang mag-alala wala kang kaagaw sa pagiging madaldal ko."

"Weh di nga paano si Jang?" Tanong ko na nakapag patigil sakaniya. Impit na lamang akong napatili at napabungisngis kasi medyo namula iyong tenga at muka niya. "Sabi ko na nga ba may gusto ka sakaniya e!"

"H-hoy f-fake news yan. Ako magkakagusto sa batang iyon hindi no. Ang pogi pogi ko para lang magkagusto sakaniya."

"Bakit ka nauutal. Sus! tanggi ka pa halata naman."

"Tumigil ka nga hindi ko gusto iyong batang iyon no. Nabi-bwiset pa nga ako doon tapos magkakagusto ako sakaniya."

"Okay sabi mo e! Ang balita ko pa naman may umaaligid na guwapong lalake sakaniya at balak ata siyang ligawan." Biro ko sakaniya.

"ANO!! HINDI PWEDE IYON SINO IYONG TAONG IYON AT SASAPAKIN KO!" Pasigaw na saad niya kaya natigilan ang lahat kasama na ako doon at napatingin sakaniya.

Namayani ang katahimikan at nang na realize niya kung anong ginawa niya ay agad itong napaupo at humingi ng dispensa sa guro namin at kamag-aral. Ito ang gusto ko sakaniya e! Kahit na anak siya ng may-ari ng university hindi siya iyong tipong mayabang. Down to earth kumbaga.

Masama itong napatingin sa akin kaya napatawa ulit ako ng mahina.

"Ano kaba biro lang naman iyon. Wala talagang nangliligaw kay Jang kasi sabi niya saakin bata pa daw siya at aral muna ang uunahin." Pero hindi na niya ako pinansin.

Sigurado ako magtatampo na naman ito dahil sa sinabi ko at sa kahihiyang ginawa niya kanina lang.

"Adhie sorry na ito naman. Asar talo ka naman pala. Nagbibiruan lang naman tayo dito e!"

"Ikaw kasi kung ano-ano sinasabi mo kaya ayun napasigaw tuloy ako ng wala sa oras." Pabulong parin at may halong inis niyang saad. Bulungan lang kami para hindi kami marinig ng teacher namin at baka mapahiya na naman kami o siya.

"Sorry na nga kung gusto mo ilakad nalang kita kay Jang."

"Talaga?!" Biglang nagliwanag yung muka niya pati narin iyong mood niya.

"Edi inamin morin na may gusto ka."

"Anong gusto wala huh!"

"Deny kapa e! Halata naman na sayo naku ka talaga. Pero ang mahirap baka hindi rin lang pala kita matulungan kasi gaya nga ng sinabi ko sayo kanina aral daw muna siya bago pag-ibig na iyan."

"Parang parehas lang naman kayo. Tsaka tama yan dapat aral muna kayo bago landi."

"Bakit ikaw?" Pabirong tanong ko.

"Anong ako? Hoy hindi pa ako nakikipaglandian ano nagaaral din ako ng mabuti. Ayan ka na naman sa fake news mo."

"Okay sabi mo e!"

Nawala sa isipan ko na may katabi lang pala ako kaya naman ng idantay ko kamag ko sa kabilang armchair ay kamay niya ang nahawakan ko.

"Your hand." Cold at maikling saad niya kaya napatingin ako sakaniya at ganon na lamang ang gulat ko ng makita kong nakapatong pala iyong kamay ko sa kamay niya.

Muntik pa akong mapasigaw mabuti na lamang at napigilan ko at baka magaya ako sa kahihiyan ni Adhie.

"A eh sorry hindi ko sinasadiya." Saad ko sakaniya. Nasanay na kasi ako na inilalagay iyong kamay ko sa kabilang armchair kaya naman naipatong ko tuloy iyong kamay ko sa kamay niya. Muka pa namang malambot iyong kamay niya.

Nakakahiya iyong nagawa ko. Baka mamaya anong sabihin saakin ng tao. Baka pagbintangan pa akong nana-nanching.

Ramdam kodin ang medyo pamumula ko kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin. Natural pa naman na maputi ang balat ko kaya mahahalata ang pagkaka blush ko.

Hindi na lamang ako umimik at itinoon ko na lamang ang pansin sa guro kong abala sa pagtuturo.

Naging maayos naman ang takbo ng oras. Hindi narin ako muling tumingin sa direksiyon niya at baka mapahiya na naman ako. Mahirap na.

Ayoko naring tumingin kay Adhie at baka mapansin pa ang pamumula ng pisngi ko mang-aasar lang iyon.

Ng matapos ang klase ay sabay kaming lumabas ni Adhie ang sabi niya isasabay niya na daw ako pauwi madadaan kasi ng sasakiyan niya iyong bahay namin. Nasabi kong kasabay kong umuwi si Jang ang sabi niya isabay konarin daw.

Bagtas ang daan papunta sa room nila Jang ng makaramdam ako ng ihi kaya naman sinabi kong mauna na lamang siya.

"Kuya Adhie una kana naiihi kasi ako bigla." Trip ko siyang tawaging kuya at isa pa ang sabi niya tawagin ko na daw siyang kuya kaso hindi pa ako sanay. Kaya medyo nag aadjust pa ako sa pagtawag ng kuya.

Tinanong ko siya kung bakit niya gustong tawagin ko siyang kuya ang sabi niya. Trip niya daw gusto niya rin daw kasi magkaroon ng kapatid kaya um-okay nalang ako. Total mas matanda naman siya saakin ng dalawang taon.

"Sige hintayin ka nalang namin ni Jang. Tapos mauna na akong magsundo sakaniya sunod ka nalang sa parking lot."

"Sige, sige punta na ako sa banyo ihing ihi na talaga ako."

Tanging tango na lamang ang ginawa niya kaya naman nagmamadali na akong humanap ng banyo. Habang tumatakbo ay may nakasakubong din akong babae na humahangos umiwas na lang ako pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa bigla niya na lamang akong tinulak kaya hindi ko sinasadiyang mahila siya at parehas kaming napaupo sa sahig.

"Ahhhhhhhhh" Yung babae.

"Araay ko ang sakit!" Ako.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon