KABANATA 45

2.7K 134 43
                                    

EJI's POV

"GORGEOUS as always Ms. Hernandez." Papuri saakin ng photographer na kumukuha saakin ng larawan para sa isang beach outfit na icocover sa isang magazine. Seven years had passed at masasabi kong marami na ang nagbago. Ngumiti muna ako sa photographer bago nagsalita.

"Thanks how's the photo?" Pagtatanong ko sakaniya tsaka lumapit sa monitor kung nasaan nakalagay ang mga nakuhang larawan saakin. Suot ko padin ang isang unisex outfit kung saan pwedeng gamitin ng babae or even gays na gustong magsuot ng hindi masyadong bulgar na swimsuit.

"As I said always gorgeous and beautiful." Papuri niya ulit saakin. Nagpasalamat ulit ako sakaniya bago siya iwan doon at lumapit sa kambal ko.

"How's my babies?" Pagtatanong ko sa kambal na si Xeji at Carlo mga anak ko parehong lalake na ngayon ay mag-aanim na taong gulang na.

"Good mommy. You're really awesome kanina mom." Masayang saad ni Xeji tsaka lumambitin sa leeg ko samantalang si Carlo ay ngumiti lang saakin at muling bumalik sa ginagawa. Start na ng baksyon nila kaya naman naisipan ko silang isama para naman hindi sila masyadong ma bored sa bahay.

"Pasensiya na kayo mga anak kung hindi ko kayo naasikaso ng maayos dito." Paghingi ko ng paumanhin sa kambal. "Ipapahatid ko na din kayo kay Klaren mamaya may runaway  pa kasi ang mommy baka hindi ko kayo maasikaso ng maayos." Dagdag ko pa. Si Klaren Assistant ko na kasalukuyang tinutuyo ang basa kong buhok. Nasa isang beach din kasi kami ngayon ayon sa theme ng suot ko.

"Nah! it's okay mom we understand you naman po." Si Carlo na sinangayunan din ni Xeji. "But can you bring us nalang?" Pagtatanong naman ni Xeji habang nagpapacute saakin kaya mahina nalang akong napatawa. "Sabi din sakin ni Tito-Daddy manonood siya ng runaway mamaya kaya sasama nalang kami sakaniya." Dagdag pa niya na ang tinutukay ay si Adhie.

"Hahaha! Wala na akong magagawa nagpapa-cute na naman kasi saakin ang anak ko!" Tsaka ko pinisil ang pisngi niya. Magkaibang magkaiba sila ng ugali. Si Xeji masyadong palasalita at energetic samantalang si Carlo naman ay seryoso lang at tahimik pero sweet din naman siya.

"Yehey! You heard that Kuya mapapanood natin si Mommy mamaya na mag-walk." Masayang sabi ni Xeji habang niyuyugyog ang kapatid niyang naiirita na ngayon. Nauna ng ilang minuto si Xeji kaya naman siya ang panganay pero kung pagbabasehan ang kilos ay mapagkakamalang si Carlo ang panganay kasi mas matured itong gumalaw. Pero tinatawag na kuya ni Xeji si Carlo ayon narin sa gusto ng kakambal niyang si Carlo.

"Stop it! Bunso gusot gusot na itong damit ko oh!" Tsaka niya ipinakita ang damit niyang gusot gusot na nga. Maypagka pikunin din kasi itong si Carlo pero mahal na mahal niya naman kami especially ang kapatid niya.

"Ops! Sorry kuya wag ka ng magalit saakin. I love you." Panguuto niya sa kapatid tsaka ito hinalikan sa pisngi. Nakita kong napaikot nalang ng mata si Carlo dahil alam niyang hindi niya kayang iresist ang kacute-tan ng kapatid niya.

"Don't do this again huh?! Kung hindi magagalit na talaga ako sayo."

Ilang saglit pa ay may narinig akong sumipol sa likuran ko kaya naman hinarap ko ito at nakita doon si Kuya na nakasuot pa ng business attire. "Daddy-Tito!" Masayang sigaw ni Xeji tsaka nagpakarga kay Kuya Adhie.

"Neoneun neoui eomeoniege jangnan chiji anh-ass ni?" (hindi ba kayo naging makulit sa mommy niyo?) Pag korean ni Adhie. Kung hindi ko man nabangit sainyo mag-pipitong taon nadin kaming naninirahan dito sa South Korea kaya naman nasanay nadin ang mga bata na magsalita ng Korean pati narin ako.

At sino ba naman ang mag-aakala na may lahi pala kaming korean dahil ang mommy ko pala ay pure Korean pero saka ko nalang nalaman ng lumipad na kami papunta dito. So technically Half-Korean ako.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon