Chapter 4

1.3K 56 2
                                    

3rd Person's POV;
"Limang taon na akong tulog?" Hind makapaniwalang sambit ni Cross ng magising siya at magtanong ito kung ilang araw na siyang nasa hospital.

Tiningnan niya ang mga tao na nasa loob hanggang sa---.

"Nasaan si Arkhon at ... Haru." Ani ni Cross matapos mapako ang paningin nito sa binatilyong may buhat sa bata na kahiwig ng guardian.

"S-Si Arkhon n-nasa mga F-Freya at si Haru ano."

Napatingin si Cross kay Percy na mabilis umiwas ng tingin ng magtama ang mata nilang dalawa.

"Ano Sawyer? Where's my fucking guardian." May diing sambit ni Cross na kinawala ng kulay ng girls ng makita ang pagdidilim ng anyo ng binata.

"He's dead." Ani ni Hzeck na kinatingin ng binata.

"Dead? Hindi pwede mangyari yun? Tama ng lokohan na ito nasaan si Haru." Ulit ni Cross na may inis sa mukha.

Hindi umimik ang boys na kinapikit ng madiin ng binata.

"Kailangan kong makausap si Daddy." Ani ni Cross ng---.

"Cross kailangan mo magpahinga hindi pa---."

"Call that fucking oldman now!" Sigaw ni Cross na kinatalon ng ilang girls na kahit ang batang lalaki na kanina ay natutulog bigla na lang umiyak.

Napatigil si Cross at napatingin sa bata na ngayon ay nagpapalahaw habang buhat ni Hzeck.

"Cass shh sto---."

"Who's that kid?" Tanong ni Cross na kinatingin ni Hzeck.

"Anak niyo siya ni Alica." Sagot ni Percy na kinatingin ni Cross.

"Imposible ang sinasa---."naputol ang sasabihin ni Cross ng may maalala siya.

Hindi ito nagsalita ng ilang minuto bago inabot ang batang si Casspian na huminto agad sa kaiiyak ng buhatin siya ng ama.

Dahil maliit lang ito na bata madali itong naiangat ni Cross na kinalambot ng expression ng binata lalo na ng abutin ni Casspian ang pisngi niya.

"Siguro naman hindi na natin kailangan ipa DNA test ang batang yan para maconfirm natin na anak mo si Casspian." Ani Iggy na kinatahimik ni Cross.

"Tawagan niyo si Dad gusto ko siya makausap." Walang buhay na sambit ni Cross habang buhat ang anak.

"Hindi na kailangan andito na ako."

Napatingin ang lahat sa pinto ng bumukas yun at niluwa ang lalaking kahit may bakas na katandaan hindi mo pa din ito maiiwasang hangaan dahil sa taglay pa din nito ang karisma nung ito ay may kabataan pa.

"Iwan niyo muna kami." Ani ng matanda na kinayuko ng mga taong nasa loob bago lumabas kasunod si Hzeck.

"Now tell me kung anong nangyari sa guardian ko at kay Arkhon." Mahinahong sambit ni Cross dahil sa pag-aalalang matakot ang anak na naguguluhang nakatingin sa papalolo at ama niya.

Cadmus Acosta's POV;
Sinabi ko lahat kay Cross ang nangyari lalo na ang panlalaban ni Arkhon ng tangkain siyang kuhanin ni Alcide sa mga Freya sa pag-aakalang yun talaga ang tunay niyang pamilya.

Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Cross at ang pagkuyom ng kamao nito na nakahawak sa bedsheet.

"Pagbabayarin ko silang lahat sa ginawa nila sa guardian ko at pagkuha nila kay Arkhon." Nanggagalaiting sambit ni Arkhon.

"Papa are you mad?"

Napatingin kami kay Casspian pareho ng magsalita ito.

"No Kiddo." Sagot ni Cross matapos guluhin ang buhok ni Casspian.

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon