Chapter 9

1K 42 1
                                    

3rd Person's POV;
Natawa ang binatang si Lucas ng makitang gumusot ang mukha ni Cross ng makitang sobrang laki ng jacket na pinahiram sa kanya ng binata.

"Pasensya na yan lang yung extra kong jacket dito." Ani ni Lucas habang pinipigilan ang sariling pisilin ang pisngi ng lalaki dahil mas nagmukha itong bata dahil sa jacket.

Para sa isang lalaki tama lang ang katawan ni Cross na may konting pagkaslim at sa height nito kung ikukumpara sa mga kasamahan sa team, may kaliitan ang lalaki.

Nung unang beses itong makita ni Lucas napagkamalan niya itong babae dahil sa amo ng mukha at nakaipit nitong buhok may ilan pang nagulat dahil hindi halatang malapit na ito mag 26 dahil mukha pa din itong highschool student.

"Bakit ka ganyan makatingin?" Singhal ni Cross habang nasa labas sila pareho ng tent ng binata.

"Hindi lang kasi ako makapaniwalang 26 kana at may anak." Ani ni Lucas na kinailing ng binata bago tumalikod at sumandal sa poste na bakal na nasa likuran.

"May asawa kana?" Tanong ni Lucas.

"Hindi ka din chismoso noh Lucas?" Ani ni Cross na kinangiwi ng binata.

"May husband ako at sa kasamaang palad hindi ako maalala." Sagot ni Cross na kinatigil ni Lucas.

"Husband?" Ulit ni Lucas.

"Hindi ako bakla, inunahan na kita ... nagmahal lang naman ako sa iisang lalaki." Ani ni Cross na kinangiwi ni Lucas.

"Wala akong sinabi sorry naoffend yata kita sa naging reaksyon ko kanina nagulat lang ako." Ani ni Lucas bago umiwas ng tingin at inumin ang hawak na beer.
---
Napahawak ng mahigpit sa railing ang binatang nasa itaas ng bahagi ng palapag habang nakatingin sa dalawang tao na nasa ibaba at nag-uusap.

"Now I know kung bakit niya ako dinidedma this past few days." Bulong ng lalaki na bakas ang inis at galit sa mukha.

Cross Acosta's POV;
Exact 5pm nagpaalam ako sandali kay Lucas para pumunta sa comfort room ng boys.

Maaga kasi simula ng taping namin mamaya kailangan kong ayusin ang sarili ko.

Habang naglalakad ako papunta ng comfort room napatigil ako ng makarinig ako ng ingay sa isang classroom.

Sarado ang ilaw pero may tao, out of curiousity at trabaho ko din bilang staff lumapit ako sa pinto at binuksan yun.

Humakbang ako papasok hanggang sa may magsara ng pinto galing sa likuran ko, dahil sa instinct mabilis na umigkas ang kamay ko na agad nasalo ni---.

"Arkhon." Ani ko.

Hindi ko maaninag ang mukha niya pero yung amoy sigurado akong si Arkhon ang nasa harap ko.

"Ibang klase din ang instinct mo ah." Walang buhay na komento ni Arkhon na kinatigil ko dahil may something sa boses niya na hindi ko maintindihan.

"Anong kailangan mo sakin?" Ani ko bago humakbang ng ilang metro.

"Sino ka ba talaga?" Ani ni Arkhon na kinatigil ko ng ilang minuto.

Hindi ako umimik hanggang sa humakbang si Arkhon palapit sakin.

Aatras ako ng bigla akong mapaupo sa isa sa mga upuan matapos kong maout balance ng bumangga ang likod ng tuhod ko sa upuan.

Tatayo ako ng yumuko si Arkhon at ikulong ako gamit ang mga braso niya na nakatungkod sa magkabilang bahagi ng lamesa na nasa magkabilang gilid ko.

"Tell me sino ka ba talaga?" Paos na tanong ni Arkhon.

"Hindi kita maalala, hindi ko alam ang pangalan mo o saan ka nakatira ... at mas lalong hindi ako makapaniwala na asawa kita." May diin na sambit ni Arkhon na kinasinghap ko ng bahagya ng maamoy ko ang pinaghalong mint at sigarilyo sa bibig niya.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now