KABANATA 24

3K 213 20
                                    

EJI's POV

THE party went well. Maayos na nairaos ang party kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Ang dami pa ngang mga reporter na gustong kunin ang mga opinyon ko sa nangyari pero hindi ko na sila sinagot pa.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa upuan namin kanina. Pero kung makatingin saakin si Pitchy at Philiphe akala mo nakagawa ako ng kasalanan.

"Bat ganyan kayo tumingin saakin?"

"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Magkapatid talaga kayo?" Si Pitchy.

"Sa kasamaang palad kapatid ko nga siya."

"Hoy ang sama mo saakin!" Si Kuya Adhie.

"HAHAHA!! Biro lang. Ako ngarin hindi makapaniwala." Simpleng saad ko.

"Paano niyo naman nalaman na kapatid mo nga siya Adhie?" Tanong ni Pitchy. Kaya naman isinalaysay namin ni Adhie kung paano niya nalaman na magkapatid nga kami.

Nahagilap ng mata ko si Crystal kaya naman agad akong nagpaalam sakanila. Nagtaka panga sila pero sinabi kong may kakausapin lang ako. Sinundan ko lang si Crystal hanggang nakarating kami sa likod ng event.

"Crystal." Saad ko sakaniya. Gulat pa itong napatingin pero ng makabawi ay agad na ngumisi saakin.

"Oh! The missing son is here? Anong kaylangan mo saakin?" Si Crystal.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ikaw ba ang nag-utos sa limang lalake na gawan ako ng masama?"

"What are you talking about?"

"Wag ka ng magmaangan pa dahil malinaw parin sa isipan ko ang pagbabanta mo saakin. Ang sabi din saakin ng isa sa mga lalakeng may balak na gawan ako ng masama nagsisimula sa letter C ang pangalan ng nag-utos sakanila."

"Are you stupid? Sa tingin mo ba ako lang ang nagsisimula ang pangalan sa letter C?"

"Pero ikaw lang ang taong may galit saakin na nagsisimula ang pangalan sa letter C." Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng kaluskos papalapit saamim kaya napatingin ako dito at nakita si Philiphe.

"Totoo ba ang narinig ko na may nag-utos para gawin ang bagay na 'yon sayo Eji?"

"Anong ginagawa mo dito? Pero totoo ang narinig mo."

"Napatagal kana kasi kaya sinundan na kita. Crystal nagpautos ka ba talaga para gawin ang ganoong kasamang bagay?"

"You're unbelievable! Yes I'm mad at Eji pero do you think na magagawa ko ang ganong bagay? Ganon na ba ako kasama sa mga mata ninyo HUH?!!" Lumuluha at pasigaw na saad niya sa huling sinabi niya.

Kaya naman nakaramdam ako ng guilt. Totoo ang sinabi niyang hindi lang siya ang taong nagsisimula ang pangalan sa letter C. Siguro ako ang mali sa oras na to kasi nagbintang ako ng walang matibay na ebidensiya.

"I-I'm sorry." Pabulong nalang na saad ko pero alam kong narinig niya ito. Nahihiya kasi ako sa sarili ko dahil nagmimintang nalang ako agad. Hindi naman ito sumagot at iniwan kami. Nakayuko lang ako dahil nahihiya talaga ako sa ginawa ko.

PHILIPHE POV's

IT'S been a day simula ng maganap ang unexpected party. I really don't want to go to that party but mom insisted. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama. But I think I should thank mom for bringing me there.

I am now at my own room. Sabado ngayon kaya wala akong ginagaw. Crystal and I are not talking anymore. I don't know if I'm still love her. Ewan pero nagising nalang akong hindi na sigurado sa nararamdaman ko.

Yes I admit that I really love her a lot before na halos ikabaliw ko ang pakikipag break niya saakin and it cause me a mental break. Kaya naman nagpunta ako sa ibang bansa para magpagaling at makapag-unwind narin. Pero I didn't expect na susundan niya ako.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng katok ng pintuan kaya naman agad akong bumangon.  At agad na bumungad saakin si Mom na halatang aburido.

"Mom are you okey?" Nag-aalala kong tanong.

"I AM NOT OKAY! Our company is now in state of falling I can't believe this is happening anak. Ang kompanya na ipunundar ng ama mo ay bumabagsak na." Lumuluhang saad ni Mom. Kaya naman gulat akong napatingin sakaniya.

"W-what are you saying mom? Paano po nangyari iyon?"

"Hindi ko din alam anak.  Ang mga shareholders ng kompanya natin ay nagsi blackout ng walang malinaw na dahilan."

"Ano pong gagawin natin?" This is the last memory of Dad bago siya mamatay ibinilin pa niya saamin ni Mom na palaguin ang kompanya at patakbuhin ito ng maayos.

"XA Company is our last chance pero hindi nila tinggap ang offer natin sakanila. But I have a great Idea."

"What is it mom?"

"I saw how you look at the missing son of the owner of Hernandez company. Make him fall for you dahil sa oras na mangyari iyon. I'm pretty sure na tatanggapin nila ang offer natin sakanila na mag invest sila sa kompanya natin."

"Mom are you insane? How can I do that paano kung mainlove talaga saakin si Eji edi nasaktan ko naman yung tao. Tsaka marami namang paraan para mapapayag sila."

"I know I'm being ambitious and unreasonable here but this is the easiest way para hindi bumagsak ang kompanya natin. Tsaka hindi mo siya masasaktan dahil alam kong iba ang mga tingin mo sakaniya."

"What are talking about mom? Anong iba ang tingin ko sakaniya?" Naguguluhan kong saad.

"You will find out soon anak! I'm sorry if I ask you to do this thing. But I hope you help me anak. Alam kong ayomo ring bumagsak ang kompanya ng dad mo."

"But mom-"

"Please anak! If you don't do what I ask I'm pretty sure na babagsak ang kompanya ng dad mo."

"There is a lot way mom."

"But this is the easiest anak!"

"You know naman po na kaka break lang po namin ni Crystal. Do you think matutuwa siya pagnalaman niya ito. Ilang buwan palang kaming nagkahiwalay."

"Yun na nga anak hiwalay na kayo at siya ang may dahilan noon. Ayoko naring makitang nasasaktan ka dahil sa kaniya so you need to move on to her."

Mom is the best mom in the world para saakin. She might look like a rude but she's not. Ayokorin namang mawala ang kompanya ni Dad.

Ito ang mas mahalaga para saakin ngayon. Kahit na alam kong masasaktan ko dito si Eji dahil papa-ibigin ko siya kahit wala naman akong nararamdama sakaniya ay gagawin ko na. And I think It's fun to give a twist his life.

I know I'm being jerk here because of what I'm thinking. Pero wala naman sigurong masama kung bibigyan ko ng konting konting twist ang buhay niya. Isa pa para narin sa kompanya ni Dad.

This chapter is dedicated to roar_03 thank you for always voting and commenting. I hope you like this chapter.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon