Chapter 30

1.1K 49 9
                                    

3rd Person's POV;
Nakahiga si Cross sa isang kama habang sa gilid naman nito si Arkhon na nakayuko hawak ang kanang kamay ng asawa.

"Cross gumising kana babe, nagmamakaawa ako ang dami kong gustong sabihin." Bulong ni Arkhon habang pilit na pinaninitiling gising ang diwa dahil sa takot na pagkagising niya makalimutan niya ulit ang asawa.

"Hmm."

Napaangat ng tingin si Arkhon nang umingit si Cross at---.

"Cross!"

Napatigil si Cross ng yakapin siya ni Arkhon ng mahigpit.

"Patawarin mo ako Cross kung nakalimutan kita patawarin mo ako."

"A-Arkhon." Bulong ni Cross ng may maramdaman siyang basa sa gilid ng leeg niya at ang init ng yakap ng binata.

"Mahal na mahal kita Cross, mahal na mahal."

Kusang tumulo ang luha ni Cross ng marinig ang huling sinabi ng binata, na ilang taon din ang lumipas na huli niya itong narinig simula ng magising siya.

Hindi nagsalita si Cross hanggang sa unti-unti nitong niyakap pabalik si Arkhon.

"A-Akala ko h-hindi mo na ulit ako maaalala, akala ko hindi kana babalik pa Arkhon." Bulong ni Cross na kinatingin ni Arkhon.

"Cross makalimutan ka man ng isip ko, hinding hindi ng puso ko Cross ... paulit-ulit kita maaalala dahil mahal kita." Bulong ni Arkhon matapos bigyan ng halik ang noo ng binata at ipagdikit ang noo nilang dalawa.

"Cross hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng bumalik ka, bumalik ka." Bulong ni Arkhon.

"Pero ng bumalik ako ikaw naman ang nawala ... hindi mo na ako naalala." Puno ng hinanakit na sambit ni Cross na kinangiti ng binata bago binigyan ng halik si Cross at tingnan sa mata.

Cross Acosta's POV;
Hinawakan ko ang pisngi ni Arkhon bago bahagya yung hinaplos habang nakatingin sa mga mata niya.

Ang mga kinang at expressiong ninais ko ulit makita sa mga nakalipas na taon.

"Pero mahal pa din kita at yun ang bagay na kahit kailan hindi nawala." Ani ni Arkhon na kinalambot ng expression ko.

"Mahal din kita, Arkhon mahal na mahal." Bulong ko matapos sumubsob sa gilid ng leeg ni Arkhon.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kita maaalala Cross, hangga't nasa tama pa akong pag-iisip ayusin na natin lahat ng ito." Ani ni Arkhon na kinatingin ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na kinangiti ni Arkhon bago bahagyang hinaplos ang buhok ko.

"Uuwi na tayo Cross, sasama ako sayo ... ikaw ... ako at si Casspian."
Ani ni Arkhon bago kinuha ang phone nito sa bulsa na kinatigil ko ng iharap niya samin ang screen at ion ang video.

"Ako si Arkhon Asuncion at itong katabi ko ang asawa ko tandaan mo siya at wag na wag mong kakalimutan ... Cross Acosta Asuncion yun ang pangalan niya naiintindihan mo?"
Ani ni Arkhon bago ako tingnan at hawakan ang likod ng ulo ko bago siniil ng halik habang nakaharap sa amin ang camera.

"Buong araw kong ioon ang camera na ito Cross para masiguradong pag kagising ko ni isang detalye wala akong makakalimutan tungkol sayo." Ani ni Arkhon na hindi ko alam kung bakit pero imbis magsalita niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kung panaginip lang ito Arkhon, ayoko ng magising dito na lang ako."

"Cross hindi ito panaginip okay?" Ani ni Arkhon bago bahagyang lumayo at nakangiting sinilip.

"Gusto mo ba na halikan kita hanggang sa hindi kana makahinga para maniwala ka?" Nakakaloko ang tanong na sambit ni Arkhon na kinainit ng pisngi ko.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now