CHAPTER 22

954 47 4
                                    

Let's all pray for all the victims of this typhoon Ulysses. My heart is so sad seeing my newsfeed :(

Anyway, here is an update.


Gino

"You're so good from our last shoot but I am hoping for an extraordinary work today para matapos na natin."

"Thank you po Direk. Makaaasa po kayo"

"Last two shoots na lang tayo."

"Opo nga Direk. Salamat po."

"The execs wanted to extend the show, ako yung may ayaw. I have another movie. Maganda ang story. I want you to be there. Kaya lang, hindi si Amber ang love team."

"Wala naman pong problema yun Direk."

"Kaya lang, hindi pa rin namin nacoconvince yung kapareho mo dito. Matigas din kasi ang ulo nya."

I smiled.

"Sino po ba?"

"Si Ashley Dizon"

I laughed as if I am happy.

Well, Ashley hated me so much. She was Annika's best friend. At malamang she feels the same remorse as Annika does.

"Naku Direk, papirmahin mo muna si Ashley bago mo sabihing ako yung kapartner nya."

Direk Jay also laughed.

"I am hoping that she will accept this. This is my last movie before I retire that's why I want only the best people to be casted."

"Ako din Direk, gusto ko na magretire."

"Ang bata mo pang magretire Gino. Magaling ka, marami ka pang magagawa at malayo pa ang mararating mo."

Direk Jay let me rest for a while before we roll.

I sighed. Artista naman ako, sanay akong umarte pero ngayong panahong ito, napapagod na ako dahil gamit na gamit ang pag-arte ko hanggang sa likod ng camera.

I checked my phone and the video I took yesterday. It's Annika singing to her baby girl.

We shoot nearby when I saw them, kaya kahit masakit, I stalk them right after Direk announced the break. They are having a family date. Kamukha nung anak ni Annika ang Daddy nya, ibig sabihin, mas mahal ni Annika yung ---ang hirap sabihin.

Ang hirap talagang tanggapin ang lahat. Na kahit ang dati nyang kinakanta para sa kin ay di na akin.

Annika is happy now, I think I should learn to let go. Hindi na kailanman babalik pa sa akin si Annika.

"Gino!" Biglang pumasok si Amber sa tent

"Amber, nagpapahinga ako."

"We need to talk!"

"Aren't we talking?"

"Gino, we need to talk seriously."

"Amber, can we please talk after we wrap up? Gusto mo bang sirain ang mood at focus natin bago magshoot? Last 2 na ito. Tapusin na muna natin."

"But Gino."

"Later."

Amber left and I finally had my peace. I kept replaying the video until I can feel my heart's content.

The last two shoots was extremely good. Lahat siguro ng tao, excited na matapos ito. Sabagay, last 2 weeks na lang din naman ang run ng evening drama namin.

"And it's a wrap guys! Maraming salamat!"

Everyone was extremely happy. At dahil sa success na to, one of the cast invited us to his restaurant to celebrate. Dahil maraming tao at may media, I let Amber be a girlfriend for a show. Matagal naman na namin itong ginagawa kahit na sawang sawa na ako.

UnvoicedWhere stories live. Discover now