XXXV- Apnea

1.2K 40 42
                                    

If there is one thing I developed in this relationship, then it would be overthinking.

Hindi talaga ako nakatulog ng ayos. Nag-tatalo ang rational at irrational side ko. Gustong gusto ko intindihin yong nangyayari e pero kasi, sana may limitation sa friendship dba? Lalo na kung merong gaya 'ko' na girlfriend na.

Bakit kailangan nilang mag-tabi sa kama?

Naiisip ko na baka lumalabas na naman yong issue ko dati sa kanila without having enough proof. I really felt so bad before dahil sa mga naiisip ko tapos eto, umuulit na naman.

Dapat ko intindihin dba? Barb's not in good condition.. pero bakit naman ganon?

Hindi ko tuloy napigilan hindi mapa-search kagabi kung ano bang effect kapag depress ang isang tao at ano mismo ang kailangan nila. I wanted to understand them, pero sadyang mahirap.

Hindi ko naintindihan yong movie na pinapanood namin, parang buong oras na katabi ko siya lumilipad lamang ang utak ko sa nangyayari sa amin. Hindi ko alam kung may iba na ba, may hindi na tama o ano..

Napatingin ako sa kanya, nakatingin lamang siya sa unahan pero sigurado ako na nasa iba ang isip niya. Wala sa pinapanood namin.

Sa totoo lang, gustong gusto ko ulit siya tanungin. Kung magkatabi ba sila kagabi, kung bakit hindi Mama niya ang tumingin kay Barb, kung okay lang ba kami.. madami. Sobrang dami na inuunahan ako ng takot, ayokong lumabas na wala akong tiwala.. ayoko ding marinig ang sagot.. ayoko din masira tong date namin. Ngayon na lamang ulit kami magkakasama ng ganito.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya bago bumuntong hinga, saktong nagbukas ang mga ilaw. Tapos na pala ang movie.

Tumingin siya sakin at tipid na ngumiti bago tumayo, he offered his hand and I willingly took it. Hawak lamang niya, he never pressed it.. hindi din mahigpit..

May nagbago na ba?

Damn me. I am overthinking again!

Nailing ako saglit, medyo nagpahuli lamang kami sa paglabas. I should enjoy this day, we should.

"So, did you like the movie?" I asked nang makalbas kami sa cinema.

"It's great." Then he cleared his throat, eyes roaming around. "Ikaw? Nagustuhan mo?"

"Quite." I replied. Hindi ko naman kasi talaga alam ano ang mismong nangyari.

I was expecting na magke kwento siya or something pa but he remained silent. I just shrugged it off, we have those days na parehas lamang naman kami tahimik pero ngayon kasi.. weird lang talaga na hindi siya maingay lalo na't ang tagal namin hindi nag-kasama ng ganito.

Nasanay lamang siguro ako na kapag mag-kasama kami masyado siyang lively. Maybe he's tired.. physically.

Napatingin ulit ako sa kanya, I pressed his hand kaya napatingin din siya sakin. Hinigpitan ko lamang ang hawak sa kamay niya bago muling tumingin sa dinadaanan namin.

**

"So what's your plan this vacation?" I asked before sipping on my float. Tig-isa kami ngayon which is kinda weird.. mula kasi nong first time na mag-hati kami sa float palagi na namin ginagawa. Parang hindi ko na tuloy ngayon kayang umubos ng isang buong float.

Siya kasi ang um-order, pag balik niya dalawa ang dala niya. Hindi ko na tinanong kung bakit hindi isa lang. Baka natatakam siya ngayon sa float.

He shrugged, "I don't know. Take care of.." he glanced at me as he cleared his throat. "Nothing, really."

Tumango lamang ako at pinalagpas ang dapat ay sasabihin niya. I don't even need to ask kung sino o ano ang aasikasuhin niya because I very well knew the answer. Tinapos ko ang pag-nguya sa chicken bago muli umimik. "We're going to Japan sa isang araw. Charlie requested." Pagke kwento ko.

Winning HurricaneWhere stories live. Discover now