Epilogue

2K 60 6
                                    

Epilogue
Cross Acosta's POV;
Mabilis na lumipas ang araw at mga buwan hanggang sa hindi ko napansin na sobrang tagal na pala ng huli kaming nagkasama-sama.

"Papa."

Napatingin ako kay Casspian na hawak-hawak ang buhok niya at medyo nakayukong nakatingin sakin.

"Anak nagpagupit ka ba?" Tanong ko ng mapansin na maiksi na yun at nagpagupit siya ng katulad sa mga teenager na panlalaking gupit.

"Ahm ... since mag fifirst year highschool na po ako kailangan ko na po magpagupit bumili na rin kami ni Hzeck ng contact lence." Ani ni Casspian na kinangiti ko bago hinaplos ang pisngi ng anak ko.

"Hindi kana maganda, gwapo kana no girls muna okay? Study firs---."

"Papa." Simangot ng anak ko na kinatawa ko ng mahina.

"Fine pero ang gwapo mo diyan anak bagay sayo yang gupit at contact lenc--- wait gray ba yang binili mo?" Tanong ko ng mapansin ang kulay ng mata nang anak ko.

"No papa black, pero baka po dahil sa natural color ng mata ko kaya nag-gagray siya." Nahihiyang sambit ng anak ko how cute.

"Siya pumunta kana dun kina lola at tita mo kanina pa ako kinukulit ng mga yun kung nasan kana dun sa swimming pool area." Ani ko.

"Andito sina Tita?!" Excited na tanong ni Casspian.

"Yes kanina pa kaya pumunta kana dun." Ani ko aalis si Casspian ng mapatingin ito sa sofa sa likuran naming dalawa.

"Nahulog kana nanaman ba sa kama papa?" Natatawang tanong ni Casspian na kinapokerface ko.

"Kung ayaw mong mawalan ng allowance ngayong month pumunta kana sa mga tita mo."

"It's okay papa lagi naman ako binibigyan ni tita Ceres ng---."

"Casspian Assuncion." May diin na sambit ko.

"Iloveyou papa!" Ani ni Casspian bago lakad takbong umalis madadapa pa ito palabas kung hindi ito nasalo ni Hzeck na mukhang papasok ng mansyon.

Kahit kailan ang lampa ng batang yun, =_= at sa dami ng mamana pati pagiging pang-asar ko nakuha.

"Asunsion." Tawag ko habang nakatayo sa harap ng glasswall kung saan kitang-kita ang garden na kadugsong ng swimming pool area.

"Babe?" Bulong ni Arkhon bago tumayo at nakayukong lumapit sakin mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Babe sorry na, nagulat lang naman ako wag ka ng magalit." Pan-lalambing ni Arkhon na kinapokerface ko.

Sa lagay naman ni Arkhon good to say may mga pagbabago naman ... buwan na ang bibilangin bago niya ulit ako makalimutan pero minsan pag nagigising siya may ilang minuto ang gap bago niya maalala na asawa niya na ako at malaking question mark sakanya kung bakit niya ako katabi kaya madalas naitutulak niya ako sa kama.

"Babe naman." Ani ni Arkhon bago ako niyakap sa bewang at parang batang kinikiss ang labi ko.

"Sa susunod na ulitin mo pa yun hindi na ako tatabi sayo pag matutulog." Panakot ko na hindi naman kahit kailan nangyari kasi tuwing ginagawa ko ang pananakot ko magigising na lang ako nasa tabi ko na siya.

"Hehe okay babe." Ani ni Arkhon na kinapokerface ko bago nakawan ulit ng halikat parang batang lumingkis sakin.

Katulad ng mga natural na mag-asawa nag-aaway din minsan at hindi nagkakaintindihan pero para sakin ito yung bahagi ng kwento na gustong-gusto ko dahil kasama ko siya at si Casspian, lagi man may away, pag-aasaran at madalas hindi pagkakaintindihan nanatili pa din kaming matatag ni Arkhon.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now