KABANATA 18

3.3K 225 8
                                    

EJI's POV

MARAMI ang nagulat ng mabalitaan ang pagkaka suspend ni Crystal dahil narin sa ginawa niya noong contest. At isa narin doon ang pagpapapalit niya ng result noong pageant sa HU.

Ayoko man sana ay wala akong magagawa dahil hindi ako ang kumokuntrol sa school na'to. Nakita rin daw kasi ng magulang ni Adhie ang nangyari kaya naman labis silang nagulat sa naging kilos ni Crystal.

"Nabalitaan mo na 'ba yong nangyari kay Crystal the b!tch?" Si Pitchy.

"Loko ka talaga. Oo narinig ko sa mga kaklase nating nagtsi-tsismisan kanina pero naawa ako sakaniya." Kahit naman papaano nakakaramdam parin ako ng awa sakaniya. Ang weird ko lang diba. Ako na nga lang iyong nasaktan ako pa 'yong maaawa.

"Eh! Naawa ka pa don ikaw na nga lang nasaktan dahil sa mga pinaggagawa niya tapos maawa kapa sa taong iyon."

"Hindi naman kasi natin alam kung anong dahilan niya kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon" Saad ko.

"Obvious naman na dahil iyon sa inggit. Hindi niya rin kasi matanggap ang pagkakatalo niya."

"Pwede. Pero wag muna natin siyang husgahan dahil hindi tayo sigurado kung dahil nga sa inggit kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na ganon."

"Hindi ka naba galit sakaniya?" Kuriyos niyang tanong.

"Hindi naman mawawala iyong galit saakin dahil sa mga pinaggagawa niya pero. Hindi rin mawawala saakin ang maawa kahit papaano."

"Ikaw ang bahala basta ako agree na akong napaalis siya dito ng magkaroon naman katahimikan ang paaralang ito. Maiba tayo nasan na naman pala si Adhie?" Tanong niya saakin.

"Ewan ko din. Pansin ko nga nitong mga nakaraang araw lagi siyang wala. Nag-aalala na nga ako sakaniya baka may problema siya tapos hindi ko man lang alam at wala akong maitulong sakaniya."

" Pansin mo din pala na lagi siyang wala. Sigurado naman akong makakayanan niya kung ano man ang problema non matibay ata yung taong iyon."

"Tama ka diyan." Nitong mga nakaraan nga ay lagi kong napapansin na wala si Adhie. At kung tatanungin ko naman siya laging 'ayos lang ako' ang sagot niya saakin. Nagiging weird talaga siya nitong nakaraan.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa library dahil tapos na ang klase namin. Kaylangan ko lang magbasa ng ilang libro para maghanap ng sagot sa mga assignment namin. Meron naman sa Google pero mas maganda sa libro dahil alam kong tama ang nakasulat dito. Minsan kasi sa Google napapalitan ang sagot o napepeke nila.

Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad ng maramdaman kong may tao sa harapan ko. Habang naglalakad kasi ay nagbabasa ako ng ilan sa mga notes ko. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa taong nasa harapan ko.

Nakita ko itong seryosong nakatingin saakin. Kaya naman nagtataka akong napatingin sakaniya.

"Can I talk to you sa likod ng university sunod ka nalang saakin." Nagtataka man ay sumunod nalang ako sakaniya.

PHILIPHE POV

I am here at cafeteria balak kong bumili ng pagkain para saakin at para narin kay Xerces. I don't know why I feel comfortable with him. I just want to give him a food dahil I'm still thankful that he accept me as his new friend.

Bago saakin ang makipagkaybigan kaya labis ang kaba ko ng mga oras na tinatanong ko siya but when I receive his answer I am really happy. He is really good person.

Kaylan lang ng maging kaybigan ko siya. Our first encounter is a mess. Ng itinulak ko siya ng araw na iyon at nakita ko ang dugo sa ulo niya ay nagising ako sa ginawa ko.

I felt really guilt that time kaya naman palihim akong sumisilip sa loob ng clinic to check if he is okay. I felt relieved ng malaman kong ayos lang naman siya.

Kaya kahit medyo gabi ng oras na iyon ay matiyaga akong naghintay na makita siyang mabuting makakauwi sa bahay niya. And yes I also secretly followed him. I don't know why I'm doing this.

Pero talagang nag-aalala ako sakaniya ng todo. First time ko siyang makita ng bumalik ako galing ibang bansa. All girls and gays are drooling over me but he is different. Hindi ko man lang siya makitaan ng pagka mangha o pagnanasa saakin.

Hindi sa pagmamayabang but I am confident to call myself gorgeous, handsome or whatever. Kaya naman tutok na tutok ako sa kaniya that time.

Nagkamali pa nga ako ng inakala ko siyang babae because he's too beautiful to be a man. Nalaman ko lang na lalake siya gay to be exact ng tinignan ko ang dibdib niyang walang umbok. I know I'm being pervert here but don't blame me I am just a man. HAHAHA!!!

Kung hindi mo siya kikila ay hindi mo malalaman na isa siyang bading. And when the time I heard his voice. I AM REALLY AMAZED. He have a wonderful voice and it's so soft and smooth. Punong puno ng emosyon ang pagkakakanta niya. So I told to him why not join the Music Contest.

At hindi naman ako nabigo dahil sumali siya sa music contest and he's the one who win the competition. Kaya lang hindi ko inaasahan ang ginawa ni Crystal she is very aggressive that time.

Crystal is my former girlfriend. She's the one who break with me sa hindi malamang dahilan. Nagpakalayo ako para maliwanagan ang isipan ko pero hindi ko inaasahan ang pagsunod niya saakin sa ibang bansa.

At sinabi saaking pinagsisisihan niya na ang pakikipag break at gusto niya ng makipagbalikan. Oo nga't mahal ko siya pero hindi ako pumayag na makipagbalikan. Sinabi kong pag-isipan niya kung anong totoong nilalaman ng puso niya at kapag nalinawan na siya ay tsaka makipagbalikan saakin.

Pagkabalik ko sa bansa ay siya ring pagbabalik ni Crystal. At ng muli akong pumasok ay nalaman ko na ako daw ang sumunod kay Crystal sa ibang bansa. Hindi kuna sinabi ang totoo sakanila dahil wala akong obligasyon at ayokong mapahiya si Crystal dahil alam kong siya ang nagpakalat ng balitang iyon.

By the way before I continue I just want to Introduce myself. I'm Philiphe Carl Gonzales but I prefer to call me Carl. Pero hindi ko inaasahan na magugustuhan ko ang pagkakatawag saakin ni Xerces na Philiphe. And I don't know why I like it also to call him Xerces. I'm 18 years old.

I'm not talkative person pero kapag naging komportable na ako sa isang tao I become more talkative.

Back to the present ng makuha ko ang mga pinamili ko ay agad akong bumalik sa room para ibigay kay Eji ang binili ko. Pero wala akong naabutang Eji doon.

Nakita ko si Pitchy at sakaniya ako nagtanong. "Hey! You know where is Eji?"

"Ang alam ko nagpunta siya ng library bakit?" Curious na tanong niya saakin. Tsaka nakapaskil ang kakaibang ngiti sa labi. She's weird.

Hindi na ako nagpasalamat pa sakaniya at umalis na agad. I know I'm rude but I don't care. Ng malaman ko nga kung nasaan siya ay agad akong nagtungo sa library.

Nagtanong pa ako sa staff kung may naglog-in sa kanilang 'Xerces Ejin Castro' pero sinabing wala daw. Kaya napa-isip ako kung saan siya nagtungo.

I don't know why but I found myself walking towards the back of the University. I have this feeling that he is there. Hindi nga ako nagkamali at nakita siyang nakatalikod at halatang may kausap.

Hindi muna ako tumuloy kasi alam kong may kausap siya but nagulat ako ng makita ko siyang mapaupo sa sahig dahil sa tulak ng isang tao kaya naman dali dali akong sumugod sakanila.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon