EPILOGUE

4K 177 56
                                    

PHILIP's POV

I am currently walking now at papasok ako sa dati kong school. Hindi naman na ako bago dito kaya hindi na ako nalilito pa sa pasikot sikot. Everyone eyes are on me sanay naman na ako sa ganito kaya hinayaan ko nalang. Nagtataka siguro sila kung bakit ako bumalik ulit dito.

When my teacher introduce myself agad na pinukaw ng atensiyon ko ang isang tao na ngayon ay nakatingin din saakin pero ng makita niyang nakatitig din ako sakaniya ay agad siyang umiwas ng tingin saakin. Na-assign akong umupo sa tabi niya. I don't know why my heart are beating so fast ng magkadikit ang mga kamay namin.

But I remain serious. "Your hand." Cold kong saad sakaniya. Kaya agad niyang tinanggal ang kamay niyang nakapatong saakin tsaka humingi ng tawad.

Break time balak kong pumunta sa library ng mahagilap ng mata ko iyong katabi ko kanina habang sinisigawan siya ni Crystal. Pero ng mapansin kong umiiyak na si Crystal ay agad akong lumapit at tsaka siya itinulak. I know I'm out of my mind para gawin iyon ng hindi man lang alam ang totoong nangyari but Crystal is more important to me now.

"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong kay Crystal pero tanging ngiti lang ang iginawad niya saakin tsaka umalis.

Nalaman ko din na nasa clinic yung katabi ko kanina kaya agad akong nakonsensiya. Palihim akong sumisilip at tinitignan ang kalagayan niya at ng malamang ayos lang naman siya ay agad akong nakahinga ng maluwag.

Nasa loob na kami ngayon ng klase at nakita kong umalis si Xerces. Yoon yung narinig kong pangalan niya kay Hernandez eh! Kaya sinundan ko siya at nakita ko siyang pumasok sa banyo. I just want to apologize sa ginawa kong pagtulak pero bigla akong natameme at hindi alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi ko sinasadiyang mabangga siya na ikinagalit niya hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na magkalapit ang muka namin ngayon. Doble din ang tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.

Pero agad niya din akong itinulak ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Nakahinga din ako ng maluwag ng makita kong nakaalis na siya. Ilang beses pa nga akong naghilamos dahil paulit ulit na nag p-play sa utak ko kung gaano siya kaganda at kainosente. 'Fvck you self' Mura ko sa sarili ng kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko.

Where at the middle of our talking ng bigla nalang napasigaw si Eji sa gulat. Nakita din mismo ng mata ko kung paano tapunan ni Crystal ng malamig na tubig si Eji. Naging magulo ang pangyayari dahil lumabas ang mga baho ni Crystal na mismong ako ay hindi alam.

Hindi ko inaasahan na ang dami niya na palang nagawang kasalanan. Masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko sakaniya noon. Ilang saglit pa ay nagtungo siya sa cr para magpalit dahil basang basa na ang buong damit niya ngayon. Ako na sana ang hihingi ng tawad sa ginawa ni Crystal sakaniya kaya ko siya sinundan.

Hindi ko na siya mahanap sa loob ng banyo kaya hinanap ko siya at natagpuan ko ang sarili ko na namamanghang nakatingin sakaniya habang kumakanta siya at nagtitipa ng piano. At natagpuan ko nalang na wala sa sarili akong pumapalakpak.

"Anong ginagawa mo dito?!" Medyo gulat niyang tanong saakin kaya agad akong nag panick. Nawala narin sa isipan ko ang tungkol sa paghingi ng tawad sa ginawa ni Crystal dahil tinatangay ako ng maganda niyang boses.

"I'm about to back in our room when I heard the sound of the piano." Pagsisinungaling ko. "I decided to see and here I saw you overwhelming and enjoying the music. You have a beautiful voice." Dagdag ko pa.

"Eh! Ang pangit nga ng boses ko." Sagot niya kaya medyo nagulat ako dahil sa ganda ng boses niya sasabihin niya pang pangit.

"You're kidding right? Ang ganda ng boses mo tapos mamaliitin mo lang." Hindi makapaniwalang saad ko pero wala na siyang naging sagot sa sinabi ko. And that the start of our closeness.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon