Chapter 21

947 38 3
                                    

3rd Person's POV;
"Look Hzeck ang ganda."
Ani ng batang si Casspian bago ipakita sa binatang si Hzeck ang paru-parong nasa mga palad.

"Oo nga ang ganda." Nakangiting sambit ni Hzeck habang nakatingin sa mukha ng batang si Casspian.

"Hzeck." Tawag ni Casspian ng lumipad ang paru-paro nang may makita siyang mga black in man na papalapit sa kanila.

"Dito ka lang young master." Tinago ni Hzeck sa likuran niya si Casspian ng makita niya ang isa sa mga Freya na nagdidilim ang mukhang humakbang palapit sa kanila.

"Nasaan si Acosta?" Tanong ni Iver matapos hablutin ang kwelyo ni Hzeck na walang takot na nakatingin sa kanila.

"Ikaw nakita mo?" Maangas na tanong ni Hzeck ng---.

"Hzeck!" Sigaw ni Casspian ng suntukin ni Iver si Hzeck na dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Lalapit si Casspian ng hilahin ni Iver ang buhok ng batang Acosta at tutukan ng baril sa ulo.

"Casspian!" Sigaw ni Hzeck lalapit ang binata ng may humampas sa kanya sa likod.

"Let go of me!" Sigaw ni Casspian habang nagpapasag.

"Nasaan si Cross Vandatt." May diin na sambit ni Hzeck matapos iangat ang mukha ni Casspian na kinakuyom ng kamao ng binata.

"Wag mong idamay dito ang bata." May galit na sambit ni Hzeck tatayo ito ng sipain ito ng lalaki at lalaban ito ng---.

"Isang hakbang mo sabog ang ulo ng batang ito." Banta ni Iver matapos ikasa ang baril na hawak at nakatutok sa ulo ni Casspian na ngayon ay nanginginig na nakatingin sa baril matapos nito maalala ang nangyaring gulo sa ospital.

"Bitawan mo ang anak ko Freya."
Napatingin ang lahat sa bukana ng garden ng pumasok si Cross na walang emosyong lumapit sa mga lalaki.

"Iba din ang lakas ng loob mo Acosta, ano ba talaga ang gusto mo mangyari ha?"
Mabilis na nasalo ni Hzeck si Casspian ng itulak ito ni Iver at babagsak sa sahig.

"Ibalik niyo sa amin si Arkhon para matapos na ang gulo na ito Freya."bored na sambit ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Iver.

"Ibalik? Nagpapatawa ka ba? Isa ka lang namang succesor na walang titulo ano bang pinagmamalaki mo?" Natatawang sambit ni Iver bago humakbang palapit kay Cross at---.

"Papa!" Sigaw ni Casspian ng hampasin ni Iver sa mukha si Cross dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Papalag ka?" Ani ni Iver matapos tutukan ng baril si Cross at si Hzeck na yakap si Casspian nang tatangkain ng binata na lumaban.

"Kung papatayin kita ngayon Cross walang magagawa ang sino man sa kaibigan mo kahit ang mga Acosta kung hindi umiyak at makipaglibing." Ani ni Iver bago yumuko at hawakan ang panga ni Cross na ngayon ay nagdidilim ang mukhang nakatingin sa kanya.

"Hinding hindi mo makukuha si kuya Arkhon kahit na anong gawin mo." Nakangising sambit ni Iver bago bitawan ang mukha ni Cross at tumayo ng ayos.

"Nasa iisa pa ding organisasyon ang mga Freya at Acosta kaya kung sakaling ayaw namin lumikha ng ikakagulo ng organization."

"Pero kung pipilitin mo ako at humarang ka pa din sa dinadaanan ko, hindi na ako magdadalawang isip na tapusin ka." Ani ni Iver bago lampasan si Cross at sundan ng mga tauhan.

"Papa." Bulong ni Casspian ng makita ang bahagyang pagyuko at pagkuyom ng kamao ng ama.

"Papa." Nangingilid ang luhang tawag ni Casspian matapos lumapit sa ama at yakapin ang ulo ni Cross.

Mabigat ang paghinga ng binata habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa galit na namumuo sa dibdib ng binata.

"Pasensya na Cass walang magawa si papa para maibalik ang daddy mo dito." Bulong ni Cross matapos yakapin ang anak pabalik.

Dancing with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon