CHAPTER 28

1.1K 60 18
                                    

Gino

"Ano bang nangyari sa'yo?? Saan ka ba nagpunta? Ang tagal mo nawala. Tapos andami daming picture na may kasama kang babaeng buntis abroad. Hirap na hirap na kaming pagtakpan ka."

"Tapos si Mamu, hinahanap ka kasi kulang isang buwan, maeexpire na talaga ang kontrata mo sa network at dalawang linggo na lang kay Mamu."

"Talaga ba?"

"Bakit parang masaya ka?"

"Wala, may trabaho ba ako ngayon?"

"Meron, may guesting ka sa Show It, mamayang 1pm."

"Oh, eh halika na, magayos na tayo. Baka malate tayo nyan."

"Okay ka lang ba talaga Gino?"

I just smiled at them and focused on work. Excited na akong makawala sa kontratang sumira ng buhay ko. Sa ngayon, tatapusin ko na muna lahat ng commitments ko para matupad ko ang pangako ko sa anak ko.

I check my phone's wallpaper. Ganda ganda talaga ng Kiera ko.

I excitedly went to the studio, masaya akong nakipagkulitan sa mga hosts, nagustuhan pa nga nila ako at kinausap ako ng Director if I would want to be a regular. Sabi ko lang ichecheck ko kasi wala naman ako balak na magtagal pa sa industriyang ito.

I was on my way out when I had an ambush interview.

"Gino, matagal ka nawala, madalas ka din MIA, totoo ba na may nabuntis kang ibang babae?"

"Hindi po totoo yun."

"Bakit matagal kang nawala?"

"Hindi naman po lingid sa alam ng lahat na naoperahan po ako sa puso. I had mild attacks lately that I need my doctor who was in Germany."

"Same doctor po ba ito na nalilink sa inyo?"

"I have no idea. I have been busy on my therapies na bawal ako sa news so I had no idea sa mga bagong tsismis sa akin. I would get back to you kapag pinayagan na ako magbasa ng showbiz news."

Everyone laughed.

"Gino, may usap usapan na break na daw kayo ni Amber at wala ka daw balak panagutan ang anak nyo, totoo ba yun?"

"Alin po ba dun ang tinatanong nyo kung totoo?"

Harold and KC hurriedly pulled me out of the press wave.

"Ano bang ginagawa mo ha Gino?"

"Alin?"

"Ayan, bakit ka nagpapainterview?"

"Naambush ako eh, wala naman ako sinabing masama ah?"

"Haii nako Gino, hindi ka namin maintindihan."

"Edi wag nyo ko intindihin."

"Haii Gino."

"Ano pa nga pala ang mga pending ko? Bigyan nyo naman ako ng kopya."

"May sakit ka pa nga ata."

I tapped KC's shoulders and smiled then I browse on my list of works to do.

"KC, lahat ng bagong series, bagong endorsement, basta lahat ng bago ayaw ko gawin."

"Gino, hindi pwede."

"Bakit?"

"Ano ka ba naman! Syempre patay tayo kay Mamu."

"Wag mo na lang muna sabihin KC, basta tatapusin ko lahat ng pending. Pwede pa tong mga guestings pero no more new movies, new singles, new anything."

UnvoicedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon