7

2.6K 106 38
                                    

Maiingay na katok mula sa pinto ang nagpagising sa'kin. Marahang kinusot ko muna ang mga mata bago tuluyang nagtungo roon.

"Po?" I asked, si Manang ang nandoon

"Nasa baba si Nathan Iha"

Kunot noo akong tumingin kay manang bago bumaling sa orasan na nasa tabi ng kama ko.

"Huh? It's just 9:00 pm Manang?" I asked doubtly

"Bakit akala mo ba umaga na iha? Alas nuebe palang talaga ng gabi. Babain mo na do'n si Nathan at kumain ka na rin" natatawang sagot naman ni Manang

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya pababa.

I smiled at Nathan when I saw him.

Nakaupo sya sa pang isahang sofa at inililibot ang tingin bago tuluyang mapadako sa'kin. Napatuwid sya sa pagkakaupo nang makita ako.

"hey...good evening babe. Why are you here?" I asked softly

His eyes widen on what I'd said. I sat in the chair infront of him smiling. Why he seemed so amazed with my actions?

"Sorry..." He uttered while looking at me

I slightly paused because of that. Sorry for what?

Nang maalalang magkagalit nga pala kami ay halos batukan ko na ang sarili. How the hell did I forget it? Shit naman ang utak kong 'to. Pahamak. Umayos ako ng pagkakaupo at muling tumingin sa kanya.

I cleared my throat and raised a brow.

"Oh tapos?" Mataray na bawi ko

Nakakahiya!

Nag iwas tingin sya. He bite his lower lip and smile amusingly. His eyes are mocking at me na para bang aliw na aliw sa iniakto ko.

"It's late, tutulog na ako kung wala kang sasabihin" banta ko para magseryoso sya

I'm somehow embarrassed. Parang gusto ko nalang lamunin nitong sofa dahil sa ginawa ko.

"Kain ka na muna" sagot nya sa mababang tinig

"Hindi ako gutom" pagmamatigas ko

Bumaling sya sa'kin at gano'n rin ako. Nagsusukatan kami ng tingin at animo'y ang unang magbaba ng tingin ay matatalo sa kung ano. And of course I wouldn't let him defeat me! Sya ang may kasalanan kung bakit kami nag away.

"Bakit ikaw na bigla yung galit?" Hindi makapaniwalang tanong nya

"Ikaw lang ba may karapatang magalit? Atleast ako may dahilan ang galit ko, di kagaya mo" sumbat ko sa kanya

Nagtaas sya ng kilay tsaka pinasadahan ang buhok ng kanyang kamay.

"Imbes na tanungin mo ako kung bakit ako nagagalit mas pinili mong magalit din...." Nangongonsensyang pahayag nya

"Ngayon ako yung nagso-sorry kahit hindi ko naman kasalanan"

He sighed deeply and shaked his head a little.

Napanguso nalang ako sa sinabi nya at medyo napahiya kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.

"But I asked you...." Halos pabulong na sagot ko nalang habang pinaglaruan ang sariling daliri

"Dalawang beses mo lang akong tinanong, di mo man lang tinatlo para maramdaman kong interesado ka talaga na malaman ang ikinagagalit ko" a combination of grouch and chide in his tone is very vivid

"Edi sorry na..." nakangusong sagot ko, parang batang pinapagalitan ng magulang.

I slowly lift my head and look at him. He's directly looking at me. Iritado pero kita rin doon ang isang silay ng ngiti na pinipilit nyang itago.

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon