KABANATA 50

3.2K 153 6
                                    

EJI's POV

"DADDY! Naman eh! Bakit puro ako iyong kinikiliti mo." Rinig kong sigaw mula sa kuwarto ng kambal pero tanging tawa lang ang narinig ko. "Stop na Daddy!" Pagpapatigil padin ni Xeji.

"Okay! Okay titigil na ako basta ikikiss mo si Daddy sa cheeks." Saad niya sa bata tsaka panandaliang tumigil.

"Bleh! Ayoko nga po." Pang-aasar naman na sagot niya kaya muli ko na namang narinig ang malakas na tawa ni Xeji. "S-sige na po Daddy ikikiss na kita. Dad! Stop na po HAHAHA!" Nahihirapan niyang saad dahil sa labis na tawa.

Pumasok ako sa loob at nadatnan kong magulo na naman ang buong paligid kaya napabuntong hininga nalang ako. "Daddy diba pupunta po tayo ngayon sa amusement park?" Excited na tanong ni Carlo.

"Oo naman buddy! Kaya magbihis na kayo." Saad niya sa kambal kaya agad na napataas ang kilay ko dahil wala akong alam sa plano niyang ito.

"May plano pala kayong puntahan ng hindi ko man lang alam?" Tanong ko sakaniya ng pumunta na ang mga bata sa banyo para maligo. Kanina pa kasi silang tatlo na naglalaro kung hindi taya-tayaan, tagu-taguan o kahit na anong larong pangbata ang magdamag nilang ginawa kaya pawis na pawis na sila.

"Hi hon!" Pagbalewala niya sa tanong ko tsaka sa lumapit saakin at ginawaran ako ng halik sa labi kaya gulat akong napatingin sakaniya at ng makita niya ang reaksyon ko ay agad siyang ngumisi saakin. "What?!" Painosenteng tanong niya. Kaya binalewala ko nalang siya at sumunod sa kambal na naglalaro na ngayon habang naliligo.

Simula ng malaman ko ang mga katotohanan. Kinabukasan din lang noon ay bumalik na kami dito. Sa mga unang araw talagang nagtampo ako sa buong pamilya ko pero hindi naman matigas ang puso ko para hindi sila patawarin sa ginawa nila saakin. Lalo na't umiiyak na saakin ang kambal habang himihingi ng tawad saakin.

Kaya agad na lumambot ang puso ko at pinatawad kodin sila agad. Humingi din ako ng tawad sa mga bata dahil inilihim ko sakanila kung sino ang ama nila at sinabi naman nilang naiintindihan nila ako. Lalo na at alam nila kung ano ang mga pinagdaan ko.

Nasabi din nila saakin na kaya daw nila nalaman kung sinong ama nila ay dahil daw nadulas sa bunganga ni Kuya. Eh! Sa mesa tsismoso yung taong iyon kaya hindi na nakapagtataka.

Simula ng bumalik kami dito ay sinimulan akong suyuin ulit ni Philip. Hindi naman porket nalaman ko na ang mga katotohanan ay mapapatawad ko na siya agad. Dahil kahit sabihin niyang hindi niya ginusto ang mga nangyari nakatatak na sa isipan ko ang mga bagay naiyon.

Pero paunti-unti ay napapatawad ko naman na siya hanggang sa tuluyan na kaming nagkaayos tsaka niya naman ako sinimulang ligawan ulit at dahil narin sa tulong ng mga bata ay nagkabalikan kami ulit. Akala ko nga nawala na siya sa puso ko pero masyado lang pala talaga akong nilamon ng galit at sakit. At ngayon nakatira na kami sa iisang bahay medyo matagal nadin kami dito.

Masaya ang pagsasama namin lalo na ang mga bata na laging nasa Daddy nila. Nakakatampo nga eh! Kasi mukang mas gusto na nila yung Daddy nila kesa saakin.

"Ako ba iniisip mo?" Pagkuha ng atensiyon ni Philiphe saakin.

"Huh?!" Naguguluhan kong tanong sakaniya.

"Lalim kasi ng iniisip natin." Tsaka lumapit saakin at niyakap ako mula sa likuran. Natapos ko na din kasing paliguan ang mga bata kaya nandito na ako sa kwarto namin. Kanina pa pala ako nakatunganga sa harapan ng salamin. "I love you hon." Out of the nowhere niyang saad saakin.

"I love you." Tugon ko din pabalik sakaniya. Ilang saglit pa ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na kahalik siya ng marahan habang ang mga kamay ko ay nakapalibot sa leeg niya pero agad din kaming napakalas ng marinig namin mula sa pintuan ang sigaw ng kambal.

"Daddy! Tapos na po ba kayong maligo?" Sigaw ni Xeji tsaka binuksan ang pintuan. Mabuti nalang at nakahiwalay na kami sa isat-isa. Ayoko namang makita kami ng mga bata sa ganoong pwesto.

"Hindi pa baby eh!" Saad naman ni Philip kay Xeji na ngayon ay nakabusangot na.

"Ang tagal niyo naman po. Gusto na naming pumunta sa amusement park po eh!"

"HAHAHA!! sige, sige maliligo na kami ng Mommy niyo para makapunta na tayo at mukang inip na inip na kayong dalawa."

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse ngayon at kumakanta lang kami. Gusto daw kasing marinig ng mga bata kung paano ako kumanta ulit lalo na at kumakalat na naman sa social media iyong mga time na kumakanta ako. Nag resign nadin ako sa pagiging model ng sa ganon ay makapag focus ako sa mga bata.

Noong una ay hinahanap ng katawan ko ang mag shoot pero dirin nagtagal ay nasanay nadin ako. Kahit naman nagresign na ako ay pumupunta parin ako sa mga runaway para manood. Lagi din kasi akong pinapadalahan ng invitation ng mga sikat na brand para manood pero kapag may free time nalang ako pumupunta.

Sa buong byahe namin papunta sa amusement park ay nagkakantahan lang kami habang ang isang kamay naman ni Philip ay nakahawak sa kamay ko na nakapatong sa mga legs ko. Binawalan ko nga siya at baka kung anong mangyari saamin pero ayaw makinig kaya hinayaan ko nalang.

Ng makarating nga sa amusement park ay excited na bumaba ang kambal. At ng makapasok ay agad na hinanap ng mga bata ang carousel. Kaya agad na pumasok sa isipan ko iyong mga oras na pinipilit ko si Philip na sumakay sa carousel. Napatingin pa nga ako sakaniya at ganon din siya saakin. Mukang iisa lang ang nasa isipan namin ngayon.

Sinakyan namin lahat ng mga lugar na gustong sakiyan ng mga bata. Kaya ng mapagod sila ay agad kaming umupo sa bench kung saan din kami dating umupo ni Philip.

"Wait ibibili ko lang kayo ng mga tubig at pagkain mga anak." Paalam ko sakanila pero agad din akong pinigilan ni Philip.

"Ako nalang." Pagpresinta niya kaya hinayaan ko nalang siya. Hindi rin nagtagal ay bumalik na siya habang hawak ang tubig at pagkain. Pinakain ko muna ang mga bata tsaka ako naman ang kumain pero habang patagal ng patagal ang pagkain ko ay parang may nararamdaman akong matigis sa kinakain ko kaya iniluwa ko ito at nakitang singsing ito.

"Bakit may singsing?" Takang tanong ko habang tinitignan ng mabuti itong singsing. Medyo hawig kasi nito iyong gusto kong singsing.

"A-ano, I know it's so weird dahil hinalo ka sa kinakain mo iyong singsing-" Saad niya saakin kaya gulat akong napatingin sakaniya.

"BALIW KA PAANO KUNG NALUNOK KO!" Reklamo ko sakaniya. Pero tulad ng nakasanayan niya binalewala niya lang ang sinabi ko tsaka nagpatuloy.

"We face a lot of problems. Ang dami kong nagawang masamang bagay sayo pero heto at hanggang ngayon binibigyan mo parin ako ng pagkakataon na makasama kang muli sa kabila ng mga nagawa ko sayo." Tsaka niya kinuha sa akin iyong singsing at lumuhod sa harapan ko. Na nakakakuha narin ng mga atensiyon ng mga tao lalo na at marami din ang nakakakilala saamin. "Matagal ko ng pinagplaplanuhan ang bagay na ito pero natatakot ako na baka ireject mo ako. Pero ngayon maglalakas loob na ako. Papayag kabang pakasalan ako sa kabila ng mga nagawa ko saiyo? Papayag kabang permanente ng matali saakin? Mahal na mahal kita kaya ayoko ng mawala ka pa saakin. Gusto kong panghabang buhay ka ng nakatali saakin kaya naman Will You Marry Me Xerces Ejin Hernandez?"

Biglang tumigil ang buong paligid ko dahil sa mga sinasabi niya saakin ngayon. Lumuluha nadin ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa labis na sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ineexpect na balak niya pala akong pakasalan.

Sumisigaw nadin ang mga tao sa paligid ng 'Yes'. Kanina nag e-enjoy lang kami sa family bonding namin tapos ngayon nasa harapan kona siya at nakaluhod habang hinihingi ang kamay ko. "Oo naman papakasalan kita." Lumuluha ko pading saad sakaniya. Nakita ko pa nga kung paano pumatak ang luha sa mga mata niya.

Habang tinatanong niya ako kanina ay mababakas sa muka niya ang labis na kaba at pagmamahal. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Narinig ko pa nga kung paano pumalakpak ang mga tao at kung gaano sila kalakas na humiyaw.

Ang kambal naman ngayon ay nasa tabi nadin namin at nakayakap din saamin. "Hinding hindi ka magsisisi hon sa naging sagot mo saakin. Mahal na mahal kita kayo ng mga anak natin."

"Mahal na mahal din kita, Kayo ng mga anak natin."

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon