CHAPTER 15

1K 44 7
                                    

Wag tayo masyado hot kay Gino kasi hot talaga sya. Haha. Di ako makaconcentrate sa pagsusulat, masyado akong inaakit ng Kdrama.


Gino

I am happy that my heart surgery was a success but I am happier that Annika is just around and I got to be so near her.

All I pray is for us to have a chance. If not a chance to be together at least a chance to talk. Pareho pa rin ang nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon. Si Annika pa rin, at si Annika lamang.

I excitedly went inside in disguise so people won't notice me.

I settled in a secluded area near Annika's clinic. Nakakatuwa, ang dami dami nyang pasyente. Ibig sabihin, magaling talaga syang doctor.

I was excited and happy waiting for my turn when two nurses stood up near me and had a chit chat.

"Anak daw ba ni Doctora Seigfreid yung bata?"

"Hindi ko matanong, nakakahiya eh."

"Hindi nya kamukha ano?"

"Oo. Maganda yung bata pero kung naging kamukha sya ni Doctora, mas maganda sana yung bata."

"Eh baka naman kamukha nung Daddy."

"Daddy ata nya yung bagong Doctor na dadating"

"Yung specialist sa Infectious Diseases?"

"Oo, yung kasama din ni Dra Seigfreid kahapon."

"Hui! Ang gwapo nun! Tsaka sobrang linis tingnan girl!"

"Bagay sila no?"

"Sobrang perfect naman nilang couple!"

Si Annika lang naman ang Doctora Seigfreid dito diba? Ang alam ko lawyer yung asawa ni Doc Luke, nurse naman yung kay Matti at unless doktor ang naging asawa ni Akim.

Hirap na hirap ang isip kong tanggapin ang naririnig ng tenga ko. Pero kung si Annika nga ang pinaguusapan nila ibig sabihin, may anak na si Annika?? Anak ko ba? Pero bata, kung anak ko dapat binata o dalaga na! Kasal na ba sya sa iba? Pero Seigfreid pa rin naman ang surname nya. Haii.

I tried dismissing all these information in my head. This won't help. Hindi naman yun confirmed. Baka mamaya anak yun ng mga kapatid nya. Baka kaibigan nya lang yung kasama nya kahapon.

I was scheduled to be checked up by Annika at 1:00 pm. Sabi ng secretary nya last patient daw ako para hindi takaw atensyon. When I entered the clinic, I saw a cute little girl playing beside Joy, Annika's secretary.

Unti-unting nadudurog ang kagagamot ko lang na puso but I need to face her happily. I need to show her that she's successful in healing me.

"Ay, sir, mayroon pa pong nasa loob tapos kayo na po."

"Salamat."

In fairness din naman dito kay Joy, never nya ako tinext ng hindi tungkol sa pagpapacheckup. Ako pa nga ang nangungulit sa kanya ng tungkol kay Annika.

Nakuha muli ng batang babae ang atensyon ko, siguro apat o limang taon na sya. Mukhang inip na inip na yung bata sa tabi ni Joy na nangungulit sa kanya at tanong ng tanong.

Naisipan kong kausapin ang bata. Wala naman sigurong masama.

"Hello."

"Hi."

"You're waiting for your Mom?"

She nooded. Magandang babae yung bata. Mukha nga syang manika at mukhang imported.

UnvoicedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon