46

839 36 0
                                    


Chapter 46
3rd Person's POV;
"Caster!" Sigaw ni Arkhon ng muntikan na silang mabangga ng salubungin ng binata ang four wheeled truck.

"Masama ito ayaw tayo tigilan ng mga tauhan ni Allen." Ani ni Caster ng makita ang mga kotseng sumusunod.

Mabilis na kinabig ni Caster ang kotse pakabila at mas binilisan ang pagpapatakbo.

"Fuck it Caster ayokong pumunta sa ospital nang kulang-kulang ang parte ng katawan." Singhal ni Arkhon habang nakahawak ng mahigpit sa seatbelt matapos makitang halos paliparin ng binata ang kotse.

---
*blaag*

Nagpaikot-ikot ang kotse ng may taong tumalon sa kotse at sinaksak ang driver mula sa bubong na kinatigil din ng ilan pang kotse matapos yun humarang sa daan.

"Tama na ang laro, hindi na nakakatuwa." Walang emosyong sambit ng babae bago tumayo ng ayos sa pinakabubong ng kotse hawak ang katana.

Nakasuot ito ng hood na pula at halos mabalutan nun ang buong katawan hanggang sa mukha.

"Sino ka?!" Sigaw ng lalaki matapos bumaba ng kotse at tutukan ng baril ang babae.

"Bakit interesado kang makilala ang magiging si kamatayan mo sa mundong ito?" May nakakalokong ngiti na sambit ng babae hanggang sa may isa pang babae ang lumabas sa kabilang bahagi ng kalsada at may hawak na dalawang katana.

"Patayin niyo sila!" Sigaw ng lalaki pero bago pa nito maiangat ang kamay nagsisigaw na ito ng mahiwalay ang braso sa katawan at umikot sa ere ang dalagang nasa ibabaw ng kotse at sa isang iglap may tatlong tao ang bumagsak at nagpagulong-gulong ang mga ulo nito sa semento.

"Nakakapagtaka biglang nawala yung humahabol satin." Ani ni Arkhon matapos lumingon sa likuran ng wala na yung mga kotseng sumusunod.

"Magpasalamat na lang tayo dahil kung nagkataon na maharang tayo ng mga yun wala na tayong palag." Ani ni Caster bago bahagyang pinabagal ang pagpapatakbo na kinaluwang ng hininga ni Arkhon.

"Gusto ko na makita si Cross." Bulong ni Arkhon matapos tumingin sa labas.

"Ano ng balak mo Caster? Siguradong papatayin ka ni Allen once na bumalik---."

"Sino naman may sabing babalik ako?" Putol ni Caster na kinatingin ni Arkhon.

"Saan mo balak pumunta? Kung lalapit kay kay tito Cadmus siguradong matutulungan ka niya alamin kung sino ang ama mo." Ani ni Arkhon na kinapokerface ni Caster.

"I just wondering kung bakit kita nagustuhan kung ganyan naman kahina ang ulo mo ... dalawa lang ang nagmana sa kapangyarihan ng mga Acosta at alam ko sa sarili ko kung sino talaga ako ... nakita ko na din yung Cadmus na tinutukoy mo at malakas ang kutob ko na hindi siya ang ama ko and by the way wala akong pakialam kung sino mang demonyo ang ama ko." Ani ni Carter.

"Hindi ko alam kung saan ako maiinis sa panlalait mo o sa sinabi mong gusto mo ako. =_=" ani ni Arkhon bago tumingin sa labas.

"Wala ka ng mapupuntahan Carter ang mga Acosta na lang ang---."

"Nabuhay ako ng ilang taon na walang kinilalang pamilya hindi ko sila kailangan at isa pa hindi ako nag-iisa may isa pa akong kapatid." Ani ni Carter.

"Wag mo na rin ipilit sakin ang pagiging Acosta ko kung gusto mo magkasundo tayo." Ani ni Carter na kinabuga ng hangin ni Arkhon.

"Ikaw bahala, pero kung kailangan mo ng tulong andito lang din ako palagi ... malaki pa din ang utang na loob ko sainyo." Ani ni Arkhon.

---
"Iho sigurado ka na bang okay kana?" Ani ng ginang matapos magising ng batang lalaki makalipas ang ilang araw.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now