Chapter 11

1K 57 3
                                    

3rd Person's POV;
"Ay bongga may lahi." Komento ng baklang producer ng makita ang batang si Casspian na nagtatago sa likod ni Hzeck katabi si Cross na agad yumuko ng makita ang director.

"Okay Cross, kung hindi ka lang kailangan sa taping at hindi ka pinakiusap ni Arkhon hindi ako papayag magdala ka ng bata dito. Specially madaming wires and props dito delikado para sa bata alam mo naman ang ibig kong sabihin diba?" Ani ng Director na kinatango ni Cross.

"May bantay naman ang anak ko at---."

"Director we're take the responsibility, habang nagtatrabaho si Cross pwede naman kami magbantay sa bata." Sabat ni Lucas na mahinang tinapik si Cross.

"Fine, go to work na guys ... Cross you'll have  5 minutes para magprepare magsstart na tayo since hindi nakapagtaping ang buong grupo kahapon magdodouble time tayo." Ani ng director.

"Naiintindihan ko direk." Ani ni Cross matapos yumuko at ayain palabas si Hzeck at Casspian kasunod ang instructor ng team.

"Hzeck ikaw na muna bahala kay Casspian, wag mambabae." Bilin ni Cross na kinangiwi ng gwapong binata.

"Kuya Cross may Casspian na ako." Banat ni Hzeck na kinanguso ng batang lalaki matapos siyang buhatin ng lalaki at pisilin ang ilong ng alaga.

"Hzeck bata pa ang anak ko. =_= "

"I'm just kidding kuya Cross." Natatawang sambit ni Hzeck.

"Cass wag kang lalayo kay Hzeck okay? Be a good boy kina uncle Lucas." Ani ng binata matapos halikan sa noo ang anak.

"Opo papa bebehave lang po ako and pag may lumapit na girl kay Hzeck I will bite them po." Sagot ni Cass na kinakamot sa pisngi ni Cross.

"Magwowork na si papa bye baby." Paalam ni Cross matapos guluhin ang buhok ng anak.

"Hzeck call daddy, before mag lunch okay?" Bilin ni Cross.

"Okay kuya Cross, break a leg." Nakangiting sambit ni Hzeck na kinabuga ng hangin ng binata matapos guluhin ang buhok ni Hzeck kahit may ilang pulgada ang taas sa kanya.

"Lucas ikaw na bahala sa mga bata." Ani ni Cross na kinatango ni Lucas.

"Don't worry kami na bahala sa kanila." Ani ni Lucas na kinatango ni Cross bago tumalikod at sumunod sa mga staff na sumusundo sa kanya.

'Gosh ang gwapo.'

'Kapatid yata ni Cross.'

'Ang gwapo.'

"Sunod kayo sakin antayin natin si Cross sa next location nila para sa taping." Yaya ni Lucas sa dalawa.

"Uncle Lucas like niyo po ba papa ko?" Tanong ni Casspian na kinatawa ni Hzeck matapos takpan ang bibig ng alaga nang masamid ang binata sa sariling laway dahil sa tanong ng batang lalaki.

"W-What? A-Ano--- oo naman as a friend, mabait kasi Papa Cross mo kaya like ko siya." Sagot ni Lucas matapos ibaba ni Casspian ang kamay ni Hzeck.

"Ikaw na bata ka ang dami mong tanong." Ani ni Hzeck.

Kahit hindi makita ng binata ang mata ni Casspian alam niyang nakasimangot na ito at masama ang tingin sa kanya dahil dun---.

"Aray!"

Natawa si Lucas ng makitang kinagat ng batang lalaki ang guardian niya sa leeg para mapadaing ang binata.

"Hindi na nakakagulat na anak ka ni Cross." Natatawang komento ni Lucas matapos guluhin ang buhok ni Casspian na kinagulat nito ng bahagya ng mahawi nito ng konti ang buhok na nagtatakip sa mata ng batang lalaki.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now