Chapter 18

931 41 2
                                    

3rd Person's POV;
"How is he?" Tanong ni Valentine sa doctor.

"Meron bang record si Mr.Freya na nagkaroon siya ng amnesia?" Tanong ng doctor na kinatigil ni Tobi at Navaeh.

"W-Wala." Pagsisinungaling ni Navaeh sasagot ang doctor ng---.

"Cross!"

Napatayo ng ayos si Tobi ng makita ang alaga na hinahabol ang hininga at dali-daling bumaba ng kama.

"Arkhon magpahinga ka muna hindi--."

"Tumabi ka! Kailangan ko bumalik kay Cross! Hinihintay niya ako." Ani ni Arkhon at aalis ito ng---.

"Freya huminahon k---."

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Arkhon matapos itulak si Navaeh at tingnan ito ng masama.

"Wag na wag mo akong tatawaging Freya, dahil isa akong Asuncion." Nag gigitgit na sambit ni Arkhon bago lumabas ng kwarto at kahit nahihilo pilit na humakbang si Arkhon palabas ng penthouse.

"Game over." Bulong ni Tobi habang tinatago ang ngisi at nakatingin sa dalawang tao na nasa kwarto.

"Anong gagawin natin Navaeh?" Tanong ni Valentine.

"Tawagan mo sina Archie kailangan nila ito malaman."
--
Habol ang hininga ni Arkhon matapos ito tumakbo papasok ng gubat at hindi ininda ang mga sugat na nakuha ng sumabit ito sa mga sanga habang siya ay tumatakbo.

"Cross!" Sigaw ni Arkhon bago tumakbo ulit hanggang sa makarinig siya ng alon na kinaliwanag ng mukha nang lalaki.

'Cross.' Tawag ni Arkhon sa isip ng makita ang binata na nakatayo sa gilid ng dalampasigan.

Mula sa kinatatayuan ni Arkhon kitang kita niya ang amo ng mukha ng binata at pagkislap ng mata dahil sa malaking buwan na nasa harapan.

Hahakbang ito palabas ng gubat para lumapit sa lalaki ng may humila sa kanya pabalik at bago niya pa matawag si Cross may nagtakip na panyo sa bibig niya kasabay ng kirot na nanggaling sa gilid ng leeg nang turukan ito ng kung ano.

'C-Cross.' Bulong ng lalaki hanggang sa unti unting makaramdam ng antok ang binata at mawalan ng malay.
--
"Arkhon." Bulong ni Cross hanggang sa tumulo ang butil ng luha na nanggaling sa mga mata ng binata.

"Nasaan kana? Kanina pa kita hinihintay." Dagdag ng binata habang dinadama ang lamig ng hangin sa kanyang katawan at init na nanggagaling sa kanyang mga mata.

Buong gabi nag-antay dun si Cross hanggang sa malapit ng sumikat ang araw at dumating ang dalawang speedboat sakay si Percy at Iggy.

"Cross." Ani ni Percy nang makababa sila sa speedboat at makita si Cross na nakayuko.

"Umuwi na tayo." Paos na sambit ni Cross na kinatango nina Iggy.

Kinuha ni Iggy ang mga gamit ni Cross na nasa dalampasigan bago inaya ang lalaki pasakay ng Speedboat.

Habang nasa byahe hindi umimik si Percy at ni hindi ito nag-abalang magtanong.

Maya-maya nung nasa kalagitnaan na sila pinatay ni Percy ang makina at umupo sa harapan ni Cross.

"Sa tingin ko hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan ang tyura mo." Ani ni Percy bago tingnan si Iggy na pinaikutan ang speedboat nila bago tumigil at tingnan si Cross.

"Anong gusto mong gawin ko Sawyer? Pumatay ng tao?" Bulong ni Cross na kinabuga ng hangin ng lalaki.

"Palamig ka muna, hindi ka pwedeng bumalik ng ganyan ... mapapatay ni Tito Cadmus si Arkhon once na makita kang nagkakaganyan dahil sa asawa mo." Malayo ang sagot na sambit ni Percy.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now