15

2.2K 79 88
                                    

"Pumayag ka? Alam mo masokista ka rin talaga e ano?" Panunuya sa'kin ni Rox habang hinihintay naming dumating sina Blair at Nathan

Sinamahan muna nila akong maghintay at uuwi rin daw sila pagnaka alis na kami ni Blair.

"Wala namang masama sa paghatid Rox" I reasoned out

"Walang masama pero komportable ka ba sa gano'n?" Minata nya ako at tila hinahamon sa kung ano.

Rox knew that I'm not.

"Dapat una palang sinasabi mo na agad kay Nathan yung mga bagay na hindi ka komportable. 'Pag 'yan nagpaulit ulit at hindi ka nag react, iisipin nung jowa mo na okay ka lang sa gano'ng set up" sulsol pa ni Lycy

"Ang pangit kayang tingnan na ibang babae ang kaangkas ng jowa mo" dagdag pa ni Rox tsaka ako inirapan

I understand their point but I promised myself last night that I'll stop feeding my mind with those kind of thoughts. Hindi rin naman maganda na palagi kong sasabihin sa kanya ang mga bagay na hindi ako komportable. Baka maramdaman nyang masyado ko syang kinokontrol, at ayaw ko ng ganoon. May isip naman si Nathan para malaman ang pagkakaiba ng mali sa tama.

"Hayaan nyo na. I trust Nathan and Blair is my cousin, sapat na siguro yon para magtiwala ako sa kanila" sagot ko na ikina-buntong hininga nalang nilang dalawa

I heard a familiar sound of engine, kahit malayo layo pa ay alam kong tunog iyon ng motorsiklo ni Nathan. I stand and wipe the back of my uniform.

Tumigil sila sa harapan namin. Naunang bumaba si Blair doon at bahagyang humawak sa balikat ni Nathan bilang suporta. Nang makababa ay sumunod na rin si Nathan.

"Hatid ko na kaya kayo?" Bungad ni Nathan tsaka ako hinalikan sa noo

"Wag na, magcocommute kami" mahinang sambit ko at bumaling kay Blair na ngayon ay tinatanaw ang kulay berdeng palayan, na napapalamutian ng ilang tau-tauhan na gawa sa mga lumang damit.

After more minutes of talking with him,  I and Blair decided to leave them already. Kumaway ako sa mga kaibigan ko pati na rin kay Nathan ng makasakay na kami ng jeep. 

Blair on the other side of the jeepney remained quiet, the impact of wind  made her hair flew gorgeously. Nakikipagsayaw iyon sa bawat hampas at ihip ng hangin.  I wonder what she's thinking, mukang malalim iyon kaya hindi nya napapansin na tinititigan ko na sya.

Ilang minuto ang lumipas at tumigil na ang jeep sa terminal ng Siniloan kaya bumaba na rin kami.

We went directly at McDo to grab some foods.

"Ano sayo?" I asked while we're on the line

"Same nalang tayo" nakangiting balik nya na tinanguhan ko nalang

Hindi ganoon karami ang tao kaya mabilis lang naming nakuha ang order namin at nakapunta sa bakanteng lamesa.

We choose the table near at the window. Mas maganda kasi ang vibe doon.

"Those two girls last time, are they your friends?" I asked, trying to start a topic

"Yeah, they are from other strand" tipid na sagot nya

Mabagal akong tumango tango bago uminom. Okay.... what's next?

"Are you dating anyone Blair?" I asked out of nowhere

Napahinto sya roon sa tanong ko at bahagyang nasamid pa sa iniinom.  I feel awkward all of the sudden. Am I too blunt? Dapat ba ay hindi muna ganoon ang itinanong ko? Damn, I'm really not good in thinking a topic.

"No, I'm not dating anyone" Sagot nya ng makabawi  "...but I like a specific guy in our school" she added and looked down at her food

I paused chewing my food and stare at her.
I started wondering who's the guy she's talking about.

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon