Chapter 27

931 42 0
                                    

3rd Person's POV;
"Naiintindihan ko." Ani ni Navaeh habang hawak ang phone at nakatingin kung saan.

"Yeah, gagawin ko sa mas madaling panahon katulad ng utos mo."

Makalipas ang ilang minuto binaba na ng lalaki ang phone at tiningnan ang babaeng prenteng nakaupo sa sofa na nag angat ng tingin para salubungin ang tingin ng lalaki.

"Kikilos na tayo nagbigay na ng utos si Iver."
--
"Andito ka lang pala." Bulong ng lalaking dahan-dahang binuksan ang pinto matapos maaninag ang binatang kasalukuyang natutulog sa kama.

Dahan-dahang naglakad ang lalaki papasok at kinuha ang unan na nasa gilid ng kama nang lalaki.

Mula sa kabilang bahagi ng silid may lalaking hahakbang palapit sa kama ng may humawak sa binata na kinatingin ng lalaki.

"Easy ka lang Roqas." Bulong ng binata bago tumingin sa lalaki na dahan-dahang inangat ang ulo ni Cross at nilagyan ng unan ang likod nang ulo ng binata.

"Isa siyang Freya." May diin na sambit ng binata.

"Pero mahal niya si Cross, hindi natin pwede pagbasehan ang ala-ala na meron siya at ang titulo ng pagiging Freya para husgahan natin ang hangarin niya kay Acosta."
Ani ng binata matapos tingnan si Arkhon na nilagyan ng kumot ang binata bago humakbang palabas ng kwarto.

"Siya ang dahilan kung bakit namimiligro ngayon ang buhay ni Cross."

"Pinili ito ni Cross, Roqas at alam kong alam niya ang consequence ng pagmamadali niyang ito at pagiging reckless niya."

"Ganito ba kalaki ang tiwala ni Kuya Cross kay Kuya Arkhon kaya pati buhay niya handa niyang isakripisyo?"

"Kung may inaalala man ako, inaalala ko si Arkhon ... sa desisyon niya nakasalalay ang lahat pati na din ang buhay ni Cross."

Cross Acosta's POV;
Hinilot-hilot ko ang batok ko habang naglalakad sa dining area ng studio.

Magdidinner na kasi hindi pa ako nakakain dahil buong araw yata akong tulog ng mag-announce ang director na pansamantalang icacancel ang taping dahil sa bagyo kaya lahat ng staff,crew and cast nagkanya kanya munang uwi o nagpareserve sa malapit na hotel.

And ako andito sa studio ako tumuloy dahil sobrang hassle kung mas lalayo pa ako sa location and mas mabuting nandito lang ako para hindi mahirapan si Cohen na puntahan ako.

"Kagigising mo lang?"
Napahawak ako sa noo ko ng may dumutdot ng noo ko at pagmulat ko nang mata nakita ko si Lucas at Bright.

"Iba ka din naglalakad ka ng tulog?" Natatawang sambit ni Lucas na kinapokerface ko.

"Inaantok ako wag ka maingay." Bulong ko habang naghihikab na nilampasan sila.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Bright.

"Dining area nagugutom ako." Bulong ko bago sinuot ang shades at hood ko nang may ilang staff ang napapatingin sakin at kinukuhanan ako ng litrato.

"Sama ako." Ani ni Lucas matapos ako akbayan na hindi ko naman inabalang pansinin.

Dahil sa wala namang tao sa loob bukod sa grupo ni Arkhon na hindi ko alam na dito din pala nagstay, madali akong nakahanap ng lamesa at umupo since si Lucas nagprisinta na kukuha ng pagkain.

Sumubsob ako sa lamesa at pumikit para matulog kahit sanda---.

*blaag*

Minulat ko ang mata ko ng may humampas sa lamesa na kinuupuan ko.

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo si Arkhon?!"
=_=.
Tinanggal ko ang shades ko bago umayos ng upo at tingnan si Valentine.

"You're portraying your self lady? Wag mo ako igaya sayo na para kang ahas na laging nakalingkis kay Arkhon at hindi ko siya sinusundan." Bored na sagot ko.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now