Chapter 15

1K 48 1
                                    

3rd Person's POV;
"Cross ayos ka lang?" Tanong ni Nhate ng makitang namumutla ang binata.

"Yeah, hindi lang maganda pakiramdam ko pag nasa dagat ako." Bulong ni Cross habang naglalakad sila papasok ng desk at papunta sa assigned cabin ng team.

Bago makarating sa cabin nakita nila sa bar counter ang ilang artista at staff, may ilan pang tumawag kina Cross para ayain ang mga ito uminom.

"Pass muna mga pre hindi maganda pakiramdam ni Cross." Sigaw ni Nhate na kinatingin ni Arkhon na nakaupo sa bar counter katabi si Valentine.

Dahil nahihilo na talaga si Cross hindi na nito pinansin si Nhate at nagpatuloy sa paglakakad.

Hanggang sa papalabas na ito ng main desk nang biglang makaramdam ng hilo si Cross na agad nasalo ni Lucas ng mabilis na tumakbo papasok sa main desk ang binata na mukhang kagagaling lang sa cabin area.

"Cross."

"Cross!" Sigaw ng ilan sa mga stuntman na nasa main desk at tumakbo paalis para sundan si Lucas na kasalukuyang buhat si Cross na walang malay.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Navaeh katabi si Sheena ng tumayo si Arkhon at naglakad palabas ng main desk.

"Pupuntahan ko ang putanginang lasinggero kong manager." May inis na sambit ni Arkhon bago umalis.

"Easy lang kayo meron lang anxiety si Cross sa dagat kaya siya nahihilo at namumutla since dapat may iniinom siyang gam--- anong ginagawa mo?" Tanong ni Tobi ng makitang hinahalungkat ni Arkhon ang gym bag ni Cross.

"Walang gamot diyan si Cross hinalungkat na namin yan." Ani ni Lucas hanggang sa may inilabas na tissue si Arkhon, may ilang tableta dun at nakaplastic.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ni Nhate bago tiningnan ulit ang bag ni Cross.

"Ayaw ni Salves na may nakakakita ng gamot niya kaya--- pano ko nalaman?"

Pabulong na tanong ni Arkhon sa sarili ng marealize na nakuha niya ang gamot without realizing kung pano niya nalaman na may butas na ginagawa si Cross sa mga ginagamit niyang bag sa ilalim ng mga gamit o damit para itago ang tissue na naglalaman ng mga gamot.
---
"Hmm." Ungol ni Cross bago dahan-dahang minulat ang mata ng makita niyang hindi sa kanya pamilyar ang kwarto.

Napabagon ito at napatingin sa labas ng bintana ng makitang gabi na pala at madilim sa buong kwarto.

'Nasa yacht ako bakit hindi ako nasusuka katulad kanina?'

"Medyo pinabilisan ko ang pagpapatakbo nitong yacht sa driver kaya wag ka ng magtaka kung hindi ka na nahihilo."

Napatingin si Cross sa madilim na bahagi ng kwarto nang lumabas si Arkhon na nakapamulsahang naglalakad palapit sa binata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cross ng maaninag si Arkhon matapos nito lumapit sa kama.

"Responsibilidad kita as a succesor ng mga Freya since nakasakay ka sa private property ng pamilya ko, pag natuluyan ka dito ano na lang sasabihin ng ibang tao." Ani ni Arkhon na kinadilim ng anyo ni Cross.

"For the 5th time Arkhon hindi ka isang Freya." May diin na sambit ni Cross bago tumingin ulit sa labas.

"Umalis kana ayos na ako." Walang buhay na sambit ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Arkhon.

Hindi gusto ni Arkhon ang inasal ng binata pero mas lalong hindi niya gusto ang reyalidad na hindi niya kayang saktan ang lalaki.

Tatalikod ito para umalis ng---.

"Teka." Ani ni Cross na kinatigil ni Arkhon.

"Lumapit ka dito." Utos ni Cross ng humarap sa kanya si Arkhon na kinakunot noo ng binata.

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon