KABANATA 05

4.7K 293 11
                                    

EJI POV's

TANGING tango na lamang ang ginawa niya kaya naman nagmamadali na akong humanap ng banyo. Habang tumatakbo ay may nakasakubong din akong babae na humahangos umiwas na lang ako pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa bigla niya na lamang akong tinulak kaya hindi ko sinasadiyang mahila siya at parehas kaming napaupo sa sahig.

"Ahhhhhhhhh" Yung babae.

"Araay ko ang sakit!" Ako.

"Omygod! Lagot iyang bading naiyan kay Queen."

"Yes sinabi mo ba!" Bulungan nila.

"Aray ko ang sakit." Naiiyak na saad niya at dahang dahang tumayo. Samantalang ako nakaupo parin dahil sa sakit parang nawala iyong pagka-ihi ko bigla. "Ang tanga tanga mo naman nakita mong tumatakbo iyong tao tapos itutulak mo pa ako."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong itinulak baliw ata itong babaeng ito siya iyong nagtulak saakin tapos babaliktarin niya.

Kahit masakit iyong pang-upo ko ay pinilit kong tumayo. Medyo nahihilo rin kasi ako nauntog pa kasi iyong ulo ko sa sementong sahig dahil sa lakas ng impact ng magkakatulak niya saakin. Ramdam korin na medyo may dugo iyong ulo ko.

"Ouch ang sakit, hoy! Miss hindi ako iyong nagtulak no nahila lang kita kasi itinulak mo ako. Nakita naman ng mga tao na ikaw iyong nagtulak sa ating dalawa tapos sisisihin mo ako."

"Lagot talaga siya bakit sinasagot sagot niya pa si Queen Crystal."

"Baka hindi kilala nung tao kaya matapang."

"Siguro nga ang tapang kasi e!"

"ANO! IKAW NA NGA LANG ITONG NAGTULAK SAAKIN KAYA AKO NATUMBA TAPOS BABALIKTARIN MO AKO!!"

Abay gaga ata tong babaeng ito e! Napaka sinungaling siya na nga may kasalanan ako pa sisisihin niya. Medyo napipikon na ako sa ginagawa niyang pagsisinungaling at pangbabaliktad ng sitwasiyon. Ang sakit na nga ng pagkakauntog ko hindi pa humingi ng sorry.

"Miss linawin mo nga iyang sinasabi mo. Aminin mo na kasi iyong totoo. Magsisinungaling kape e!" Irita kong saad sakaniya.

"You're so mean. How could you lie in front of everyone. Ako na nga iyong nasaktan sa ating dalawa magmamatigas kapa."

"Excuse me! You're the one who's lying and mean here. At tsaka anong nasaktan ni hindi ka man lang ata nasugatan e!"

"Hindi mo ba ako kilala. I'm the queen here in HU nawala lang ako saglit ganito na ang tao saakin."

"Kahit sino ka pa sa mundo at kahit anak kapa ng presidente wala akong pake. You know you're the one who's wrong here but instead of apologizing binabaliktad mo pa ang sitwasiyon."

"Ikaw ang dapat na humingi ng sorry saakin dahil kasalanan mo ito."

"You're unbelievable ." Iyon na lamang ang tangi kong nasabi sa kasinungalingan niya. Ramdam konarin ang pagdami ng mga taong nakikiisyoso.

Hindi ko alam kong anong klaseng tao itong nasa harapan ko't napaka tigas ng muka. Hindi ba siya marunong humingi ng tawad o marunong tumanggap ng pagkakamali.

Ako na nga't lahat lahat nasaktan ako pa mababaliktad.

"Ikaw." Sabay turo niya sa babaeng nakasaksi ng pangyayari. Halatang natakot iyong babae kasi bigla na lamang itong namula sa takot at para maiihi na sa kinakatayuan. "Sino sa amin ang nanghila dahilan para mapaupo ako sa semento."

Nanginginig itong itinuro ako. "H-he's the one who wrong here." Naiiyak na saad nito.

Gulat akong napatingin sa babaeng pinagbibintangan narin ako.

"A-ako." Sabay turo sa sarili. "Hoy ateng naka makeup ng makapal hindi ako iyong may kasalanan dito aminin mo iyong totoo." Naloko na lahat sila pinagtutulungan na ako. Paano ko maipaglalaban iyong sarili ko kung ni isa sa mga nakakita ay binabaliktad nadin ako.

Sino ba kasi itong babaeng ito at ganon na lamang ang takot nila dito. Alam nilang siya iyong mali pero kinukunsinte pa nila ito.

Gaya nga ng sinabi ko kahit anak pa siya ng presidente hindi ako matatakot sakaniya. Bakit ako matatakot kung alam ko sa sarili ko na hindi ako iyong may kasalanan.

"See? You are the one who's really lying here nakita na nila na ikaw talaga ang nagtulak saakin pero hindi kapa magsabi ng totoo."

"Ano bang napapala mo sa pagiging sinungaling mo ngayon?" Mahinahon kong tanong. Ramdam ko narin kasi ang matinding pagkahilo kaya hindi ko na kaya pang mag taray sakaniya.

Ano bang pinapatunayan ng babaeng ito na siya lang lagi ang tama kahit alam niyang siya ang mali. Tapos kung sino ang tama siya ang mali.

Sa dinami dami ng tao sa paaralang ito bakit ako pa ang napiling pagdiskitahan ng taong ito.

Ni hindi man lang tumulong iyong mga tao sa paligid. Nakikita na nga lang nilang nanghihina ako parang wala parin silang pakielam. Parang aliw na aliw pa sila sa pinapanood nila.

Kakatuwang isipin na ang mundo ay puno na ng ganitong tao. Mga taong walang pakielam sa kapwa tao.

Mas masahol pa ata itong babae na ito kesa kay Bebang na lagi rin akong inaaway.

Natahimik ito sa tanong ko at natahimik sigurado akong iniisip neto ang naging tanong ko sakaniya. Ano nga bang mapapala niya sa ginagawa niyang ito.

"Ang lakas ng loob ng taong ito. Siya palang ata ang taong bumangga kay Queen."

"Oo nga no. Balita korin wala pang lumaban sakaniya."

Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Bigla na lamang niya kasi akong sinampal ng walang dahilan. Ilan sa mga tao ay napasinghap sa nasaksihan.

Kung hindi lang masakit ang ulo ko ngayon sigurado akong lalabanan ko ito at mas lalaksan ko iyong sampal niya.

Hindi naman puwedeng magpapa-api nalamang ako sa mga tao lagi. Kahit sino pa siya o kahit ano pa siya hindi pwedeng ibaba mo iyong dignidad mo bilang tao kahit na alam mong ikaw iyong nasa tama.

"Ang lakas ng loob mong sagut sagutin ako ng ganiyan baka gusto mong mapaalis sa school na ito."

"Sino ka para paalisin mo ako sa paaralang ito."

"Hahaha hindi mo talaga ako kilala? I am the queen here in HU at isa ang pamilya ko sa may malaking shares sa paaralang ito. Kaya maghanda ka dahil sinisigurado kong matatanggal ka sa paaralang ito." Nakangisi niya nang saad na parang wala ng inindang sakit kani kanina lang.

Pero hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari bigla na lamang itong umiyak ng malakas at huli ng maramdaman ko ang malakas na pag tulak saakin at bago ako tuluyang nawala ng malay ay nakita ko pang nakangisi saakin si Crystal habang malakas na umiiyak sa bisig ng isang lalake.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon