KABANATA 06

4.6K 317 12
                                    

EJI 's POV

BAGO pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang isang lalakeng nagmanadaling tumakbo papunta kay Crystal.

"What did you do to her faggot!?" May galit na tanong neto saakin. Hindi na ako makapagsalita pa dahil ramdam ko na ang matinding pagkahilo pati narin ang dugo sa aking ulo.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Crystal ng mayakap ito ng lalake. Kung hindi lang ako nahihilo dahil sa lakas ng pagkakatulak niya saakin edi sana naipagtatanggol ko iyong sarili ko ngayon. Kanina lamang parang wala na itong ininda samantalang ngayon halos mamatay na sa iyak. Ibang klase talaga itong babaeng ito.

Mas lalo atang nagalit si kuyang lalake ng marinig ang lakas ng pag-iyak ni Crystal. Hinarap ako ng lalakeng ito ng puno ng galit ang mga mata.

"ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN SI CRYSTAL SALOT KA!!" At tsaka tulak saakin ng malakas na siyang naging dahilan pa matumba ako at tuluyan ng mawalan ng malay.

Ewan ko ba kung nanamalikmata lang ako pero nakita ko pang ngumisi saakin si Crystal habang nasa bisig ito ng lalakeng tumulong sakaniya.

"EJI!"

"KUYA!"

ILANG saglit pa ay nagising ako ng masakit ang ulo ko at pang-upo. Napahawak na lamang ako saaking ulo at ramdam kong may nakalagay ditong benda.

Ramdam ko padin ang hapdi ng aking ulo. Ano bang nangyari? Mahinang usal ko sa sarili ko.

"Eji mabuti naman at gising kana. Saan ang masakit sayo? Nagugutom kana ba? Nauuhaw? Nahihilo?" Nag-aalalang tanong ni Adhie. Napatawa na lamang ako ng mahina sa dami ng tanong niya saakin.

"Hoy! Anong tinatawa tawa mo diyaan. Nag-aalala na nga iyong tao tatawa kapa. Siguro nabagok na iyong ulo mo?"

"Hindi naman. Ang dami mo kasing tanong e! medyo nahihilo pa din ako pero ayos lang naman ako. Nasaan nga pala tayo?" Sagot at tanong ko.

"Nandito sa clinic ng school tatlong oras ka na ngang natutulog e! Alam mo ba sobrang nag-aalala kami saiyo ni Jang." Nang mabangit niya ang pangalang Jang ay napatingin ako sa likod niya at nakita doon si Jang na tahimik man bagamat nag-aalala rin.

"Kuya ayos ka na ba?" Si Jang.

"Oo naman maliit lang na sugat eto."

"Anong maliit na sugat halos mapuno na nga ng dugo iyong muka mo dahil sa sugat na natamo mo tapos sasabin mo lang na maliit." Pasigaw na saad ni Adhie.

"Ang ingay mo."

"Abat-."

"Kanina pa ganiyan yan kuya ewan ko ba kung bakit ka nag-karoon ng ganiyang kaingay na kaybigan. Saan mo ba ito napulot kuya?"

"Hoy! Hoy! Bubuwit anong maingay hindi kaya. Nag-aalala lang iyong tao siyempre."

"Okay." Monotonous na sagaot nito.

"Parehas na parehas kayo ng ugaling dalawa. Maiba nga tayo ano bang nangyari kanina sayo doon at umabot kayo sa ganitong sitwasiyon?" Sa tanong ni Adhie ay bigla akong nakaramdam ng matinding gigil.

"Ayon ba? Diba nagpaalam ako sayo na naiihi na ako at sinabi mo saakin na mauuna kana kay Jang tapos susunod nalang ako sa parking lot. Tapos tumatakbo ako kasi sobrang naiihi na ako nang may nakasalubong akong babae na tumatakbo din umiwas na nga ako diba. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itinulak nakatabi na nga ako e! Ipakain ko iyong daan sa muka ng babaeng iyon e!"

"Syempre dahil sa gulat nahila ko siya tapos ang gaga gumawa ng eskandalo binabaliktad niya iyong sitwasiyon napaka kapal ng muka. Kung hindi lang ako nahihilo mas lalakasan ko pa iyong sampal na ginawa niya saakin e! Tapos iyong babaeng makapal ang make-up tinanong niya kung sino daw nagtulak ang nakakatawa lang ako iyong itinuro."

"Aba't gago pala iyon e! Kung-" Adhie

"Wag kang sumabat di pa ako tapos mag-kuwento saiyo." Mukang nagulat ito sa sinabi ko pati narin si Jang kasi natahimik sila sa sinabi ko. Kapag naaalala ko iyong nangyari kanina nanggigigil ako lalong lalo na sa babaeng iyon. Isa rin pa pala iyong lalakeng kung makapag sabing salot ako bwiset sila.

"So ayun na nga matapos nun tinanong ko siya kung anong mapapala niya sa pagsisinungaling aba't hindi nakasagot tapos sinampal pa ako. Ilang saglit pa may dumating na lalake tawagin ba naman akong salot at faggot punyeta siya! Sino na nga ba iyon. Si Mr. Gonzales iyon lintek yon."

"Hindi ko alam kung maawa ako o magagalit o matatawa. Yung paraan kasi ng pagku-kuwento mo halatang gigil na gigil ka."

"Paanong hindi ako magigil ang kapal ng muka ng dalawang iyon."

"Meron pa palang sinabi iyong si Crystal siya daw yung queen dito kaya. Kayang kaya niya daw akong paalisin sa HU kasi malaki daw iyong shares nila dito"

"Nako wag ka ng mag-alala doon ako ng bahala baka gusto ng babaeng iyon na bilihin ko iyong konpaniya nila e! ng wala na siyang maipagmayabang. Kaya pala ng maabutan namin kayo doon nakita kong nakayakap siya kay Carl. May relasyon kasi iyong dalawang iyon at dati e!."

"Ang balita ko din kuya Eji kaya sila parehong nawala kasi si Crystal daw nagpunta ng ibang bansa tapos sinundan daw siya noong Carl kasi hindi niya matanggap na nakipag break si Crystal sakaniya."

"So kilala morin iyong dalawang iyon? Bat hindi ko sila kilala."

"Ikaw pa paano mo makikilala iyon e! Lagi kang nasa library tapos tutok na tutok ka sa pag-aaral. Ako ngarin noong una tayong nagkakilala hindi mo ako nakilala sa pogi ko pa namang ito."

"Anong connect nung pagiging pogi niya sa usapan e! Ang pangit niya naman." Si Jang. Bulong lang iyon pero alam kong narinig din iyon ni Adhie.

"Hoy! Narinig ko iyon huh?"

"E! Ano naman ngayon."

Nagkakilala kasi kami ni Adhie ng hindi sinasadiya. Nasa likod ako ng University noon at nagpapahangin dahil presko ang hangin doon nasa ilalim ako ng puno ng biglang may lumundag sa harapan ko.

"Ay unggoy na kabayo!" Gulat kong saad. Sinong hindi magugulat kong enjoy na enjoy ka sa pagpapahangin at pagtanaw sa mga puno kung may bigla nalang tatalon sa harapan mo.

"Anong unggoy na kabayo? Sa pogi ko ba namang ito tatawagin mo akong unggoy na kabayo!" May pagkainis sa boses niya kaya naman napatingin ako sakaniya.

Totoong pogi siya pero hindi ako nagpahalata baka kung anong sabihin niya pa saakin. Simula ng araw na iyon lagi niya ng tanatanong kung napopigihan ako sakaniya. Pero ang lagi kong sinasagot hindi hanggang sa naging malapit na kami sa isat isa at naging magkaybigan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang nurse at sinabing mabuti naman daw ang lagay ko minor injury lang daw ang natamo ko pero ang sabi niya kaylangan ko daw itong alagaan ng mabuti para hindi ma infection.

Pagkalabas ko ay agad kaming nagtungo sa parking lot. Doon ay naabutan ko iyong lalakeng nagtulak saakin. Ewan ko pero nakaramdam ako ng matinding inis pag nakikita ko to ngayon.

Sino ba naman kasing matino ang bigla na lang magtutulak ng hindi naman alam ang totoo.

"Nandito pala itong gagong ito e! Hoy Gonzales halika nga dito at suntukan tayo." Agad kong inawat si Adhie at baka kung ano pang gawin niya sa lalakeng ito. Kahit naman may kasalanan ito ayoko namang masaktan iyong mga taong malalapit saakin dahil lan sa akin.

Hindi niya pinansin si Adhie at tumingin lang ito saakin saglit bago tuluyang sumakay sa kotse niyang mamahalin. Ewan ko kung ano pang ginagawa niya sa oras na to sa school. Halos wala na kasing tao 7:48 narin pala ng gabi.

"Abat gago pala itong Gonzales na ito e!"

"Ano kaba hayaan mo na nga iyong mga ganong klaseng tao. Darating din iyong karma nun." Bago sumakay sa kotse ni Adhie ay sumulyap pa ako ng isang beses sa papalayaong kotse ni Philiphe.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon