CHAPTER 6.5

919 43 7
                                    

Sobrang bilis naman ng story ni Annika- opo paulit-ulit ko pong sinasabi yun.

May story po ba si Akim- opo, pero isa isa lang tayo, kay Annika muna.

Mamamatay ba sila Jake at Nikka- gustong gusto nyo na ba?

May story po ba ang mga anak nila Matti at Luke? - Meron akong naiisip sana lang maisulat ko.

Wala po bang special chapters sila Carleen, Traea at Mara?- Sana magkaroon, pero as of this time wala pa po.

Busy ka po? - Opo! Sobra po.

Pwede po kayo mag message sa akin, walang problema, minsan nakakasagot ako agad pero minsan it takes time :)

Happy Reading!

Annika

Gino's awake already when I come in. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Would I be happy that he is alive? Would I be mad because he got an accident? Mixed emotions ako since I heard he had an accident.

Naiinis ako sa kanya, kasi that night, I already told him not to leave because it's raining hard. Matigas ang ulo ni Gino at hindi sya nakikinig. Sabi nya sandali lang daw at importante. I sighed. Ang sakit sakit na ng ulo ko, wala pa akong tulog, naiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung saan ko pagkukukuhanin ang pera.

"Baby."

"Alam mo ba ang nangyari sa'yo Gino?"

"I am sorry Baby."

"I needed to call Gianna and your parents. What happened to you isn't something I can absorb alone."

"I am really sorry Baby, sorry for not listening to you."

"Hindi ko alam kung paano ka magpapaliwanag sa mga magulang mo. Gianna would be coming later. I already have talked with the old man you've hit. I will still check if the car can be repaired or you need to junk it."

"Baby."

Tumalikod na muna ako kay Gino at lumabas. Umiyak na lang ako ng umiyak sa labas ng kwarto nya. I can't let him see me crying like this but I can't hide all the frustrations I have now.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayuko at umiiyak sa labas ng dumating si Gianna.

"Ate Annika."

"Gi."

"Ate what happened??"

I wiped my tears and sighed.

"Okay na ang Kuya mo. Gising na sya. You can go in.Just please don't tell him I'm crying here."

"Bakit ka ba umiiyak Ate?"

"Nafufrustrate lang ako Gi. Papasok na din ako mamaya sa loob, kakausapin ko pa yung Doctor tsaka pupunta pa ako sa billing."

"Ate, nagpadala si Mama ng 200,000. Yun lang daw kasi ang kaya nilang mabigla. Hindi sila makakauwi kasi yung ipapamasahe daw nila ipapadala na lang din nila. Magkano ba ang bill ni Kuya?"

"Yung sa Kuya mo, kaninang umaga ay nasa 280 thousand na. Yung nabunggo nya, nasa 50,000. Icheck ko lang muna ulit tsaka aayusin ko na yung sa nabunggo ni Kuya mo kasi bukas daw baka release na sila."

"Humihingi ba sila ng settlement Ate?"

"Hindi ko alam Gi, hindi ko tinanong kasi wala naman ako maraming maibibigay. Susubukan ko pa ulit sila kausapin tungkol doon."

"Ate, sorry, pagod ka na ba?"

"Okay lang Gi, pagod lang to. Kaya ko pa."

Pero pagtalikod ko kay Gianna, tumulo na naman ang luha ko.


Gino

"Gigi, asaan ang Ate mo? Have you seen her?"

"Oo, umiiyak sya dun sa labas. Mukhang kanina pa kasi pulang pula na ang mukha nya. Pero sabi nya wag ko daw sasabihin sa'yo."

I sighed. Hindi naman malala ang nangyari sa akin. Well, my right arm is broken. My right leg was cemented.

"Ang lakas ng loob mo magpakasal, wala ka namang ipon. Yung asawa mo, mamatay na kakaisip kung paano babayaran lahat. Nagpadala si Mama ng 200,000 pero bill mo kaninang umaga 280,000 na! May nabunggo ka pa na may 50,000 nang bayarin wala pa yung settlement para hindi ka makulong!"

"Hindi ko naman alam na mangyayari to Gianna!"

"Lalong hindi alam ni Ate no! Kapag iniwan ka nya, deserve mo yun. Ang gago gago mo! Sabi mo pupuntahan mo ako? Hoi Kuya! Nasa bahay ako nung isang araw, paano mo ako pupuntahan?? Saan ka talaga pupunta ha?!"

"Sinabi mo ba kay Annika?"

"Na hindi ako ang pupuntahan mo? Sasabihin ko pa lang! Bwiset ka talaga!"

"Ano ba Gigi! Galit na sa akin ang Ate mo, wag mo na palalain."

"Bwiset ka kasi talaga! Wala kang kwenta! Puro ka yabang. Paano mo ngayon babayaran kila Mama yang 200,000?? Paano yung iba pang pera na hinahagilap pa ni Ate Annika?? Haii nako Kuya! Mahal na mahal ka nung tao! Umayos ka naman!"

I felt so guilty. Annika's doing her best, samantalang ako heto, gago.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo? Bakit ka ba kasi naaksidente?"

"I, haii, Jayson registered me in the university pageant. Ofcourse I don't want. He's blackmailing me na kapag hindi ako sumali, he's telling everybody that I and Annika are now married. Malaki na ang naisakrispisyo ng Ate mo dahil sa kasal namin, dadagdagan ko pa ba. So pumayag ako. During rehearsals, I was set up. Hindi ko alam kung paano but there's a picture of me and Arlene, the College of Management representative kissing. Nagalit ako, I would never do that! Now, they want to pay 5,000 para burahin nila ang picture. Gi, all our money's with Annika. At hindi sya papayag na maglabas ako ng 5,000 para sa non-sense nabagay. I was fighting with him on the phone kasi hindi nya ako sinipot dun sa kung saan dapat kami mag-uusap, then this happened."

"I thought they were your friends, bakit nila ginawa yun sa'yo?"

"When I married Annika, nawalan na rin kasi ako ng oras sa kanila. Lalo na nung inuwi ko na sa apartment ang Ate mo. They got mad that kasi, diba may banda kami. Tapos dinitch ko lahat ng schedule namin kaya hindi na sila makabook."

"Haiii Kuya! You're really really stupid. How now? May dinamay ka pang ibang tao!"

"Dapat alam mo! Alam mo nga magpakasal eh! Ang stupid stupid mo Kuya! Sana iwanan ka na ni Ate Annika!"

"Gigi!"

"Kinuha mong prinsesa sa kanila tapos anong ginawa mo ngayon? Ginawa mong pobre! Ayon ikot ng ikot kakahanap ng pera! Do you know how frustrating it was for her? Hindi sya nagsasabi ng kahit ano pero ramdam ko! She was apologizing to me and to Mama when she called! She was so sorry because she don't know what to do!"

I sighed. Tama si Gianna. She was born a princess and I must not make her less than that.

Gianna stayed to help Annika but my wife stayed quiet. My conscience is killing me now. Kung sana lang sinabi ko na agad kay Annika ang nangyari, this won't end like this. Kung sinabi ko agad, I should not be having nightmares of my wife leaving me.

UnvoicedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon