CHAPTER 25

1K 54 12
                                    

Gino

Today's my first check up with Dra. Nayaka. Kahit naman ayoko magpalit ng Doctor, wala akong magagawa. Annika already left the country a week ago. Iniwan na nga akong tuluyan ni Annika na hindi ko man lamang nalaman kung bakit kami naghiwalay.

"Hi VIP patient."

"Hi, Doc."

She just smiled and check me up. Hindi ko malaman kung gusto ba ako ng doktor na ito o ayaw. Napakasarcastic sumagot sa lahat ng tanong ko. O di kaya may mga simpleng banat sa lahat ng sinasabi nya.

"You look good but I know you are not okay. Tell me, do you work too much?"

I was taken aback by her question.

"I need to do that Doc." simpleng sagot ko

She had a loop sided smile.

"Grabe ka naman magtrabaho, bawasan mo yan kasi hindi yan maganda. Baka di mo abutan ang anak mo kung ganyan ka magtrabaho."

Wala naman akong anak na aabutan. Hindi ko anak yung anak ni Amber, impossible dahil yung week na dapat may nangyari sa amin, nasa ospital ako nun at nakaconfine pero higit sa lahat, never naman na may nangyari sa amin.

"Gino, curious lang ako ha. Tutal tayo na lang namang dalawa, tell me, do you still like Annika?"

Hindi ako sumagot, baka mamaya ikapahamak ni Annika.

"Nanghihinayang ako kasi, sa lahat ng iniyak sa'yo nung babaeng baliw. Back then, she was so in love with you that she made you her whole world. She crushing her ownself to fill your gaps. Napapagusapan nga namin dati yang si Annika, parang nabaliw nung maghiwalay kayo."

"Hiwalay?"

"Nung naging artista ka na, diba? She was so lonely and sad that she chooses to be alone. Hindi nga kasexyhan si Annika noon, but she was really beautiful. Nung tumigil ka na at di na kayo nakikita ng mga taong magkasama, maraming nagtangkang manligaw kay Annika kaya lang para namang naging mute ang taong yun. She even did not attended the college graduation kahit cum laude sya. After finals, nawala na lang sya ng tuluyan. "

"At pagbalik nya, nagulat na lang kami, napakalaki ng pinagbago nya at mabuti naman natupad nya ang pangarap nya. She's been a really good doctor. 10 years na syang doctor at 100% ang survival rate ng pasyente nya."

"Well, that goes with you too. Kaya lang kawawa talaga si Annika sa inyong dalawa no? Hanggang ngayon, sya pa rin ang nagsasakripisyo. Imagine the hate of your fans dahil sinasabi nilang sya ang third party nyo, while all she do is mend your heart? Pinuntahan pa sya ng girlfriend mo dito ha! "

"Haii, sorry ha. Pakialamera ba? Hindi kasi ako kasing bait ni Annika, kapag may nangbash sa akin, kakasuhan ko lahat kahit pa fans mo silang lahat. "

"Do it, hindi kita pipigilan. "

"Okay good. Pero back to normal programming, pogi, bawal ka pang mapagod ng husto ha? Yang puso mo, inayos yan ni Annika kaya pag-ingatan mo yan. "

I smiled at her.

Kasalukuyan kaming nasa shooting ng pelikula namin ni Ashley. Last few scenes na lang naman daw at tapos na kami. Mamaya ngang gabi may guesting kami para sa promotion ng pelikula.

"Gino, anjan si Amber." Bulong ni Harold

"Dalahin mo na lang sa tent. Baka magiskandalo pa yan dito." bulong ko kay Harold

"May dalang mga pagkain na ipinamimigay nya sa staff at cast." Harold

"Hilahin mo na yun at siguraduhing nasa tent na sya. Hindi dapat yun nakakausap ng maraming tao."

UnvoicedWhere stories live. Discover now