KABANATA 10

4.3K 280 7
                                    

EJI's POV

TUMIGIL ang sasakiyan ni Adhie at agad naman kaming bumaba ni Jang. Hindi namin namalayan ang oras mag-aalas sais na pala ng gabi. Napatagal ata kami sa pagpunta sa mall.

"Thanks again for joining and helping me to find a better gift for my mother." He sincerely said.

"Ano ka ba kanina kapa pasalamat ng pasalamat e! Sinabi ko na ngang ayos lang."

"Oo nga." Si Jang.

"Yeah! I know but I really want to say thank you. And I really enjoyed our sightseeing."

"Kami rin naman nag enjoy kaya
walang problema dapat nga kami ang
magpasalamat kasi inilibre mo pa kami ng mga damit tapos pagkain."

"No problem, So I gotta go now. Alam korin naman na ayaw niyo ng magpahatid tapos ang sasabihin mo na naman saakin "matatagalan ka sa paguwi medyo traffic pa naman at tsaka makakauwi naman kami ng buo." Pangtutulad niya sa boses ko pero halata parin sa boses niya ang pagiging malalalim nito.

"HAHAHA! Alam mo naman na pala e!"

"Syempre naman memorize ko na ata mga linya mo." Huling saad niya tsaka tuluyan ng sumakay sa kotse niya. Pero sumulyap muna ito kay Jang. Wala talagang patawad 'tong lalakeng ito.

Ng makaalis nga ito ay pinauna ko na muna si Jang na umuwi sa bahay dahil pupunta muna ako sa tindahan para bumili ng almusal namin bukas.

"Sama na ako sayo kuya."

"Wag na mabilis lang naman ako. Tsaka wala pang ilaw iyong bahay natin." Saad ko sakaniya.

"Sige ikaw bahala kuya."

Siya namang punta ko sa tindahan ni Aling Victoria naabutan ko pa nga doon si Bebang at Pedro na naghaharutan pero noong mamataan ako ni Pedro ay malakas niyang naitulak si Bebang na nasa kanlungan niya kaya naman napasubsob ito sa lupa.

Gulat pa nga itong napatingin kay Pedro na kung makatitig saakin ay parang naulol na ng makita ni Bebang ang tinitigan ni Pedro ay biglang sumama ang muka niyang nasa gulat lang kanina. Kung makatingin saakin ay akala mo may ginawa na naman akong kasalanan.

"Aba ang maharot na bading nagpakita ulit dito a!" Si Bebang. Habang pinapagpag ang sarili niya. Hindi ko ito pinansin kasi wala akong mapapala sakaniya.

"Uy loves sexy natin huh! Saan ka nanggaling?" Si Pedro.

"Sa mall." Tipid kong sagot sakaniya.

"Siguro naghanap ka ng lalake mo doon no?!" Sa tono ng pananalita ni Bebang parang sigurado itong ganito nga ang ginawa ko.

"Pwedeng wag mo akong itulad sa'yong hayok sa lalake." Walang gana kong sagot sakaniya. Tsaka umalis ng makuha ko ang binili ko. Rinig na rinig ko pa nga ang pag-aalbaruto niya doon sa lakas ba naman ng bunganga niya.

KINABUKASAN naunang pumasok si Jang kasi may mga gagawin pa daw sila ng classmate niya kaya naman mag-isa lang akong naglalakad ngayon papunta sa school. Maaga pa naman kaya medyo mabagal pa ang lakad ko.

Hindi naman ganun kalayo ang school saamin kayang kaya kong lakarin. Kesa naman sumakay ako sa pampublikong sasakiyan sayang lang sa pera.

Nasa gilid ako ng kalsada ng biglang may humarurot na sasakiyan sa gilid ko halos masayad na saakin iyong sasakiyan kaya halos mamatay na ako sa gulat. Naitapon ko pa nga iyong mga hawak kong libro. Nasa state of shock pa ako ng maramdaman ko na may taong pumupulot sa mga gamit ko kaya nagising ang diwa ko.

"Are you okay?"

"Do I look like I'm okay." Kinakabahan ko paring tanong yung kamay ko nga nasa dibdib kona na patuloy parin sa bilis ng pagtibok.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon