Chapter 16

999 48 1
                                    

3rd Person's POV;
"Nasaan si Hade, Kyle!"

"Sa tingin mo ba sasabihin ko talaga sayo?"

"Demonyo ka talaga Kyle, minahal ka ni Hade tapos ganito gagawin mo sa kanya!"
Kasalukuyang nagkatutukan ng baril si Navaeh at Arkhon ng---.

"Anong nangyari?" Tanong ng producer ng mapahinto sa pagsasalita si Arkhon.

"Cut!" Sigaw ng director.

"Arkhon anong nangyari?" Nakakunot ang noong tanong ng director.

"Director nakalimutan ko yung line ko."sagot ni Arkhon.

"Tangna." Mura ni Tobi ng muntikan na itong mahulog sa kinauupuan dahil sa sinagot ng alaga.

"Nakalimutan niya?" Ulit ni Nhate na kinakunot noo ni Cross.

"Pasensya na Direk last month ko pa nabasa ang part na ito hindi ko na matandaan yung iba pang line." Pakamot-kamot sa ulong sagot ni Arkhon.

"Manager Revere!" Sigaw ng director na kinangiwi ng manager.
--
Kasalukuyang inaayusan ng make up and hairstylist si Cross ng---.

"Kausapin ko sandali si Cross."
Napatingin sa reflection ng salamin si Cross nang may magsalita sa likuran niya at nakita nito ang manager ni Arkhon.

"Sige po." Ani ng isa sa mga staff bago namumulang mga umalis matapos sila ngitian ng binata.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Cross bago iikot ang swivel chair at harapin ang lalaki.

Matapos magsara ang pinto hindi umimik si Cross ng lumuhod si Tobi at yumuko bilang pag-galang.

His POV;
Kasalukuyan kong binabasa ang manuscript at mga line na kakailanganin ko sa mga susunod na araw nang umupo si Valentine sa katapat kong upuan.

"Mukhang busy ka ah." Panimula ni Valentine.

"Wag ngayon Valentine busy ako." Bulong ko habang iniisa isang buklatin ang manuscript hanggang sa hawakan ako ni Valentine sa kamay na kinatingin ko.

"Masasabi mo pa kaya yan pag nakilala mo ako." Bulong ni Valentine matapos mapako ang tingin ko sa suot niyang singsing.

"Anong sinasabi mo?" Ani ko habang nakakunot ang noong inangat ang tingin ko.

"Arkhon, sa loob ng ilang taon nagsikap at nagtiis ako na hindi ka makita ... Ayaw ng pamilya mo sakin kasi mahirap lang ako kaya pinaghiwalay niya tayong dalawa at itong singsing na ito ang tanda na nagsama talaga tayong dalawa." Ani ni Valentine na kinatigil ko ng itaas niya ang kaliwang kamay at pinakita ang singsing.

"Fiancé mo ako at itong singsing na ito dalawa lang sa buong mundo, yung nasa akin tapos yung sayo ... nangako ka na babalikan mo ako Arkhon pero hindi ko iniexpect na kakalimutan mo talaga ako." Bulong ni Valentine.

"Imposible yang sinasabi mo hindi kita kilala." Nag gigitgit na sambit ko tatayo ako para umalis ng---.

"Arkhon alalahanin mo naman ako ... k-kailangan kita." Napatigil ako ng yakapin ako ni Valentine at umiyak.

"Valentine nasa site tayo, hindi kita maalala at hindi ko alam ang sinasabi mo."

3rd Person's POV;
"Cross anong nangyayari? Kulang na lang baliktarin mo ang buong cabin ... ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Nhate ng makita ang ginagawa ng lalaki.

"Nhate nawawala yung singsing ko." Ani ni Cross na kinakunot noo ni Nhate.

"Anong singsing? Hindi ka naman nagsusuot ng mga accessories diba?" Ani ni Nhate ng---.

"Wait yung wedding ring?" Nanlalaki ang matang tanong ni Nhate ng maalala yung time na pinagmamalaki sa kanya ni Arkhon yung wedding ring na binigay sa kanya ni Cross.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now