40

832 34 2
                                    


Chapter 40
Cross Acosta's POV;
*shreek*

Binaba ko ang suot kong hood matapos kong makapasok sa loob ng luma naming apartment.

Tiningnan ko ang paligid hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang estante na nasa living room.

Lumapit ako dun at tiningnan ang mga litrato na nasa loob ng estante.

"Haru." Bulong ko matapos kuhanin ang isang picture frame.

Flashback
*sob*

Iyak ko habang yakap ang dalawa kong tuhod at nakasiksik sa ilalim ng study table.

"Bakit ganun si daddy? Hindi niya na ba mahal ang mama ko." Umiiyak na sambit ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag na papunta sa pwesto ko.

"Young master."

Napaangat ako ng tingin ng umupo si Haru at silipin ako mula sa ilalim ng study table.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Haru na kinagusot ng mukha ko.

"Mind your own business Haru! *sob* get out hayaan mo ako mag-isa." Singhal ko matapos marahas na punasan ang pisngi ko at ihilig ang ulo ko mga tuhod ko.

"Andiyan ba si Cross?"

"Ano bang ginagawa niyo dito? Diba sabi ko ayoko ng kausap." Galit na sambit ko matapos ko marinig ang boses ni Arkhon.

"Wrong timing yata tayo." Ani ni Arkhon pero hindi ko sila pinansin.

"Birthday mo ngayon diba?" Ani ni Haru na kinatingin ko.

"Hindi kami nakabili ng cake galing sa labas dahil hinarang kami ng mga body guard mo bawal ka daw bigyan ng kahit na ano galing sa labas." Ani ni Arkhon na nakasilip sa pwesto ko.

"Nakakuha ako pero ano---."

Napatingin ako kay Haru ng may ilabas siya sa bulsa na plastic.

"Cake ba yan o putik?" Tanong ni Arkhon na kinatawa ko matapos makita yung cake na nadurog yata.

"Wag ka ngang mang-asar atleast ako nakagawa ng paraan." Singhal ni Haru kay Arkhon.

Nagtatalo yung dalawa habang ako kinuha ko yung nilapag ni Haru na cake sa harapan ko.

"Salamat." Bulong ko na kinatingin ng dalawa.

"Sayang walang kandila." Walang ganang sambit ko.

Sabi kasi ni mama hindi daw bale na hindi mamahalin ang cake basta daw may kandila kasi yun daw yung kaisa-isang way para matupad ang mga hiling ng mga batang tulad ko.

"Wag ka na ngang malungkot Cross ito oh may dala akong kandila." Napatingin ako kay Cross ng lumuhod siya sa harap ko.

Maliit lang yun at mukhang gamit na.

"Are you idiot? Gamit na yang kandila mamaya kung saan mo pa napulot---."

"Galing yan sa bahay noh, tinatago yan ni mommy, kasi daw pag tinago mo daw yung kandila makekeep mo daw yung mga wishes na yun hanggang sa pagtanda."

"Bakit mo bibigay sakin?" Tanong ko kay Arkhon na kinatingin ni Cross.

"Hindi ko naman kailangan ng maraming wishes Cross diba? May mga susunod pa akong birthday." Ani ni Arkhon matapos ngumiti.

"At mas kailangan mo ito ngayon." Dagdag ni Arkhon na kinayuko ko ng bahagya.

"Wag ka ng magmukmok young master andito naman ako hindi kita iiwan."

Dancing with the DevilМесто, где живут истории. Откройте их для себя