14

1.9K 71 30
                                    

Kinabukasan ay maaga akong bumaba para sa almusal, Mommy was there already. Prenteng nakaupo sya sa kanang bahagi ng lamesa habang sumisimsim ng kape.

"Good morning Mom" bati ko at humalik sa pisngi nya

"Blair told me that you and your Dad had a fight yesterday, what happened?" She sip on her coffee before eyeing me curiously

Nakaramdam ako ng pagka-irita sa sinabi ni Mommy. And why the hell Blair tell that? It's not her story for pete's sake. Dapat ay hinayaan nya nalang na ako o si Daddy ang magsabi no'n. I'm starting to get irritated at her. Hindi naman sya ganito dati, bakit bigla nalang nakikialam sya?

"Just a little fight Mom, okay na po" pilit akong ngumiti

Concern akong binalingan ni Mommy bago ngumiti rin, mabuti nalang at mabilis ko syang nakumbinsi na okay na bago pa bumaba sina Daddy.

"Tita" masiglang bati ni Blair tsaka humalik sa pisngi ni Mommy

"How's school Blair?" Mom asked

Madalas kasing wala rito si Tita Fiona kaya halos si Mommy at Daddy na rin ang tumitingin sa kanya. Parang magkapatid na rin kami kung iisipin.

Naupo si Daddy sa tabi ni Mommy habang si Blair ay sa tabi ko naman.

"It's good po. Speaking of school Tita, wait..." she stand and walk towards the sala, we are all left watching her "Can you sign this po? Wala po kasi si Mommy, e kailangan na rin pong ibalik 'yan today" tukoy nya sa hawak na envelop at iniabot 'yon kay Mommy

Mataman lang akong nakasubaybay ng buksan ni Mommy ang envelop na iyon.

"Is this your report card Blair?" Di makapaniwalang tanong ni Mommy, Blair nod happily

"Your grades are impressive! You really improved Blair" masayang bati ni Mommy at ipinakita pa iyon kay Daddy na napangiti rin dahil doon

Napanguso ako sa naging reaksyon nila. Sanay ako na ako lang ang sinasabihan ng ganoon nila Mom at Dad, kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng selos. But I'm happy for Blair, atleast she finally excel in studies.

"What's her highest grade Mom?" Nakisaling tanong ko para maiba ang pokus at atensyon

"Well... it's not as high as your grade Nami. If that's what you want to know" Blair answered instead of Mom, her voice turned into sad and disappointed

Natikom ko ang bibig dahil do'n. I'm not trying to make a comparison, gusto ko lang namang malaman. Bakit kailangan nya pang ikumpara iyon sa'kin?

I cleared my throat after I noticed that Mom turn her gaze towards me.

"Nami..." Mom looked at me, parang pinagsasabihan ako gamit ang mga mata nya "We should just be happy that Blair is finally doing good at school, di na mahalaga kung gaano kataas ang grade nya. She's improving and that's all that matters." Mom said before turning to Blair

Masayang ngiti ang ibinalik ni Blair kay Mommy.

"Sorry... that's not what I meant" mahinang sabi ko nalang at nagsimula ng kumain

They continue talking more about Blair's grade while I just did my best not to interrupt. Baka may masabi na naman ako at mamali lang ang interpretasyon nila roon. I don't want to create another stupidity.

"Problema mo?" Tanong ni Rox matapos kong magbuntong hininga

"Wala" tipid na sagot ko at muling nagsulat

"LQ kayo?" Singit naman ni Lycy

I rolled my eyes. Bakit ba sa t'wing ganito ang mood ko ay palaging kasali ang LQ sa mga posibleng dahilan?

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon