Chapter 32

906 39 1
                                    


Chapter 32
3rd Person's POV;
"Nasaan ako?"

"Shit!" Mura ni Arkhon matapos mapaupo at mapahawak sa ulo ng---.

Napatigil ito ng makita si Cross na natutulog sa tabi niya hanggang sa may magpop na scene sa utak niya.

"Damn." Mura ng binata ng makaramdam nanaman siya ng kirot.

Pagmulat ng binata bahagyang napatigil ang lalaki ng parang nahihiptonismo siya sa maamong mukha ng binata.

Hahawakan nito anv mukha ni Cross nang biglang magmulat ang lalaki at dahil sa gulat---.

"Argh!"

Nahulog si Arkhon sa kama matapos mapaatras ng magmulat nang mata ang binata at magtama ang tingin nilang dalawa.

"Arkhon!"

Naalimpungatan si Cross ng makitang nahulog sa kama ang asawa na kinatawa din nito ng mahina nang makita ang lalaki.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Cross habang nakasilip kay Arkhon na kinalunok ng lalaki.

"S-Sino ka? B-Bakit ako nandito?" Tanong ni Arkhon na kinabago ng expression ni Cross.

"Tumayo ka diyan malamig sa sahig." Ani ni Cross bago bumaba ng kama na kinatingin ni Arkhon.

"Sino ka?" Tanong ni Arkhon matapos sundan ang lalaki na lumapit sa closet nito at kumuha ng damit.

"I'm your husband." Sagot ni Cross bago lumapit sa lalaki at lumuhod sa harap nito dala ang mga damit.

"Maligo ka muna kakain na tayo." Kalmadong sambit ni Cross na kinakunot ng noo nang lalaki.

"Lalaki asawa ko? Niloloko mo ba ako?" Kunot noong tanong ni Arkhon na kinapokerface ng binata.

"Maliligo ka o ako mismo magpapaligo sayo?" Banta ni Cross na kinatakip ng lalaki sa sarili.

"Lumayo ka sakin, I'm not a freaking gay." Singhal ni Arkhon kay Cross na kinataas ng gilid nang labi ng binata.

"Nor me." Dagdag ni Cross na may ngisi sa labi bago nilapit ang mukha kay Arkhon na unti-unting umatras hanggang sa bumangga siya sa study table na nasa gilid ng kama.

"Maligo kana." Ani ni Cross bago tumayo at binaba ang mga damit sa kama.

Sinundan lang ng tingin ni Arkhon si Cross matapos ito walang imik na lumabas ng kwarto.

---
"Mommy!"

Ani ni Arkhon matapos lumabas ng kwarto at nakita ang ina.

"Arkhon goodmorning." May pagtatakang bati ni Aila matapos siyang halikan sa noo ang anak.

"Daddy."

Napatingin si Arkhon at napakunot ang noo ng makita si Casspian katabi si Hzeck.

"Daddy? Mom may anak ba ako? At sino yung lalaking nasa kwarto asawa ko daw siya? What's going on here?" Nagtatakang tanong ni Arkhon na kinatinginan ng Redtape.

"Arkhon anong pangalan ko?" Tanong ni Percy na kinakunot noo ng binata.

"Bakit mo sakin tinatanong ang pangalan mo Percy--- teka bakit andito kayo lahat? Wala ba tayong pasok?"

"Holyshit."

"Naloko na."

Bulong nina Chase at Iggy ng marinig ang sinabi ng binata.

"Bakit ganun naalala niya tayo pero si Cross hindi?" Bulong ni Iggy.

"Mabuti pa kumain na muna tayo." Ani ni Cherry matapos tumabi kay Cross na nakaupo na sa dining table at tahimik na kumakain.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now