8

2.4K 107 18
                                    

"Morning" bati ko ng makalapit sa upuan namin. Rox and Lycy are already here,I wonder what they did while I'm not around. Nag uusap kaya sila pag ganoon?

"Morning" sabay nilang bati. That caused awkwardness all of the sudden. Nag iwas tingin sila sa isa't isa tsaka inabala ang sarili sa pagbubuklat ng notebook. I just shrugged and sitdown. Sanay na ako for one month na ganito.

"Saan ka maglu-lunch Nami?" Tanong ni Lycy sa kalagitnaan ng klase

"Canteen"

"Sabay ako ha?" nag aalinlangang sabi nya. Nakita ko kung paano lumingon sa gawi nya si Rox, pero ng makitang napansin ko sya ay mabilis ding tumingin sa harap.

"Sure, you're not eating with your boyfriend?" Paninigurado ko

"LQ" kaswal na sagot nya tsaka humarap na rin sa unahan, tumango tango nalang ako at ginaya ang ginawa nya.

She's pretty good at handling a fight huh. It's not obvious. Hindi kagaya ko na masyadong occupied sa t'wing may tampuhan kami ni Nathan.

We are all preparing for lunch when our adviser enter the room.

"It will only take five minutes class. Seat down" panimula nya, groaned from my classmates roared but they all sit down eventually

"Next week we will be having our sportfest, we need a representative for our section in the pageant. Sa inyo ko na ipapaubaya ang pagpili roon dahil kilala nyo na ang isa't isa. Alam nyo na kung sino ang pinaka-suitable na sumali. " She paused and traveled the whole room with her eyes

"Bukas ay magbobotohan tayo kung sino ang magre-represent sa section natin. By then sana ay nakapili na kayo ng inyong gusto. That's all. Dismiss" matapos iyon ay lumabas na sya sa classroom namin

"Ikaw girl ayaw mo?" Tanong sa'kin ni Rox habang naglalakad papunta sa canteen

"I've had enough of pageant, mas gusto kong alagaan nalang si Grandma. Wala naman pating points 'yon" sagot ko

"Wow, beteranong beterano na ang datingan ng mga sagot mo ha" biro nya tsaka ikinawit ang kamay sa braso ko

Rox is fond of holding someone's arm. Parang hindi sya makakapaglakad ng walang brasong kinakapitan.

I held Lycy's arm after I noticed that she's walking silently beside me. Hindi sya sumasali sa usapan namin. And I don't want it that way.

Mukang nagulat sya roon pero agad din namang nakabawi at ngumiti. She's really beautiful, mas pinatingkad pa iyon ng perpektong pagkakamakeup nya sa sarili.

"Ikaw Lycy ayaw mo? feel ko bagay ka sa mga pageant" I asked

Nahihiyang ngumiti sya sakin tsaka pabirong umirap.

"Ayoko ng mga ganyan, may Q and A. Bobo ako 'no" natatawang sagot nya

Hindi ko man gustong pagtawanan sya ay hindi ko na rin napigilan ang ilang halakhak. She's too blunt! Parang babaeng bersyon ni Rox kung iisipin.

Our lunch went well. Hindi man madalas na mag usap silang dalawa ay kahit papa'no masaya na rin ako na kaya naman pala nilang kumain ng kaharap ang isa't isa.

"Pawis pawis ka na" puna ko tsaka inilabas ang puting panyo at pinunas iyon sa pawisang noo ni Nathan

Mariing nakatitig lang sya sa'kin habang ginagawa iyon.

"Nagpractice kami e" sagot nya naman

"Dapat di mo na ako sinundo. You're probably tired" nag aalalang tugon ko

"Kaya nga kita sinundo. Kailangan ko kasi ng lakas, e ikaw 'yon" banat nya na nagpalukot sa muka ko

I look at him with disgust in my face. Para bang hindi ko matanggap yung sinabi nya. Sya naman ay tinawan na lamang ako hinawakan sa kamay.

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon