CHAPTER 9

982 43 6
                                    

Annika

Unti unti, naiiwan ako at nakakalimutan. Ilang araw nga ba akong umiiyak dahil wala akong katabi? Ilang araw nga ba ang lumilipas na ikinakapuyat ko ang pag iisip kung maayos ba sya.

Unti unti, nasanay na akong nagiisa at naiiwan.

Hanggang sa may nakapareha na sya. Masakit na araw araw nakikita ko sa TV na masaya sya kasama ang iba. Nalilink sila at kailanman hindi ko narinig na itinanggi ni Gino ang relasyong iniuugnay sa kanila.

Nauubos ang oras na dapat ay amin.

2nd semester na. Ang tagal umuwi ni Gino. Hindi naman pwedeng hindi ako mageenroll kasi sayang naman ang panahon. Kaya humiram ako kay Kuya Luke ng pang enroll. Sinabi ko kasi noon kay Mommy na si Gino na ang magpapaaral sa akin kaya hindi na ako pinadalahan ng pang tuition ni Mommy. Allowance na lang ang natatanggap ko mula noon. Kaya babayaran ko na lang kapag bumalik sya or maybe, iipunin ko yung allowance ko para maibalik ulit sa kanila itong tuition. Matagal na rin kasing hindi ako binibigyan ng manager nya. Siguro kasi iniba na nila ang usapan. Kung dati sa akin lahat tapos bibigyan ko sya ng allowance na gusto nya kung magkano, ngayon wala na talaga. Kaya naman pinagsusumikapan kong tipirin ang kokonting perang natitira. Bayad sa bahay, kuryente, tubig. Sabagay ilang araw na rin kasi akong walang maayos na pagkain. Kahit di ko halos malunok, natuto na akong kumain ng canned good at instant noodles. Di naman kasi pwedeng araw-araw ay itlog.

Birthday ko nung linggo at malungkot ako dahil may schedule sya. Shooting sa Cebu para sa isang malaking pelikula. Sa telepono ko na nga lamang sya nakausap, nagalit pa sya ng pilitin kong wag syang umalis. Ako pa daw ang hindi nakakaintindi. Tinanong ko sya, akala ko kanta lang, ngayon artista na rin sya. Iniyakan ko na lamang iyon, natapos din naman ang birthday ko nang ganun. Yun nga lamang, lalo akong natakot. Hindi na lamang sya singer. Isa na rin syang artista.

Ipinaghanda ako ng pamilya ko sa bahay namin, masayang masaya ako na hindi nila ako nakalimutan. Maayos naman na kami ng pamilya ko. May gap pa rin naman, hindi yun nawala pero alam kong bukas na sila ulit sa akin. Okay na sa kanila ang presensya ko at nakakadalaw na ako twing umuuwi sila.

Dumaan pa ang mga araw, dumaan ang anniversary namin. Walang ganap. Ni umuwi ay hindi nya nagawa. Unti unti, natanggap ko na ang pagkawala nya sa buhay ko. Napakabilis naman nitong pangyayari.

"Oi Annika, anlaki na ng pinayat mo. Bakit ba biscuit lang kinakain mo?" tanong ng kaklase kong si Nayaka

"Nagdidiet ako." sagot ko

"Ah, eh kasi yung ex mo, artista na. Ang panget nung love team nya. Dapat nagartista ka din. Tingnan mo si Ashley." Nayaka

"Ex?"

"Yung si Gino Locsin. Sus! Aminin mo na ex mo yun diba? parang aso kaya yun dati na sunod ng sunod sa'yo."

I just smiled. So I am now just the "EX". I excused myself at nagsimula na maglakad pauwi. Malayo layo din ang apartment mula dito sa school pero ano namang magagawa ko? Mahal magtricycle. Wala naman ibang means ang pauwi.

"Hui, uuwi ka na pala, halika, hatid na kita!" Yaya ni Nayaka

"Wag na Nayaka, keri ko na to."

"Ui Annika, masama yang super diet tapos super excercise ka pa."

"Okay lang talaga, byeee Nayaka!"

Patuloy akong naglakad. Gutom na gutom na ako. Kaya nagluto ako agad pagdating ko. Kung makasabi naman ako ng nagluto eh itlog na prito lang naman ang maluluto ko.

"Hi Baby." Masayang bati ni Gino.

May dala pa syang bulaklak. After a 2 months and 1 week ngayon lang sya dumating. Sa loob ng 2 buwan at 1 linggo, wala syang paramdam at bigla na lamang syang umuwi dito.

UnvoicedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon