45

855 36 4
                                    


Chapter 45
3rd Person's POV;
"Pansamantala dito muna tayo habang hindi pa tayo nakakaisip ng paraan kung pano ka makakabalik sa mga Asuncion nang hindi tayo nahaharang nina Iver at Daddy." Ani ni Archie ng makapasok sila sa resthouse.

"Bakit niyo ito ginagawa? I mean isa kayo sa mga taong iniisip ko na huling taong tutulong sakin para makaalis sa mga Freya." Ani ni Arkhon bago tingnan si Archie na umiwas ng tingin.

"Sumunod lang ako kay Kuya." Ani ni Archie bago tingnan si Carter na nagsindi ng sigarilyo bago humakbang papasok at umupo sa sofa na nasa living room.

"Narinig ni Archie na uulitin nanaman ni Allen ang ginawa niya sayo nung time na nakalimutan mo kung sino ka at plano yun gawin ni Allen pag dating mo ng states." Ani ni Carter.

"Pag naulit pa yung pag babrain wash sayo ni Allen maari ka ng mabaliw o hindi kana ulit maka-alala." Dagdag ng binata.

"Siguradong magagalit sainyo si Daddy." Ani ni Arkhon bago tingnan si Archie.

"Alam ko mahalaga sayo ang company Archie at---."

"Mas mahalaga sakin ang kapatid kuya Arkhon hindi niyo man kami kadugo ni Iver hindi niyo kami tinuring na iba ni kuya Caster." Putol ni Archie.

"Malaki din ang galit ko sa nga Acosta dahil sa pagkuha nila kay Adele pero hindi ibig sabihin nun isasantabi ko kayo, may dugo man na Acosta si Kuya Caster at asawa mo ang pinaka kamumuhian kong tao ... magkakapatid pa din tayo." Ani ni Archie na naging dahilan para yakapin siya ni Arkhon na kinatigil ng binata.

"Tss tama na ang drama kailangan na natin gumawa ng plano." Ani ni Caster na kinangiti ni Arkhon bago bumitaw kay Archie at---.

"Damn." Mura ni Caster matapos mabitawan ang hawak na sigarilyo ng lumpit sakanya si Arkhon at niyakap siya ng binata.

"Ulitin mo pa yun hindi ko na pipigilan ang sarili ko na halikan ka." Madilim ang anyong sambit ni Caster matapos lumayo ni Arkhon.

"Fuck you ulitin mo pa yun hindi na kamao ko tatama sayo." Ani ni Arkhon bago tumayo na kinailing ni Archie dahil halatang na love at first sight ang kuyahin kay Arkhon na sa kasamaang palad may asawa na at kamukha niya pa.

Kasalukuyang nagpaplano ang tatlo sa lugar na pwede nilang puntahan para makapunta sa ospital kung nasaan si Cross ng may mapansin sina Archie na mga tao sa labas.

"Kuya Caster umalis na kayo andito sila." Ani ni Archie na kinatayo nina Arkhon.

"Archie umalis na tay---."

"Hindi pwede kuya kailangan kayo mabigyan ng time para makaalis dito gagawin ko lahat para mapigilan sila lalo na si Iver." Ani ni Archie.

"Archie wala kang laban kay Iver at sunod-sunuran yun kay daddy siguradong papatayin ka din niya pag---."

"Umalis na kayo kuya kasi wala din akong balak iwan si Iver dito." Ani ni Archie na kinatigil ni Arkhon.

Nang makarinig sika ng pagbukas ng gate mabilis na hinila ni Carter paalis si Arkhon na hinabol pa ng tingin si Archie.

--
"Nasaan si Arkhon?" Nanggagalaiting sambit ni Allen ng makita si Archie sa loob.

"Kahit alam ko hindi ko sasabihin." Walang buhay na sambit ni Archie bago tingnan si Iver na walang emosyong nakatingin sakanya.

"Traydor!" Sigaw ni Allen matapos kuhanin ang baril sa tauhan at---.

"Dad!" Sigaw ni Iver ng paputukan ni Allen si Archie na kinabagsak ng binata matapos tamaan sa hita na kinaingit ng lalaki.

Dancing with the DevilOn viuen les histories. Descobreix ara