Chapter 2

2.3K 69 2
                                    

Chapter 2
3rd Person's POV;
"Lord Hzeck."

Sabay-sabay na yumuko ang anim na black in men sa binatang nakasandal sa gilid ng pinto ng isang kwarto.

"Nacheck niyo na ba ang lahat?" Tanong ng binata matapos imulat ang mata at mag angat ng tingin sa mga lalaki na nanatiling nakayuko.

"Nagawa na namin lahat ng pinag-uutos niyo Lord Hzeck." Sagot ng isa sa mga ito bago inabot ang isang log book.

"Isa sa mga Vandatt." Ani ng isa sa mga binatang nasa monitor.

"Hindi tayo makakalusot hangga't nandiyan ang guardian ni Acosta." Sabat ng binatang may hawak ng laptop.

"Isa lang yan bata." Hirit ng lalaki na kinangiwi ng katabi nitong binata.

"Alam mo ba na ang batang sinasabi mo muntikan ng pumutol ng ulo ko." Ani ng binata na kinatingin ng lalaki.

"Anong gusto niyong gawin natin tumunganga?" Ani ng lalaking may hawak na laptop hanggang sa makita nila sa monitor na maglabas ng patalim ang binatang si Hzeck na nasa monitor at---.

"Fuck!"

Napatayo ang ilan sa mga lalaki ng nakita nilang lumipad yun sa pag aakalang tatamaan sila.

"Nabubwisit na ako sa pangingialam ng batang yan." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata habang nakatingin sa monitor na ngayon ay hindi nakaconnect sa lugar kung nasaan ang lalaki.

---
"Hzeck nagpapahinga ka pa ba?"

Napaangat ng tingin ang binata ng pumasok sa loob ang tatlo sa Redtape kasunod ang dalawa sa tauhan na pinagkakatiwalaan ng lalaki.

"Nakakapagpahinga lang naman ako pag may ibang nagbabantay kay Master Cross." Ani ni Hzeck bago bahagyang inistretch ang braso at leeg habang nakaharap sa laptop.

"Kami na muna bahala dito Hzeck, pahinga kana muna." Ani ni Percy na kinabuga nang hangin ng lalaki bago sinara ang laptop.

"Sige pero dito na ako matutulog kuya, inaantok na din kasi ako kanina pa." Ani ni Hzeck matapos humikab at maibaba ang laptop.

Nang makahiga sa sofa si Hzeck lumapit si Iggy sa walk in closet na nasa closet at kumuha ng kumot para sa binata.

"Dito ba natulog si Casspian?" Ani ni Percy ng makita ang batang lalaki na nakahiga sa kama yakap ang ama.

"Siguro." Ani ni Iggy matapos lagyan ng kumot si Hzeck at kuhanin ang laptop na nasa lamesa.

Chineck nito ang ilang cctv videos at nakumpirma ng tatlo na dun na natutulog ang batang lalaki.

"Hindi na talaga siya kinuha ni Alica dito." Ani ni Chase ng makita ang cctv records nung mga nakaraang araw.

"Naririnig kaya ni Cross ang anak niya?" Tanong ni Percy ng makita ang ilang records kung saan binabasahan siya ni Casspian ng fairytales.

"Sana naman gumising na si Cross kailangan siya ng bata." Ani ni Percy bago humakbang palapit sa kama at haplusin ang buhok ng batang lalaki na natutulog katabi ang ama.

"I just wondering kung anong irereact ni Cross pag kagising niya once na malaman ni Cross ang ginagawa ng mga Freya kay Arkhon." Ani ni Iggy matapos damputin ang ilang magazine na nakapatong sa coffee table at buksan.

"Ang nakakapagtaka bakit hindi man lang gumagawa ng paraan ang mga Asuncion para maibalik si Arkhon." Ani ni Chase na kinabuga ng hangin ni Percy.

"Bakit ba napaka kumplikado ng buhay." Ani ni Percy.

"Leader gumising kana, kailangan mo pang bawiin si Arkhon sa mga Freya."dagdag ng binata habang nakatingin kay Cross na mahimbing pa din na natutulog.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now