XLII - Malaise

1.5K 55 28
                                    

I glanced at my wristwatch to check the time. Pakiramdam ko kasi limang oras na akong naka-upo dito pero wala pa palang ten minutes mula ng dumating si Hurricane at umupo sa tabi ko. Kating kati na akong tumayo at umalis.

Nakakahiya lang na mag-paalam agad!

Bakit ba kasi dito siya sa tabi ko umupo? Like, hello, super vacant yong upuan sa tabi ni Barbara.. and it's really awkward na dito niya napili pa sa tabi ko.

I heaved a sigh the same time he cleared his throat. Pinipigilan kong lumingon sa kanya. Deretso lamang ang tingin ko sa unahan.

He's too.. near. It's really awkward.

Like, seven years kaming hindi nag-kita o nagkasama.. there's a part of him that felt familiar but something changed. May nagbago na sa kanya. Sa akin. Sa aming dalawa.

And we ended everything badly..

I think it's enough reason to say why I feel so uncomfortable right now.

"Chandy, you want coffee?" Patty asked. Napatingin ako sa kanya bago umiling.

"No, uh, kailangan kong maaga bukas sa hospital." I replied with a small smile.

"Oh yes, kumusta pala ang buhay surgeon? Surgeon right?"

"Yes."

She nodded before glancing at Hurricane, "Are you in a relationship now?"

"Uh, no. I'm too busy."

Her eyes travelled once again to Hurricane before smiling at me. "That's good." She shrugged before shifting the topic, hindi ko man naintindihan kung bakit 'good' na single pa din ako ay hindi ko nalang pinakaisip pa. I was somehow glad she shifted the topic at hindi na tumalikod sakin.

From time to time, nararamdaman ko si Hurricane na parang hindi mapakali sa silya niya. Hindi ko mapigilan hindi mapaikot ng mata. Kung bakit ba kasi sa tabi ko pa umupo? He seems uncomfortable too..

"Anong oras pala ang work mo bukas?"

"Four A.M." I answered as I glanced at my wristwatch again.

Wow. Mabilis talaga ang oras kapag may kausap no? Halos 20 minutes nadin kaming nag-uusap ni Patty, siguro naman pwede na talaga akong umalis? Hindi lamang naman dahil katabi ko si Hurricane but because maaga talaga ang pasok ko bukas. Dahil nag-leave ako, ngayon lamang sana ulit ako makakatulog ng ayos.

Wala pa akong matinong tulog lagi. Wala din akong matinong kain, sobrang dalang lamang na maayos ang pag-aalaga ko sa sarili ko.

"Oh, it's already 9. Maaga ka pa pala bukas."

"Yeah, uh, I should go Patty."

"Sure."

Nag-paalam lamang din ako kay Casper bago tumayo. Hindi ko na binigyan ng tingin si Hurricane o si Barbara.. damn, I don't know what's wrong with me pero ayaw ko na silang tignan lalo na sa iisang lugar.

Dire deretso lamang ako sa pag-lalakad hanggang makalabas ng mapansin kong may nakasunod sakin. Napalingon ako at nakita si Hurricane pero hindi naman siya sakin nakatingin.. nagkibit balikat lamang ako at naglakad papunta sa kotse..

He's still tailing me.

I stopped just in front of my car to ask him why he's following me nang buksan niya ang isang BMW sa tabi ng kotse ko. Oh, wow.

Napalingon siya sakin at nag-angat ng isang kilay. I tried.. I really tried na deadmahin na lamang siya pero hindi ko napigilan hindi mapasiring bago pumasok sa kotse ko. Ugh! Kasi naman, bakit ko ba naisip na kakausapin niya ako kaya siya nakasunod?!

Winning HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon