XLVII- Chills

1.6K 49 30
                                    

I rolled my eyes nang makita na naman ang sasakyan niya sa harapan ng hospital. Ilang gabi na niya ako laging inaantay kahit may sarili akong kotse. Hindi naman niya ako pinipilit na ihatid, he even asks for permission if okay lamang kahit sabay lang just to make sure I'm home safe and hinahayaan ko lamang siya.

But I rejected him already. Again.

Maybe seven years was too long pero hindi din naman ganon kabilis bumalik sa dati.

He doubted his love for me once..

It's really quite scary to take another risk with him.. kahit sinabi niya na he remained in love with me for the past years.. it doesn't change the fact that we didn't made it the first time, what's the difference now?

Yes, he explained. But that's just it for me.. for now.

We had our one chance and we lost it.

I really don't think I am ready to give him another one agad..

Mahirap mag-simula ulit sa bagay na matagal nang piniling tapusin.

Nakita ko siyang agad na bumaba. He's wearing a white dress shirt; his sleeves were rolled up to his elbow perfectly. His hair's a bit messy, I bet from brushing it using his hands the whole day.

He was smiling widely with that familiar glint in his eyes as he walks towards me.

And I hate how I suddenly felt relaxed just by seeing him again tonight.

This is the proof when I said my body's betraying me. Hindi talaga sumasangayon ang buong katawan ko sa sitwasyon lately.

"Hey," he called nang makalapit sakin. May hawak hawak siyang paperbag. It's from the Japanese restau nearby. Hindi ko alam bakit bumibili padin siya ng pagkain kahit tinatanggihan ko lang siya ng paulit ulit. "How's your day?"

Dumiretso ako sa pag-lakad pero binagalan ko lang. "Fine." Tipid kong sagot. Sumasabay siya sakin sa pag-lakad.

I glanced at him again, he looks exhausted from work. Ang balita ko may improvement na ang case nila. May witness and evidence, sabi ni Martine malakas ang laban nila pero delikado.

Dalawa lamang ang mismong humahawak ng case, si Hurricane at si Martine pero the rest ng kaibigan nila ay tumutulong. They really won't stop without giving Miguel and the rest of the victim justice.

"Kumain ka na?" he asked again, medyo inangat ang paper bag na hawak.

"Yes." Kahit hindi pa. Bigla akong natakam sa dala niya kahit hindi ko pa nakikita.

He cleared his throat, "Uh.. para sa'yo talaga to. Hindi ko din naman makakain sayang lang."

"Then next time wag mo na akong dalhan ng pagkain."

Hindi siya umimik, kinuha lamang niya ang kamay ko para ilagay don ang paper bag. Ibabalik ko sana pero yong mata kasi niya.. masyadong nangungusap. I groaned at tinanggap na lang. Napangiti siya. Yong ngiti na parang biglang natanggal ang pagod. Nakakagaan. Nakakahawa.

Umiwas agad ako ng tingin hanggang sa makarating kami sa kotse ko.

"You should rest, wag mo na akong sabayan hanggang condo." I nonchalantly said as I fished out my key fob.

"But.."

Napakunot ang kilay ko ng mapansin ang sticky note na nakadikit sa may windshield. Kinuha ko yon at binasa. My eyebrows instantly furrowed when I recognized Cy's freaking handwriting.

Padala ko bagong gulong bukas :)

Agad akong napatingin sa gulong ko and it's freaking flat! It's flat! What the hell is wrong with Cy?!

Winning HurricaneOnde as histórias ganham vida. Descobre agora