17

2.2K 76 100
                                    

Dumating ang araw ng Biyernes at araw na ng laban ngayon ni Nathan sa basketball.

"Sana maraming gwapo do'n" masiglang sabi ni Rox ng makapasok kami sa Liceo.

"Saan daw ba tayo Nami?" Tanong ni Lycy tsaka inilibot ang tingin sa court

I pointed the seat at the lower left corner of the court. We started walking towards there. Malapit lang iyon sa pinaka court, dalawang upuan ang pagitan noon sa upuan ng mga manlalaro.

The game isn't starting yet. Ikinokondisyon pa sila ng kani-kanilang mga coach.

"Ay ang gwapo nung kalaban nila Nathan, mukang FO muna tayo Nami" bungisngis na sabi ni Rox tsaka itinuon ang titig sa kabilang koponan

I rolled my eyes and focus on Nathan instead. He's intently listening on their coach.

"Ano kayang pangalan nung 4 sa ig?" Tanong ni Lycy kay Rox tsaka inilabas ang cellphone nya

The two of them talked more about the players in the court, napukaw ang atensyon ko ng mga kababaihang pumasok sa court. It was Blair and three other girls, lahat ay nakaupo na sa kabilang bahagi ng court kaya pansin na pansin ang pagdating nila dahil sila nalang ang mga naglalakad.

"That girl, yan yung girlfriend nung number 2 si Ybardolaza" rinig kong sabi ng babaeng katabi ko

Napatigil ako sa pag obserba kay Nathan dahil do'n at pasimpleng sumulyap sa kanila. I was thinking that she's pointing me but to my surprise she's pointing at the opposite direction.

"Sino dyan?" Mahinang tanong nung katabi nya. Muka silang mas bata sa amin, base na rin sa uniporme nila.

I'm all ears in listening on their conversation. I knew they are talking about Nathan since there's no more Ybardolaza in the court except Nathan.

"The girl with blue bag"

Sinundan ko kung saan nakaturo ang kamay nya at kusang kumunot ang noo ko ng makita kung sino iyon.

"That's not her girlfriend" wala sa sariling nasabi ko nalang dahil sa pagtutol sa sinasabi nila

Huli na ng mapagtantong nakikisali ako sa usapan nila.

The two girl looked at me curiously. Nanliit ako sa kinauupuan, nagmuka akong chismosa!

"Uhm.." I cleared my throat and smile shyly

"I just...uhm.. overhead your conversation. I'm sorry" hiyang hiya na sabi ko

"Okay lang" sagot no'ng isang babae

They continue the conversation while I'm silently wishing I could just vanish or disappear.

"Sure kang may girlfriend na yung Ybardolaza? Sayang naman, gustong gusto pa man din sya ni Eunice" the girl in uniform said, her voice was shouting disappointment

Napanguso nalang ako sa muling pag uusap nila. Aware naman  ako na may mga nagkakagusto nga kay Nathan pero iba pa rin pala sa pakiramdam kapag harap harapan mong maririnig na may nagkakainteres sa boyfriend mo. Nakakainis na ewan.

Muli kong itinuon ang tingin kay Nathan at tuluyan ng natakpan ng ingay sa court ang usapan ng dalawang katabi ko.

Malakas na pito ang nagpatahimik sa mga manonood, nagsiayos ang mga manlalaro at pumunta sa pinakagitna ng court.

Matapos ang ilan pang mga pangyayari ay nagsimula na ang laro.

"Go number 4!" Malakas na sigaw ni Rox

Palihim akong umirap sa kanya dahil kalaban ni Nathan ang chini-cheer nya.

"Taksil ka talagang bakla ka!" si Lycy tsaka siniko si Rox dahilan para matigil sya sa pagsigaw para sa kalaban

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon