KABANATA 40

2.4K 154 8
                                    

EJI's POV

NANDITO kaming lahat na senior high sa gym kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Hindi pa ito ang totoong araw kung saan kami magiging ganap na graduate ng senior high. Nag pra-practice lang kami para bukas.

Half day lang naman kami ngayon para magkaroon daw kami ng sapat na oras. "Saan mo balak magbakasyon ngayong summer?" Tanong ko kay Pitch habang papunta kami ng cafeteria kakatapos lang din ng practice namin at pwede na kaming unalis pero nagugutom daw si Pitchy kaya nagpasama muna siya.

Si Kuya naman may kikitain lang daw saglit bago kami umuwi kaya hinayaan ko nalang ang sabi niya magkita nalang daw kami sa parking lot.

"Ako hindi mo tatanungin?" Sabat naman ni Andrew.

"Uy nandiyaan ka pala akala ko kung sino na?" Pangaasar ko sakaniya.

"Sa liit mong yang hindi mo man lang ako napansin dito. Ang tangkad tangkad ko kaya." He backfired kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang kapal ng muka mo hindi ako maliit no sadyang mas matangkad kalang saakin."

"Agree ako diyaan." Pagsang-ayon ni Pitch habang naka thumb-ups pa saakin. Medyo natawa ako kasi mas maliit pala siya saakin. 

"Nasaan pala si Philip, Andrew nakita mo ba kung nasaan siya?" Pagtatanong ko sakaniya. Kanina kasi ng matapos kaming mag practice bigla nalang siyang nawala ng hindi man lang nagpapaalam saakin and he's acting weird lately.

Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saakin ng matagal tapos kung tatanungin ko naman siya kung bakit sasabihin niya lang na wala tapos hindi na lilingon saakin.

Dati rati kung mag memessage ako sakaniya wala pang isang minuto mag re-reply na siya saakin pero nitong nakaraan aabutin pa ng oras bago siya mag reply. Kaya kung ano anong pumapasok sa isipan ko.

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano kaya naman hinayaan ko na lang. May mga what ifs na nabubuo sa isipan ko pero agad kong iwinawaksi. Dahil may tiwala ako sakaniya alam kong hindi siya gagawa ng ikakasakit ng damdamin ko. Alam kong mahal niya ako?

"Anong sabi mo?" Tanong ko kay Andrew ng mag space out ako ngayon lang. Kung ano ano na naman kasing iniisip ko.

"Tsk! Hindi ka nakikinig ang sabi ko may kasama nang ibang babae pinagpalit kana."

"Hahaha" Pekeng tawa ko. "Hindi nakakatawa."

"Galit ka? Tsk! Ikaw naman hindi na mabiro. Bawal na ba magbiro ngayon. Yung si Insan hindi ko alam kung nasaan boyfriend ka diba dapat alam mo?"

Hindi dapat ako masaktan sa sinabi niya pero nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko. Tama nga naman siya boyfriend ko siya so dapat alam ko kung nasaan siya.

"H-hindi naman dapat laging alam ko kung nasaan siya diba." Pagdadahilan ko.

"Ayon naman pala eh! Tsaka kung ako nalang ginawa mong boyfriend edi sasabihin ko lahat sayo kung anong ginagawa ko. Dapat ako nalang."

"Baliw! Kung ano ano na namang lumalabas diyaan sa bunganga mo. Tsaka hindi nakakatawa yang biro mo" Tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

"Sino ba nagsabing nagbibiro ako?" Mahihimigan sa boses niya ang pagkaseryoso kaya naman agad na nanlalaki ang mata kong nakatingin sakaniya. My god! Wag niyang sabihin na gusto niya ako?!!!

"G-gusto mo ba ako?" Kinakabahan kong tanong.

Pero agad siyang tumawa ng malakas matapos kong tanungin yoon sakaniya. "HAHAHA!! ang epic ng muka mo kanina. Syempre biro lang h-hindi kita gusto n-no."

Kaya naman agad akong nakahinga ng maluwag. "Eh! Bat ka nauutal?"

"Bawal na bang mautal kapag nagsasalita?" Pagdepensa niya sa sarili. Na agad nag-iwas ng tingin saakin.

"I smell something fishy huh!" Si Pitchy kaya agad akong napasinghot.

"Wala naman amoy pabango mo lang naman na matapang?" Curious kong tanong tsaka muling suminghot. Pero pabango niya lang talaga yung naamoy ko.

"My god! ka beshie hindi ko alam na may pagka engot ka din pala. Lumayo layo ka nga saakin at baka ma hampas kita ng hawak kong LV na bag."

"Anong engot?! Hindi kaya wala naman talagang amoy fishy eh! Tsaka dapat bang sabihin yung brand ng bag?"

"Abay oo naman mahal kaya netong baby ko." Tsaka niya hinaplos yung bag niya. Ang weird niya sa totoo lang.

"Wag mo ng pansinin yan Eji pumili ka nalang ng gusto mong pagkain libre kita."

"Talaga?!" Excited kong tanong.

"Oo naman pili kana kahit ano." Nakangiti niyang saad saakin. Kaya naman agad akong namili ng makita ko ang fries at ice cream ay yoon agad ang pinili ko nag order ako ng marami tutal siya naman magbabayad.

"Hindi halatang gutom ka huh." Natatawang saad niya.

"Madami ba masyado? Sige ibabalik ko nalang yung iba."

"Ano kaba wag na niloloko lang naman kita."

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

"Sige thank you pero ang pangit mong magbiro sa totoo lang." Walang pagaalinlangan kong saad kaya gulat siyang napatingin saakin. Samantalang si Pitch naman ay humagalpak sa tawa.

Ng makuha nga ang mga order ko ay agad na akong nagpaalam sakanila. "Mauna na ako sainyo baka kanina pa ako hinihintay ni Kuya sa parking lot." Pagpaalam ko sakanila.

Nasa hallway na ako ng makita ko si Philip na may kausap. Tinawag ko pa nga siya pero mukang busy siya sa kausap niya kaya hindi na niya napansin ang pagtawag ko. Hindi naman ako ganoon kalayo sa kanila kaya rinig ko ang boses ng kausap niya si Crystal.

Ewan ko pero pakiramdam ko biglang tumigil ang buong paligid ko ng makita ko nalang na magkadikit ang labi nila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nagising nalang ang diwa ko ng marinig ko ang pagbagsak ng mga hawak kong pagkain kaya agad silang napabitiw sa halikan nila. Naluluha kong pinulot iyong pagkain na hawak ko tsaka ako tumayo.

Nakita ko pa nga kung paano magulat si Philiphe ng makita niya ako. Samantalang si Crystal ay nakangisi ng malaki saakin.

"I-I'm sorry to interrupt you i-pagpatuloy niyo lang yan." Dali dali kong saad sakanila at alam kong pumiyok din ang boses ko habang sinasabi ko iyon. Sobrang sakit.

Ang luha sa mga mata ko ay tuluyan ng bumagsak. Kaya naman dali dali akong tumakbo dahil baka makita niya akong umiiyak at maka matuwa pa sila.

Kaya ba ang weird na ng kinikilos niya nitong nakaraan dahil nagkabalikan na naman sila. O baka naman hindi sila naghiwalay talagang pinaglaruan lang ako ni Philip.

Hindi ba siya tapat sa mga sinabi niya saakin. Talaga bang ginagamit niya lang ako. Talaga bang pinaglalaruan niya lang ako. Pero ramdam ko sa bawat salita at kilos niya na mahal niya ako o baka naman nag iimagine lang ako ng bagay bagay.

"Eji!" Sigaw niya saakin habang hinababol ako. "Hon please huminto ka sa pagtakbo magpapaliwanag ako." Pero hindi ako nakinig sakaniya at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Ng makarating ako sa kinaroroonan ng sasakiyan ni kuya ay agad akong huminto at muling lumingon sakanila. Mali pala ako ng akala dahil hindi niya ako hinabol nakatayo lang siya doon habang hawak ni Crystal ang mga braso niya.

"Kuya umalis na tayo dito please." Umiiyak kong saad parin.

"Bat ka umiiyak anong nangyari sayo?" Nag-aalala niyang tanong saakin.

"Please." Pakiusap ko kaya naman wala na siyang nagawa at dali daling pinaandar ang sasakiyan.

I didn't expect this to happen.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon