"Zombie yan girl?" Tumatawang bungad sa'kin ni Rox ng makarating ako sa klase

"Muka kang pinuyat sa sama ng loob a" dagdag naman ni Lycy na tinawanan rin ako

Iritado akong umirap sa kanila at padabog na umupo. Bwiset na mga 'to.

"Huy, ba't ka ganyan? LQ?" Pang uusyoso pa ni Lycy

Padarag akong napabuntong hininga. Narinig ko na naman ng pinaka paborito nyang tanong.

Nanatili akong tahimik at mukang napansin nilang wala ako sa mood na makipag usap kaya hindi na sila nagtanong ulit, pero ang mga kyuryosong titig nila ay nanatili sa akin.

I let myself ducked in my desk.

Irritation and disappointment are filling my chest, nahihirapan akong huminga sa isiping magdamag akong naghintay sa wala. Sa unang pagkakataon nakatulog ako ng walang natatanggap na paghingi ng tawad o kahit suyo man lamang. And it's really new, Nathan can now able to sleep without fixing our misunderstanding?

Ilang minuto pa ang lumipas na nasa ganoong ayos ako, itinaas ko lamang ang ulo ng pumasok na ang aming guro.

At the middle of our class I secretly glance at my phone to check if Nathan message me or call me, but there's nothing in it. Kahit sana sa text ay humingi man lang sya ng tawad, okay na ako do'n kung talagang busy sya. Pero wala man lang.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Rox habang naglu-lunch kami

I nod bitterly and play the foods with my spoon. Wala akong ganang kumain.

"Nag away ba kayo ni Nathan?" Si Lycy na mataman rin palang nakatingin sa'kin

"Hindi ko alam..." I answered honestly

I really don't know if we fought or it's just me who expected too much? Pero sinanay nya kasi ako ng ganoon kaya ako nag expect. Ever since, no matter how busy he became, he still managed to make some time for me. Kahit na gaano ka-hectic ang schedule nya nagagawa nya pa rin akong lambingin at suyuin sa t'wing nagtatampo ako. Anong nagbago at hindi na nya kaya ngayon?

Did something really changed or my expectations just went too high? Nasasakal ko na kaya sya sa sobra sobrang pag e-expect?

With the thought that it's me who's at fault I grab my phone to send him a message.

Bahala na, bababaan ko na muna ang pride ko. My ego hurts a bit upon hitting the send button.

Nami:
Eat your lunch. I miss you. Sorry about last night, tsaka na lang tayo lumabas 'pag hindi ka na busy.  I love you.

Hindi ko napigilan ang mahabang pagbuntong hininga ng makitang tuluyan na iyong na-send.

"Seryoso girl, sabihin mo na sa'min 'yan. Konti nalang tatalsik na kami sa kakabuntong hininga mo dyan" Rox said sarcastically

"Okay na" ngumiti ako matapos iyon

"Ano bang nangyari?" Si Lycy

Left with no choice I tell them what happened yesterday. Details by details. Maging ang mga ginawa ko habang buong magdamag na naghihintay na dumating si Nathan. Pati na rin ang saloobin at mga nararamdaman ko tungkol sa ginawa nyang pagtanggi at hindi pag suyo sa akin. And I won't lie, it made me feel a little better.

"Baka naman busy lang talaga..." nag aalangang sabi ni Lycy matapos iyon

"Alam nyo kayong dalawa mga pa-ignorante lagi, palibhasa kasi parehas kayong masokista" iritadong baling sa'min ni Rox

I and Lycy rolled our eyes on him.

"Obviously may iba na 'yang jowa mo. Nanlalamig kasi may ibang nagpapa-init" Bwelta nya tsaka ako binalingan na para bang dapat ay alam ko iyon

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon