CHAPTER 31

1.2K 54 14
                                    

Annika

"Umiiyak ka pa rin?"

"Alex.."

"Baka pag labas ni baby mukha na syang sibuyas. Please stop crying already."

"Hindi ko kaya Alex."

"Sinabi mo na rin yan dati eh."

Hindi ko talaga kayang pigilan. Kaya patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Aii nako Annika, kaya kayo nababash ni Gino eh."

Alex wiped my tears.

"Alam mo sabi ko, sana di kasing tanga mo ang baby nyo pag laki nya. Parang mali ang hiling ko. Kasi Annika, hindi kayo tanga. Nagkataong masyado kayong bata kaya naloko kayo. Masyadong malaki kasi ang pagmamahal nyo sa isa't isa na kaya nyo magsakripisyo ng higit pa sa dapat."

"Your children should really be proud of you both. 20 years, 5 years together, 15 years apart and still, ang isa't-isa pa rin ang nag-iisang mahal nyo."

"Alam mo, many would not understand. Some may throw bad comments about you and your love. Pero ako Annika, supporter mo ako. Because you cannot always find as loyal as the both of you in this lifetime. Your love is stronger than any desire."

"Alex..."

"I'll stay for awhile Annika, I'll stay until you can stand without crying again."

"Thank you Alex,.."

"Sam, Me and Lexi will always be here with you and Gino."

Even with tears in my eyes, I smiled at Alex.

"Here"

"Ano to?"

"This will be Gino's last album. Shunga din kasi yang jowa mo. Di nya knows na boy din ang type ko. Ibinigay nya sa akin yan."

"Last album?"

"He planned his retirement already Annika, his last song, he gave it to me. That stupid boy. Pakinggan mo ang kanta ha? Pero wag na masyado iyak-iyak. Ipapasok na nga rin kita sa showbiz pag ganyan ka."

Si Alex talaga. When he left, I played the music player.


Sabi nga ng iba

Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo

Hahayaan mo na mamaalam...


"Napakadaya mo talaga!"

"Why did you just say sorry when you knew I was at fault too?"

"Why did you take all the blame? Why didn't you speak up??"

"Why did you just give up, when all my life, I was waiting for you to come back. I was just waiting for you, and will always be waiting for you."

"Why did you just give me away and not fight for me?"

"Napakadaya mo! Naiinis ako sa'yo."

"Wala naman akong ibang minahal, wala naman akong ibang gustong kasama. Wala namang iba Gino. Ikaw, ikaw pa rin at ikaw lang."

"Sabi ko naman sa'yo eh, hindi dapat tayo nagtiwala sa iba. Hindi na dapat kita pinayagan. Hindi na dapat tayo naghangad pa ng mas marangyang buhay. HIndi sana tayo nagmadali. Nasira nila yung buhay natin. Gumising ka jan, gumising ka, lumaban tayo. Ilaban natin ito Gino."

"Gino, huwag tayong maghiwalay ng ganito. You need to wake up, we need to talk. Ikaw ang dapat magmahal sa akin, ang dapat mag-alaga. Ikaw dapat yun."

UnvoicedWhere stories live. Discover now