36

831 37 2
                                    


Chapter 36
3rd Person's POV;
"Bakit ba kayo nakasunod?"

Nanlaki ang mata ng mga pulis na humarang sa kotse nina Venedict at Alcide ng bumaba ang mga bigating business tycoon ng Asia.

"M-Mr Asuncion at Mr.Santos." ani ng mga pulis.

"May business meeting pa kaming kailangan attendan may mga kailangan ba kayo?" Nakapamulsahang tanong ni Venedict.

"Pasensya na Sir nagkamali lang kami ng kotseng sinusundan." Tarantang sambit ng isa sa mga pulis bago sumakay sa kotse at tinabi ang police car.

Napataas ang gilid ng labi ni Alcide matapos nila sumakay sa kotse kasunod si Venedict.

"Putangna Revere dahan-dahan!" Sigaw ni Lucas na halos paliparin ng binata ang kotseng sinasakyan.

"Wag kang magulo nagfofocus ako sa pagdadrive dito." Singhal ni Tobi hanggang sa bigla nitong ipreno ang kotse sa mismong parking lot ng mall.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Lucas sa seatbelt at halos mawalan ng kulay nang muntikan na siyang lumipad palabas ng kotse dahil sa biglang pagpreno ni Tobi.

"Ayusin mo ang sarili mo bilisan mo na parating na ang mga pulis." Ani ni Tobi matapos suutin ang sunglasses at isuot ang hood.

Sabay na bumaba si Lucas at Tobi at walang sali-salita na pumasok ng mall.

Hila-hila ni Tobi si Lucas hanggang sa makasakay sila sa escalator at makarating sa ikalawang palapag.

'May mga pulis!'

"Cross Salves at Arkhon Freya tigil!"

Sigaw ng mga pulis nang makitang papasok sila sa isang grocery store.

Parehong napatigil ang dalawa at unti-unting humarap sa mga pulis.

'Si Archie Freya.'

'Gosh ang gwapo.'

"Anong ginagawa niyo dito?" Nag gigitgit na tanong ni Archie matapos tanggalin ni Lucas at Tobi ang sunglasses nila.

"Hindi ba halata? Nagdadate kami." Banat ni Tobi na kinangiwi ni Lucas.

"Mukha ba akong nakikipaglokohan sayo Revere?" Nanggagalaiting sambit ni Archie na kinapokerface ni Tobi.

"Wala ako sa set o sa company niyo Sir.Archie para kausapin mo ako ng ganyan sinagot ko lang ang tanong mo."sagot ni Tobi.

"Sinasadya niyo ba talagang iligaw kami ha? Nasaan sina Arkhon." Na gigitgit na tanong ni Archie.

"Nakikita mo bang kasama namin sila? Again Mr.Freya nagdadate kami pwede na ba kami umalis?" Gusot ang mukhang sambit ni Tobi matapos suutin ang sun glasses at hilahin si Lucas papasok ng grocery store.

"Fuck it." May diin na bulong ni Archie ng malamang wala sa mga kotseng sinundan nila ang dalawang tao na hinahanap.

--
"Arkhon." Ani ni Cross matapos bumaba ng kotse na sinasakyan at buksan ang compartment ng kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada.

"Ang tagal mo." Bulong ni Arkhon matapos umupo at iangat ang tingin kay Cross na nakataas ang gilid nang labi na nakatingin sa binata.

"Goodboy." Ani ni Cross at guguluhin nito ang buhok ng lalaki nang saluhin yun ni Arkhon na kinatigil ni Cross.

"Mas gusto ko ito." Ani ni Arkhon bago hinila si Cross at siniil ng halik.

"Sorry sa ginawa ko Cross hindi ko sinasadya." Bulong ni Arkhon matapos maghiwalay ang labi nilang dalawa.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now