KABANATA 39

2.2K 141 19
                                    

EJI's POV

TATLONG araw nalang at graduation na naming mga senior high kaya naman halos lahat ay excited at abala. Masayang masaya din ako kasi nagbunga naman iyong paghihirap ko para maging valedictorian. Para sa kinikilala at totoo kong magulang  para narin sa sarili ko.

Salutatorian din si Kuya kaya naman proud na proud sina Mom at Dad saamin. Kasalukuyan nga kaming nandito ngayon sa isang kilalang boutique at nagpapasukat ng damit para sa graduation.

"Masayang masaya ang mommy niyo dahil may dalawa akong mababait at matatalinong anak." Si Mom habang naluluha nitong saad saamin.

"Si mom balak pa atang umiyak dito HAHAHA!" Si Kuya na sinangayunan namin ni Daddy.

"Wag ka ng umiyak mom." Pagpapatahan ko kay Mom tsaka siya niyakap.

"Masaya lang ako. Don't mind me mga anak."

"Pagkatapos nito may pupuntahan kami ng daddy niyo kaya kayong dalawa nalang muna ang magsama okey?"

"Sige po pero saan kayo pupunta?" Curious kong tanong sakanila.

"Sa kompanya lang anak minamadali na kasi namin ng Mom niyo iyong mga natirang gawain sa kompanya para naman magkaroon tayo ng matagal na oras para sa isat isa." Si Dad

"Baka pinapagod niyo naman po iyang mga sarili niyo. Dapat magpahinga din po kayo baka mamaya magkasakit kayo niyan eh!" Ako.

"Don't worry anak alam naman namin ng Dad niyo ang limitasyon namin."

Ng matapos nga kaming magsukat ng damit ay agad silang umalis na dalawa kaya naman kaming dalawa nalang ni Kuya ang natira.

"Nasaan si Jang kuya?" Tanong ko sakaniya.

"Ewan ko din eh! Pero ang sabi niya saakin pupunta daw siya sa kakilala niya."

"Hindi man lang nagsabi saakin iyong Jang na iyon."

"HAHAHA! Baka kinalimutan ka na niya." Natatawang saad ni Kuya kaya naman napatigil ako sa pagkain ng fries na may sundae. At agad na nangiligid ang luha sa mata ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kinalimutan na ako ni Jang eh!" Tuluyan ko ng umiiyak na saad.

"Ano kaba binibiro lang naman kita." Natatarantang saad niya saakin. Ewan ko ba this past few days nagiging emosyonal na ako kahit na pigilin ko hindi ko magawa tapos minsan nagiging bugnutin narin ako at palaging nag ca-crave ng pagkain.

"Kinalimutan na niya ako. Nabawasan na iyong kaybigan ko." Umiiyak ko pading saad.

"Haluh! Binibiro lang talaga kita little brother alam mo naman na hindi ka magagawang kalimutan ni Eji. Wag ka ng umiyak baka isipin ng mga tao dito pinapaiyak kita." Pagpapatahan niya saakin.

"Talaga?" Patuloy padin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

"Oo naman! Mahal na mahal ka kaya ni Jang. Oh! Tigil kan asa pag-iyak pumapangit ka na niyan eh!"

"Sinong pangit?" Biglang galit na tanong ko sakaniya.

"Syempre ako hahahaha."Pekeng tawa niya sa bandang huli.

"HAHAHA!! Pangit ka naman talaga!" Tsaka ko siya pinisil sa pisngi.

"A-aray ko naman Eji masakit?" Reklamo niya pero hindi ko siya pinansin. Ng makita kong nasasaktan na talaga siya ay binitawan ko na ang pisngi niya at ng makita ko kung gaano ito kapula ay agad akong napatigil at naluluhang napatingin sakaniya.

"Oh! bakit ka na naman umiiyak?" Nagtataka niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Nasaktan kita eh!"

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon