XLIV- Angioplasty

1.5K 47 33
                                    

"What the hell is wrong with you?"

Agad napaatras si Cyclone pagkapasok na pagkapasok sa office niya sa gulat, he raised both his hand, eyes questioning. Ugh, sobrang immune na ako sa 'inosente' effect niya. Palagi na lang!

"You gave him my key?" I asked in a calm yet really irritated voice.

I really wanna blame him for everything that had happened last night! I am sure as hell it's Cyclone's doing kaya nakapasok si Cane sa loob ng unit ko. Siya lamang naman and si Ansel ang may duplicate key sa unit ko, and I am confident Ansel wouldn't betray me like that!

Bigla siyang napatawa at napailing, parang nang-iinis pa habang lumakad papunta sa table niya. "Yon lang pala, kala ko naman."

Omg. Nalimutan na ba niyang ayoko ng makita pa si Hurricane? Lalong lalo na sa mga sitwasyon na vulnerable ako. Gusto kong sabunutan si Cy but I restrained myself. Madalas talaga, kapag sila ni Ansel ang kasama ko pakiramdam ko nasa high-school pa din kami. Yong inis ko at saya nila hindi nagbabago!

"Why do you have to do that?"

Umupo siya sa swivel chair at relax na relax na nakatingin sakin. Smile still teasing. Guard.

"Well, you told me to bring your papers sa unit mo sakto na Hurri barged in my office asking about you." He shrugged na para bang walang big deal!

Alam ba niya ang nangyari dahil sa ginawa niya?! Tabi kaming natulog ng kapatid niya. Tabi. Like who the hell in their right mind would lay beside their ex?

Hindi ko sure kung sarili ko o si Cy ang gusto kong hampasin sa inis.

And.. "Why would he ask about me?"

Cyclone brows wiggled, like telling me he knows something I didn't know. Oh geez, ilang beses ko ba kailangan tanungin ang sarili ko bakit hanggang ngayon mag-kaibigan pa din kami at tiwalang tiwala ako sa kanya?

"He asked me if you're sick, halata daw sayo nong nag-kita kayo when he picked up Martine."

My brows furrowed. Eyes challenging, "Then why do you gave him my key?"

"It's not your key. It's my duplicate key to your key."

Ugh.

"Just stop shitting me, Cy."

He chuckles, "Bakit ba galit na galit ka? Kalmahan mo lamang, puso mo lumalabas oh!"

Pakiramdam ko lalagnatin ulit ako habang kausap si Cyclone. Tinitigan ko lamang siya, iniisip paano ako makakaganti sa ginawa niya.

Sa ilang taon naming mag-kaibigan natuto na akong patulan ang bawat kalokohan nila.

He laughed shaking his head before turning serious, "Because you were sick and I can't take care of you now that I have my own family to take care of. And, pinadala ko nadin yong papers." Then he grinned again, "Aasa na ba ako sa 'come back'?"

"Shut up."

I told him before turning around, hurriedly walking towards the door.

"By the way, it's my son's first birthday this weekend! It's your day-off!"

Hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy lamang sa pag-labas. I glanced at my wristwatch to check the time, right, I wasted 10 minutes of my life talking to Cyclone.

"Doc,"

Napatingin ako kay Janella na biglang sumabay sakin sa pag-lalakad. Ngayon ko na lamang ulit siya nakita since her grand announcement na engaged na siya.

Winning HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon